Chapter 5 Panaginip

1028 Words
Sa pagmulat ng aking mata, yung anino agad ang aking nakita. Nagpalinga-linga ako sa aking paligid at doon ko napagtanto na wala ako sa aking kwarto ngayon. Nasa iba akong kwarto, kung hindi ako nagkakamali ay nasa kwarto ako ni Lander. Nakikita ko si Lander na nakahiga at mukhang nanaginip ito ng masama dahil sa bawat galaw at unggol nito ay masasabi mo na nahihirapan itong huminga. Bigla akong napatalon sa gulat noong makita ko yung anino na nakatawa sa akin at nagwika ng Anong gagawin mo? Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako tinatanong ng anong gagawin ko. Hindi ako sumagot sa kanyang tanong bagkus ay pumikit ako at doon ko naramdaman na hinawakan niya ako sa aking leeg at iniangat sa sahig. Nahihirapan na akong huminga, nagpupumelgas ako para makawala subalit napakalakas nito, napakahigpit ng ang kapit nito sa akin. Sa pagmulat ko ulit ay nawala yung anino at nasa iba na akong kwarto, nasa kwarto na ako ni Harry, katulad ni Lander ay ganoon din ang nangyayari kay Harry, nananginip din ito ng masama. Pupuntahan ko sana si Harry noong nagpalit na ulit ako ng kwarto, nandito na ako sa kwarto ni Clay, katulad nung dalawa ay ganito rin ang nangyayari sa kanya. Bigla akong napapikit at nanalangin pero hindi nabawasan ang aking takot bagkus sa pagmulat ng aking mata ay yung anino ang aking nakita, napakalapit niya sa akin, sinulid na lang ang pagitan ng naming ilong. "Anong kailangan mo?" lakas loob kong tanong dito. "Hindi ko alam" sabi nito na may poot sa kanyang tono "Ano ba ang gusto mo?" "Bakit ako ang tinatanong mo?" sabi ko dito "...." "Sino ka ba?" "Ak – " hindi na natuloy ang sasabihin nito noong marinig ko yung buzzer. Napabalikwas ako ng gising noong marinig ko ito. "Benedicamus Domino" sigaw ng aming Beadle "Deo Gratias" sagot ng lahat. "Panaginip!" reklamo ko sa aking sarili Tatayo na sana ako noong mapansin kung bukas ang aking pinto at ang mga paa ko ay puro alikabok. Napatulala akong bigla, noong maalala ko ang aking panaginip. Sino ba talaga yung anino, bakit niya ako ginugulo? Ano ba talaga ang kailangan niya. Bakit lagi na lang siy – naputol yung aking iniisip noong marinig ko na yung warning bell "Holy cow, five minutes na lang" reklamo ko sa aking sarili. Nagmadali na akong nagayos ng aking sarili at nagsout na rin ako ng aking sutana para sa paghahanda ng sarili para sa panalangin sa umaga o lauds at para sa Banal na Misa. 1 minute remaining na lang noong marating ko ang aming chapel. "Buzzer Beater e" birong sabi Sam na merong eyebags na malaki, na para bang hindi ito nakatulog "Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" Iimik pa sana ito pero nagsisimula na magdasal ng panalangin para sa umaga. Noong natapos na ang panalangin ay inihanda na namin ang aming sarili sa Banal na Misa. Pero bago magsimula ang misa ay hinanap ko ang aking mga kaklase ay ganoon din ang mga itsura ng mga ito, puro ang lalake ng eyebags ng mga ito at mukhang antok na antok pati ang mga ito, nagpalinga linga pa rin ako pero hindi ko mahanap ang gusto kong makita, wala pa rin si Lander. "Nasaan si Lander" tanong ko kay Sam. "Masama daw ang pakiramdam" Magtatanong pa sana ako noong marinig ko na ang tunog ng bell hudyat na nagsisimula na ang misa. Nagsimula ng kumanta ang aking mga kaseminarista ng introduction song. Noong matapos na ang entrance song ay nagsign of the cross agad ito. "In Nomine Patris, et Filio et Espiritu Sancto" wika ng aming Dean of Studies. "Amen" sagot naming lahat. ~ Noong natapos na ang misa ay unti-unti nang umalis ang mga seminarista. "Tara na Lance" akit sa akin Ivanne "Sige" matipid kong tugon dito "Saglit Ivanne, bakit para kang hindi nakatulog" panimula kong wika dito "Anong pinaggagawa ninyo sa inyong sarili" Hindi ito sumagot bagkus ay tinitigan niya ako pero ang mga titig nito ay parang sinasabi ay Silencium Magnum – Great silence, bawal pang mag-usap mamaya na lang. Marami akong sasabihin sayo. Tahimik kaming naglalakad papuntang refectory para kumain ng aming umagahan. ~ Hindi ako makafocus, lumipas ang mga klase ay wala akong naintindihan at natandaan. Lalong lang sumasakit ang aking ulo. "Lance" tawag sa akin nung aming professor sa Biblical Greek. "Yes, padre?" "Recite the Greek Alphabet" "Alpha, Beta, Gamma, Delta, Epsilon, Et –" hindi ko natuloy yung aking pagrerecite nung tumunog na yung buzzer hudyat na tapos na ang klase. "Ok, Lance – next class mo na lang ipagpatuloy yan. Ok Class, Let us pray" wika nito sa amin. Pagkatapos naming magdasal ay lumabas na kami sa aming classroom. "Wait lang brothers" sabi sa aming Professor "Nakatulog ba kayong lahat?" Nagkatinginan kaming lahat at sa hindi ko alam na kadahilanan ay tumingin ang mga ito sa akin na may pagkahulugan, para bang ang sinasabi ay Hindi po, magdamag kaming gising "Nag-aral lang po kami" sabi ni Harry "Midterm na po next week e" "Kailangan po naming mag-aral ng maayos" nakangiting sabi ni Clay Tumalikod na ako sa mga ito at nagpatuloy na akong pumuntang chapel para magdasal ng pananghaliang panalangin. "Lance, wait" sigaw nung tao sa aking likod. Nilingon ko ito at doon ko nakita si Hiro kasama ang aking mga kaklase. "Wait lang Lance" sabi ni Sam. "Bakit?" tanong ko sa mga ito "Ikaw rin ba?" tanong ni Yves "Alin?" nagtatakang tugon dito "Panaginip?" tanong ni Ivanne "Yung Itim na lalake" paglilinaw ni Justin "Napapaniginipan mo rin ba siya?" tanong ni Harry na matiim na nakatitig sa akin. "Ah.... e, Oo" wika ko sa kanila "Kagabi ay hindi rin niya ako pinatulog. Hindi ko nga alam ku – " naputol yung sasabihin ko noong nakarinig ako ng tawag. "Brothers, magpprayers na po tayo" sabi nung isang seminarista. Nagkatingginan kaming lahat bago kami tumuloy sa loob ng chapel. Napapansin ko sa kanilang titigan na may pinaguusapan sila kahit sa titigan lang. Hindi ko alam kung ano ito. Ano ba ang nangyari sa kanila after nung burol ni Drake. Ano ang hindi ko alam? Ano ba ang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako? ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD