Naihatid na ako nina Mama sa seminaryo, tinulungan nila akong magayos ng aking kwarto at mga gamit dito. Noong nahatid ko na sina Mama sa labas ay masaya akong binati ang mga seminarsita nakakasalubong ko. Bigla ako napatigil sa paglalakad noong may narinig akong bulong bulungan.
"Bakit masaya pa siya" bulong noong isang seminarista sa kausap niya.
"Baka hindi pa niya alam"
"Hey, ako ba ang pinag-uusapan ninyo?" sangat ko sa mga ito "Anong hindi ko pa alam?" dagdag ko pa
"Ah eh, hindi na –" naputol yung sasabihin nung seminarista noong nakita nilang parating ang aming Rector.
"Lance" tawag nito sa akin.
Hindi ko mapaliwanag ang aking nakikita sa kanyang mga mata para ba itong malungkot at para bang namatayan ito. Bigla akong kinabahan noong narinig ko yung dalawang seminarista na nagbulongan.
"Totoo nga ang balita"
"Shhh, h'wag kang maingay"
Biglang ako nakaramdam ng kakaibang pakiramdam, para bang binuhusan ako ng napakalamig na tubig.
"Lance?" ulit na tawag sa akin ng aming Rector.
"Yes, Monsingor" mahina kong tugon dito.
"Come with me" sabi nito "in my office, Now"
Tahimik akong sumusunod dito patungo sa kanyang office, bawat sa nakakasalubong naming seminarista ay tumititig na may kahulugan.
"Mons" tawag ko dito "Anong pong problema?" dagdag ko pa dito.
Pero hindi ito sumagot sa aking tanong bagkus ay nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Lalong lumakas ang t***k ng aking puso para bang gusto na nitong lumabas sa aking dibdib. Namumuo na rin ang aking pawis sa aking noo at ilong. Hindi ko na namalayan na nasa harapan na kami ng kanyang office. Hinawakan na niya ang doorknob at binuksan ito. Nagulat ako noong makita ko ang aking mga kaklase na nakaupo rin sa opisina ng aming Rector. Nakatitig ito sa akin na may pagkahulugan, para bang ang sinasabi ay
"Anong meron... anong ginawa natin ng masama sa boung bakasyon?"
"Ok, Lance" sabi nito na may pagkautorative "take your seat"
"Pinatawag ko kayo dito sa isang dahilan" sabi nito
Dumaan ang mahabang katahimikan sa boung kwarto. Walang sa aming makapagsalita o makagalaw man lang at hinihintay ang susunod na sasabihin ng aming Rector.
"Napansin niyo ba na kulang kayo ng isa?"
Tingnan ko ang aking mga kaklase, labing isa lang kami kulang kami ng isa. Kulang si Drake, hindi pa siya bumabalik. Wala rin akong balita sa kanya ng boung bakasyon para ba itong nawala ng parang bula. Hindi ito nagaactive sa aming gathering at hindi rin ito nagbubukas ng messenger nito.
"Alam na ba ninyo ang nangyari sa inyong kaklase" sabi ni Msgr. Rector sa amin.
"Mons, Wala po kaming balita kay Drake, hindi po siya sumasama sa amin kapag may gathering kami" sabi ni Harry na aming presidente.
"I'm sorry brothers, Drake passed away last night" sabi ng aming Rector na para bang hirap na hirap siyang bigkasin ang mga salita na yun.
Napanganga kami lahat noong marinig namin yung balita, wala sa aming makapagsalita. Dumaan ang nakakabinging katahimikan sa boung kwarto. Naputol lang ito noong nagsalita yung isa kong classmate.
"Mons, a-ano po ang kinamatay ni – ni Dr-drake" utal na sabi ni Clay habang ito ay naluha.
Hindi agad sumagot ang aming Rector pinadaan muna nito ang mahigit limang minutong katahimikan.
"Drake commited suicide" mahinang sabi nito sa amin.
"Bakit, hindi namin alam na ganoon na siya – masayahing tao si Drake" sabi ni Ivanne
"Yes, Drake is a lively person but alam ba ninyo na may tinatago siyang mga problema" sabi ng aming Rector
"Pero hindi ko lang po alam na kaya niyang wakasan ang kanyang buhay na hindi man lang sa amin na may problema siya. At isa pa po binabahagi niya sa amin ang lahat ng kanyang problema sa amin. Kaya po nakakataka naman po na magpapakamatay siya" sabi ni Ron sa mugto na ang mata.
"Ako rin naman nagulat noong binalita sa akin ng nanay ni Drake kaninang umaga, lagi siyang pumupunta dito kapag may problema siya pero hindi ko alam na may kinikim-kim ito problema sa akin o sa inyo." sabi sa amin ng aming Rector.
"Classmates, I will tell you something" sabi ko sa mga ito "last night nanginip ako, yung panaginip ko ay tungkol kay Drake, naglaslas daw ito at humihingi ng tawad sa akin. Wala akong magawa dahil para bang may pumipigil sa akin"
"Si Drake, nagchat din siya sa atin kahapon ng – Bye classmate, I'll miss you " sabi ni Justin "at sabay nagsend siya ng picture ng blade"
"Oh my, alam ninyo ba na naglaslas si Drake" sabi ng aming Rector na lumuluha na.
Napatahimik kaming lahat, at hinayaang umiyak ang aming Rector sa kanyang lamesa.
~
"Classmates, ang sabi ni Msgr. Rector, ngayong gabi daw ay dadalaw daw tayo sa burol ni Drake" sabi ni Yves sa amin na mugto na ang mata sa kakaiyak.
Pumunta na ako sa aking kwarto na tahimik. Wala akong gustong kausap ngayon, hindi katulad kanina na napakasigla ko, ngayon naman ay napakatamlay ko para bang napakabigat ng aking pakiramdam, para bang dala ko ang mundo.
"Oy Lance" tawag sa akin noong nasa likod ko.
Nilingon ko ito at nakita ko ang isa kong kaklase, na mugto rin ang mata sa kakaiyak.
"Bakit Sam, ano ang kailangan mo?" wala kong ganang sagot dito.
"Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari kasi kanina, nakita ko si Drake na nakangiti sa akin sa kanyang kwarto noong napadaan ako sa kanyang kwarto kanina... kaya hindi pa nagsisink in yung idea na patay na siya" sabi nito sa akin.
"Nagpakita sayo si Drake kanina?"
"Oo, kanina" mahina niyang tugon sa akin.
Tumalikod na ako dito na walang pasabi, at dumiritso sa aking kwarto. At noong nandoon na ako ay binagsak ko ang aking katawan sa aking kama at ako ay nakatulog.
~
Naalimpungatan ako noong may narinig akong kumakatok sa aking pintuan. Isa hanggang limang katok ang pinalipas ko bago ko ito buksan. Noong nabuksan ko na ito ay iniluwal nito si Hiro.
"Bakit?" tanong ko dito.
"Hindi na daw tayo sasama sa prayers, maghanda ka na paalis na tayo papunta sa bahay nina Drake" sabi nito na merong malungkot na tono.
"Sige" matipid kong sagot dito, sabay sarado ng pinto.
Lumipas pa ang kalahating oras ay narinig ko na ang tunog ng buzzer, hudyat na magsisimula na ang vespers, nagayos na ako ng sarili para sa aming pagalis. Nakarinig ako ng mga munting katok sa aking pinto. Tatlong katok ang pinalipas ko bago ko ito buksan. Pagkabukas ko ay ang sumalubong agad sa akin ay isang malakas na hangin na hindi ko alam kong saan ito nanggagaling. Sinarado ko na ulit ang pinto at binalewala ang lahat. Lumipas pa ang mahigit isang minuto ay nakarinig ulit ako ng katok, tatlong katok ang pinalipas ko bago ko ulit ito buksan at pagkabukas ko ay ganoon pa din ang aking napagbuksan, hangin pa rin ang sumalubong sa akin. Biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo sa aking katawan para bang yung hangin ay yumapos sa akin katulad na lang nung nangyari sa akin kagabi. Sinarado ko na ulit ang pinto at nagmadali na akong magayos ng aking sarili. Nakarinig ulit ako ng katok isa hanggang limang katok ang pinalagpas ko bago ko ulit ito buksan, dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob at unti-unti kong binuksan ang aking pinto. Bigla akong nakahinga ng maluwag noong makita ko ang isa kong kaklase na nakatayo dito.
"Lance? Ayos ka lang ba?" tawag nito sa akin "mukha kang nakakita ng multo e"
"Sorry, Conan, ano ang kailangan mo?"
"Ikaw na lang ang iniintay sa baba, paalis na tayo" sabi nito na may pangamba sa kanyang tono.
"Sige" matipid kong sagot dito.
Sinarado ko na ang aking pinto at ako ay umalis na papuntang baba para salubungin ang aking mga kaklase.
Noong nasa baba na ako ay ang sumalubog agad sa amin ay si Lander, na mukhang barinong-barino.
"Bakit ang tagal ninyo?" galit nitong sabi sa amin
"Sorry, Lander nakatulog ako" sabi ko dito
"That's enough," singit ni Harry sa amin "Baka, mag-away pa kayo at tsaka naghihintay si Msgr sa atin kaya tayo'y umalis na" dagdag pa nito.
~