Chapter 3 Burol

1181 Words
Malayo sa kabihasnan ang bahay nina Drake, madalang ang mga bahay sa dinadaanan naming daan at ang makikita mo lang ay ang mga puno na nakakapanglaw tingnan, bukod sa malalaki at meron itong mga kakaibang sanga na hindi ko alam kung saan ito nanggagaling. "Lance" tawag sa akin ng aming Rector "Po" tugon ko dito "Okay, ka lang ba?" Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, para bang ang bigat-bigat ng aking pakiramdam, at namumuo ang mga pawis ko. Para akong lalagnatin o kung ano man. Ang init pa ng singaw ng aking katawan, at sumasakit din ang aking ulo. Hindi ko alam kung bakit, naramdaman ko lang ito kaninang umaga paggising ko. "Oho" matipid kong tugon dito Lumipas pa ang mahigit sampung minuto ay narating na namin ang bahay ni Drake. Malaki ang bahay nito at meroon itong dalawang palapag at meron ding itong malawak na bakuran. Pinarada na yung aming sasakyan sa harap ng bahay ni Drake at kami ay isa-isang bumaba. Noong nandoon na kami ay sumalubong agad sa amin ang nanay ni Drake. "Condolence po" sabi ng aming Rector "Salamat po, Monsignor" sabi nito "tuloy po kayo!" Pumasok na kami sa bahay, lalo akong namangha sa loob ng bahay ni Drake, ang itsura nito ay may pagkamoderno at pagkaluma ang style. Meron itong malawak na salas at kung saan doon nakaluklok ang kabaong ni Drake. Kulay rosas ang kulay ng dingding na ito at meron din itong mga larawang nakasabit. "Lance!" tawag sa akin ni Harry "Huh?" "Magsisimula na yung misa" sabi nito "nakatulala ka na naman e, pumunta ka dito at ikaw ang magbabasa" Nagmadali na akong pumunta doon at naghanda ng sarili. Para sa pagdidiriwang ng Banal na Misa. Wala pa rin ako sa focus, ang dami kong naiisip, at naalala ko pa rin ang aking panagip tungkol kay Drake. Lumipas pa ang isang oras ay natapos na ang misa. "Tapos na ang banal na pagdiriwang, humayo kayo ng mapayapa" sabi ng aming Rector "Salamat sa Diyos" tugon ng lahat Pagkatapos ng misa ay binasbas si Drake ni Msgr. Rector ng holy water at sinundan ng kapamilya nito at sumunod kaming magkakaklase at ang huli ay ang ilang taong nakikiramay. "Monsignor, kain muna kayo" sabi ni Mrs. Matias "Sige huh" tugon naman ng aming Rector Nagpuntahan na ang aking mga kaklase sa magarang kusina kasama ang aming Rector para kumain, susunod na sana ako noong tinawag ako ng nanay ni Drake. "Lance" tawag nito. "Yes po tita" "Pwede ba tayong mag-usap?" Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako kinakausap nito dati. Hindi kami close kahit magkaibigan kami ni Drake. Hindi naman siya mataray pero ayaw ko lang sa aura niya, para bang nangmamata o nanghuhusga. Kaya ngayon ay kinakabahan ako. "Sige po Mrs. Matias" "Sige, doon tayo sa taas" Noong nasa taas na kami ay lalo akong kinabahan dahil pumasok si Mrs. Matias sa kwarto ni Drake. "Pasok ka" Pumasok na ako sa loob ng kwarto. At bigla kong naalala ang aking panaginip kagabi. Nandito ako kagabi, sa kwarto ni Drake at pinapanood ito kung papaano nito wakasan ang kanyang buhay.Wala akong magawa kundi umiyak noong gabing iyon. Alam kong panaginip lang yun pero bakit nagkatotoo. "Lance, di ba kaibigan mo ang anak ko?" malungkot nitong sabi sa akin "Opo, tita" matipid kong tugon dito "Baka naman may alam ka, kung bakit nagpakamatay ang anak ko" Gusto kong sabihin ang panaginip ko kagabi pero para bang may pumipigil sa akin. "Wala po Mrs. Matias, nagulat nga po ako sa balita" "Kasi, lately meron siyang sinasabi sa akin tungkol sa kanyang panaginip. Meron daw sa kanyang papatay" sabi nito na naluha na "hindi ko naman pinansin yun dahil akala ko wala lang yun at ang sabi ko pa nga sa kanya ay masamang panaginip lang yun pero naging malala si totoy noong pagkatapos niyang mapaniginipan yun, lagi na siyang tulala at hindi makatulog at lagi niyang binubulong ang pangalan mo" dagdag pa nito "Ako? Pangalan ko po?" gulat kong tugon dito "Bakit? Ano po ang sinasabi niya?" "Patawad daw, pagkatapos niyang sabihin ng pangalan mo ay sinisigaw naman yung mga pangalan ng iyong kaklase at sabi niya ay may nakikita rin daw siyang anino sa kanyang kwarto" "Sorry po Mrs. Matias, hindi ko po alam kung ano po ang ibig sabihin nun, at tsaka po hindi po kami magkaaway ni Drake" "Pasensya na ha Lance" Pagkatapos naming mag-usap ni Mrs. Matias ay lumabas na ito ng kwarto at nagtungo na sa baba. Naiwan akong mag-isa sa loob ng kwarto. Nanatili ako doon ng mahigit limang minuto bago ko napagdesisyunan na umalis na. Pero bago ako makaalis ay may napansin akong anino sa likod ng kurtina, malaking tao ito. Pinuntahan ko ito kahit ako ay natatakot na, nagsitayuan ang aking balahibo at natulo ang aking pawis. Noong malapit na ako ay bigla itong nawala at bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin na tumama sa aking katawan, nagpalinga-linga ako para makita kung saan nagmumula ang hangin subalit sarado lahat ng bintana sa loob ng kwarto. Lalo akong natakot, kaya ako ay nagmadaling lumabas ng kwarto subalit bago ko pa marating ang pinto ay nagsarado ito. At doon ko napansin na nadoon yung anino, nakatawa ito sa akin na may pagkahulugan. "Sino ka?" tanong ko dito Hindi ito sumagot, bagkus ay inagat nito ang kanyang kamay at bigla akong nakaramdaman ng dampi sa aking leeg na nakahawak doon. Sinasakal niya ako subalit hindi siya lumalapit. Naramdaman ko na umangat ako sa sahig. Nahihirapan na akong huminga, at hindi rin ako makasigaw. Nagpipilit akong makawala dito subalit napakalakas nito. At bigla akong kinain ng kadiliman. ~ Dahan-dahan kong minulat ang aking mata, at doon ko nakita ang aking mga kaklase na nakayo sa aking tabi. "Lance" tawag sa akin ng aming Rector "Ano pong nangyari?" tanong ko dito "Nasaan po ako?" "Nasa ospital ka" singit Ivanne "Bakit?" tanong ko "Nakarinig kami kahapon sa burol ng ingay na nagmumula sa itaas tapos noong napuntahan na namin kung ano yun ay nakita na lang namin ikaw na nakahalundusay sa sahig at walang malay" sabi ni Clay na may pagaalala sa kanyang tono. "Ano ba ang nangyari sayo?" tanong ni Harry "Wala po akong matandaan" sabi ko habang nakahawak ako sa aking ulo "Ang alam ko lang ay naguusap kami ni Mrs. Matias tapos wala na po akong maalala" dagdag ko. "Sige na Lance, magpa – " naputol yung sasabihin ni Mrsgr. Noong nagbukas ang pinto ng kwarto at iniluwal nito ang aking magulang. "Ma, Pa? Bakit kayo nandito?" tanong ko sa mga ito. "Tumawag si Msgr na sa ospital ka kaya nagmadali kaming pumunta dito, ano ba ang nangyari sayo" sabi ni Mama sa akin. "Wal – " naputol yung sasabihin ko noong sumakit ang aking ulo "Ahhhahh" daing ko. "Toy, anong yayari sayo!" hesteryang sabi ni Mama "Yves, tumawag ka ng doktor, bilis" utos ng aming Rector. Tumalima na man ito sa utos ng aming Rector. Nagpatuloy pa rin ang sakit ng aking ulo hanggang sa hindi ko na makayanan ay nawalan ako ng malay. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD