Chapter 4 Anino

988 Words
Isang linggo na ang nakakalipas noong naospital ako, wala akong masyadong matandaan pagkatapos nung nawalan ako ng malay sa ospital ay anim na araw akong hindi gumising, hindi mapaliwanag ng doktor kung bakit hindi ako nagigising, hindi naman ako coma. Ang vital signs ko naman daw ay normal. Kaya nagtataka sila kung bakit hindi ako gumigising. Nabalitaan ko nga na ilang misa at nobena na ang inoffer sa akin ng aking kapwa seminarista at mga paring tagahubog para lang gumaling ako. At dalawang araw na ring lumipas noong naihatid na sa huling hantungan ang labi ni Drake. Masakit mang isipin na nawalan ako ng isang kaklase at isang tunay na kapatid pero kailangan ko ng magmove-on para sa aking sarili at para sa aking pangararap sa buhay na maging pari sa hinaharap. "Lance?" tawag sa akin ni Ron "Oh" tugon ko dito "Ayos ka na ba talaga, pwede ka namang umuwi daw sabi ni Monsignor" "Ano ba Ron, ayos na ako" nakangiti kong tugon dito. Inihatid na ako ni Ron sa aking kwarto at bigla akong nagulat noong nakapasok na kami sa aking kwarto, nandoon lahat ang aking mga kaklase at mga paring tagahubog at ilang seminarista na aking kaibigan. "Hi, brother!" nakangiting bati sa akin ni Justin "Hi Lance" tawag sa akin ng aming Rector "Welcome back sa iyong bahay" Hindi ko mapaliwanag ang aking nararamdaman, napakasaya ko ngayon pero sa isang idlap lang ay nalusaw ito noong may napansin akong anino sa likod ni Lander. Ito yung anino na nakita ko sa kwarto ni Drake. Nakita ko yung kamay nung anino sa leeg ni Lander na para bang sinasakal nito pero hindi naman nagrereact si Lander, mukha pa itong masaya. Pumikit ako ng matagal at sa aking pagmulat ay nawala na ito. Para itong isang bula. Biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo sa aking katawan at bigla akong may naramdaman na hangin na tumama sa aking dibdib. Pero hindi ko na pinansin pa yung aking nakita at pinagpatuloy ko lang ang pagiging masaya. ~ Natapos ang kasayahan sa aking kwarto at narinig na namin ang buzzer na hudyat na para sa aming night prayers. Nagmadali na kaming pumunta sa chapel at nagdasal ng aming pananlangin. Makalipas ang mahigit kalahating oras ay natapos na kami. Isa-isa ng umalis ang mga seminarista sa loob ng chapel at ako lang ang natira sa loob. Mahigit sampung minuto na akong nakaluhod noong may naramdaman akong kakaibang pakiramdam, parang may nakatingin sa akin. Nagpalinga-linga ako subalit wala akong nakita pero hindi nagbago ang aking pakiramdam para talagang may nakatitig sa akin, para itong nagbabantay. Tumayo na ako at nagmadaling lumabas ng chapel at doon ko nakasalubong si Hiro na mukhang natatakot. "Lance" tawag nito "Thank God" "Bakit?" tanong ko dito "Si Lander!" "Anong meron kay Lander?" "May nakita daw siyang anino sa kanyang kwarto" "Anino" "Oo anino tapos ang sabi ni Lander ay papatayin daw siya nito" "e? Nasaan na siya ngayon?" "Nasa Kwarto niya namamahinga" Pinuntahan namin si Lander sa kanyang kwarto. At noong nandoon na kami sa harapan ng kwarto nito ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang enerhiya, katulad nung pakiramdam ko kanina sa loob ng chapel. Malamig pero mainit sa pakiramdam. Sumasakit ulit ang aking ulo at kumakati ang aking likod. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero ang alam ko lang ay ganito yung una kong naramdaman nung gabing napanaginipan ko si Drake. Dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob at unti-unti kong binuksan ang pinto nito. At noong nabuksan na ito ay doon ko nakita si Lander na nakatayo sa kanyang kama at nagsasalita ng kakaibang linguage, hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi nito pero noong maramdaman ni Lander na nandoon ako sa kanyang kwarto ay tumingin ito sa akin at nagwika ng "I'm sorry Lance" wika nito Pagkatapos nitong magsalita ay bigla itong bumagsak sa kanyang kama. Nagmadali kaming pumunta ni Hiro sa kanyang kama. "Lander" tawag ni Hiro dito habang inaalog nito. Nakita ko namang gumagalaw na si Lander, dahan-dahan itong nagmulat ng kanyang mata. "Thank God" bulong ni Hiro "Bakit?" tanong ni Lander. "Wala kang naalala?" tanong ko dito. "Wala eh, ang alam ko lang ay nananaginip ako" sabi nito "nasa madilim daw akong hallway tapos nakita ko si Drake tapos nakakita ako ng anino tapos yun na wala na akong maalala pa" "Ano naman ang nararamdaman mo?" tanong ko dito. "Wala naman, pakiramdam ko parang may nalilimutan ako parang ma – " hindi na natuloy ni Lander ang kanyang sasabihin nung nakaramdam ito ng sakit ng ulo. "Ayos ka lang?" tanong ni Hiro "I don't know" sabi nito "baka magpapahinga lang ako" "Pero Lander wala ka talagang natatandaan?" sabi ko dito. "Wala talaga e"sabi nito "sige na tutulog na ako" Nagkatinginan kami ni Hiro na may pagkahulugan, para bang sinasabi na hindi ko rin alam ang nangyayari "Sige pahinga ka na" sabi ko dito. ~ "Lance, may sasabihin ako sayo" sabi ni Hiro sa akin noong naglalakad na kami sa hallway. "Ano yun?" tanong ko dito "Yung anino na sinasabi ni Lander ay parang nakikita ko rin siya sa aking panaginip" sabi nito na may takot "Paulit-ulit ko siyang napapaniginipan, nagsimula ito nung pagkatapos nung pagpunta natin sa burol. Lagi niya akong sinasakal at sinsaktan pero pagkatapos nuon ay nagigising na ako" Bago pa ako makasagot ay nagbell na ng pang de Profundis – panalangin para sa lahat ng kaluluwa. "Sige Lance bukas na lang tayo mag-usap"sabi nito "Pero wa – " hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung tumakbo na ito palayo sa akin. Hindi lang ako nag-iisa, hindi lang ako nakakaranas ng makita at mapanaginipan ang anino. Sino nga ba talaga itong aninong nito? Ano nga ba ang kailangan nito sa amin? Bakit siya ay nagpapakita sa amin? Bakit kami pang mga seminarista ang ginugulo nito? Ano ang koneksyon ng aninong ito sa pagkamatay ni Drake? At ano itong anino ito? Kaluluwa ba o isang demonyo? ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD