CHAPTER 4:SMILE
SA LAHAT ng taong makikita ko ngayon o hihila sa akin ay bakit siya pa na pinakaayaw ko na talaga makita pa?
Ano na naman ba ang problema ng isang ‘to? Bakit siya nandito?At paano niya nalaman na narito ako?
FLASHBACK
“Tata!” Muntik na akong mapatalon sa sigaw ni Nanay sa akin.
“Bakit po, `Nay?" tanong ko sa aking ina at hinarap ko siya.
“Magpalit ka na ng damit mo, anak. Magmadali ka, dahil hahatiran mo ng almusal ang mga kaibigan ng Kuya Jackele mo,” sabi niyabsa akin. Napangiti pa ako nang sa akin niya iyon pinag-utos.
“Kasama po ba si Kuya Levi, `Nay?” masayang tanong ko sa aking ina.
“Oo naman, anak. Sabay-sabay silang dumating kanina, ‘di ba? Magbabakasyon sila rito,” aniya at sumaya na naman ang puso ko.
Paano kasi ang tagal na no'ng hindi ko nakita si Kuya Levi since... pinansin niya ako. Grade 6 pa lamang ako noon. Ngayon, nasa third year high school na ako.
Mabilis na tumakbo ako papuntang maid’s quarter ngunit bago pa ako makapasok ay may nakabanggaan na akong isang babae.
“Ouch!” malakas na daing ng babae at nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ang pagbagsak niya sa sahig ng mansion ng mga Leogracia.
“Paumanhin po. Ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ko sa kanya at akmang luluhod na sana ako upang tulungan siyang makatayo nang may sumigaw naman na isang lalaki.
“Kiara! What happened?” nag-aalalang tanong ni... Kuya Levi.
“Honey!” naiiyak na sambit ng babae.
“What happened, Kiara? Are you alright?” tanong naman nito. Lumuhod si Kuya Levi at tinulungang makatayo ang babae na mabilis namang yumakap sa kanya.
“Hon, she bumped me! This blind girl!” sambit nito na may pag-aakusa. Kung ako man ang dahilan kung bakit nawalan siya nang balanse ay hindi ko ‘yon sinasadya.
“H-Hindi ko naman po sinasadya!” natatarantang sambit ko. Parang kasalanan ko pa kasi, eh!
“Liar!” sigaw na naman ng babae sa akin kaya natakot ako sa mukha niya. Tila isa siyang mabangis na lion na handa na ako nitong kainin. Nanlilisik ang kanyang mga mata at talagang susugurin na niya ako.
Humarap sa akin si Kuya Levi. Salubong ang kanyang kilay at tila kinikilala ako kung sino ba ako.
“And who are you?” tanong niya sa akin at ikinagulat ko ‘yon. Hindi na ba niya ako kilala?
“Tharis--” naputol ang aking pagsambit sa pangalan.
“Honey...” sambit nito na may nakaaawang hitsura.
“Next time, please watch where you going, high school girl,” walang emosyon na sabi ni Kuya Levi at maingat niyang inalalayan ang babae.
Honey? Nobya niya ba ang babaeng ito? At hindi man lang niya ako nakilala man lang? Bakit ang sungit pa rin niya sa akin? Akala ko ba ay nagbago na siya?
Hindi ko alam kung bakit bigla ay sumikip ang dibdib ko. Sa malaman na hindi na nga niya ako nakikilala pa at may nobya na rin pala siya.
“Tata!” Boses iyon ng nanay ko kaya lumingon ako sa pinanggalingan niya.
“Po, `Nay?” tugon ko.
“Ano ka bang bata ka! Magpalit ka na!” sigaw ni nanay at tumakbo na nga ako nang hindi ko na sila tinitingnan pa. Dahil alam kong wala naman silang pakialam sa akin, eh. Kaya bakit ko pa sila pagtutuunan ng pansin? Eh, hindi rin ako kilala ni Kuya Levi.
Nagsuot ako ng puting t-shirt na pinarisian ko ng kulay abo na maong na pantalon. Nagsuot din ako ng itim na tsinelas. Inayos ko muna ang sarili ko at tinali ko nang maayos ang buhok ko na lagpas balikat ko ang haba at humahaba na rin ang bangs ko kaya parang hindi na makikita pa ang mga mata ko. Ayos lang naman.
Nang matapos ako sa pag-aayos ay nagmamadali pa akong lumabas mula sa loob ng maliit na silid namin ni Nanay, rito sa maid’s quarter ng mansion.
“Nanay?” tawag ko sa nanay ko nang makapasok ako sa kusina ay hinanap agad siya ng mga mata ko. Nasa mesa siya at may inaayos doon kaya nilapitan ko siya.
“Nandiyan ka na pala, Tata. Heto’t dalhin mo na sa pool area. Nandoon ang magpinsang Leogracia,” ani Nanay at kinuha ko na ang malaking tray ng walang pag-aalinlangan.
Naglakad ako papuntang pool. Maingat ko namang hinawakan ang tray dahil baka kung mabasag ko ito ay mababawasan lamang ang sahod ng aking ina.
Hindi pa man ako nakararating doon ay rinig na rinig ko na ang kasiyahan nila.
Hindi lang talaga ang magpinsang Leogracia ang nag-e-enjoy rito dahil may kasama silang mga kaibigan.
“Ikaw, Jackele kailan ka magseseryoso, ha?” narinig kong tanong ni Kuya Leo. Oo, kilala ko ang boses na iyon kahit hindi ko pa man nakikita ang nag-uusap.
“Bakit ba ako ang tinatanong mo niyan?” masungit na sagot naman ni Kuya Jackele sa kanya at halata sa boses niya ang iritasyon.
Huminto pa ako nang makita silang lahat. Nakaupo lamang at magkaharap sa table.
“Ang sungit! Eh, ikaw Levi? Kailan kayo magpapakasal ni Kiara?” Magpapakasal? Ikakasal na ba sila? Agad-agad?
“Shut it,” masungit na ani ni Kuya Levi. Ang sungit niya talaga kahit na kailan. Wala siyang pinagbago.
“Baka next week magpapakasal na sila,” natatawang sambit ni Kuya Jackele. Sa hindi ko nagustuhan ang narinig kong iyon.
Magpapakasal na nga ba si Kuya Levi? Kanino naman? Sa babaeng iyakin kanina na akala mo ay sinaktan ko? Sa babaeng pabebe na ‘yon na sobrang madrama?
“Tata?!” Nagulat ako nang pasigaw na sinambit ni Kuya Jackele ang pangalan ko. Napatalon tuloy ang magkabilang balikat ko at kamuntikan ko nang mabitawan ang dala-dala kong tray, na snacks nila. Halos lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang gulat na naramdaman.
“Ah, Kuya,” nakangiting sambit ko nang nilingon ko naman siya.
“Good God, Tata! Dalaga ka na pala, ah!” namamanghang bulalas niya. Tumayo si Kuya at kinuha sa akin ang malaking tray at siya na ang naglapag no’n sa table. Tapos ay tuwang-tuwang inakbayan pa niya ako. Ang bait niya talaga sa akin at mabuti pa siya ay naaalala ako. Samantalang ang pinsan niya ay hindi na. “May nanliligaw na ba sa ‘yo, ha Tata?” tanong niya sa akin. Napakapilyo niya. Ni hindi ko naisip ang bagay na iyon.
“Po? M-Manliligaw?” gulat na tanong ko sa kanya. Manliligaw?
“Ano ka ba, Jackele! Ang bata-bata pa ni Tata, manliligaw agad?!” ani Kuya Leo at hinila niya ako palayo rito. Lihim akong napangiti. Isa pa siyang nakakilala sa akin.
“Leo!” suway ni Kuya Jackele. Tila inagawan pa siya ng laruan dahil sa kanyang inasal.
“Maupo ka rito sa tabi ko, Tata,” saad sa akin ni Kuya Leo at marahan niyang tinapik ang upuan sa tabi niya.
“Hindi! Tatabi siya sa akin!”
Pinag-aagawan na naman ako ng dalawang ‘to, kahit dati pa man, eh. Kung sana pati si Kuya Levi, eh `no? Pero asa pa naman ako, ‘di ba? Wala siyang pakialam sa akin. Hindi naman ako mahalaga kaya nakalimutan niya ako agad.
“Ano ba, Jackele?!”
“Tatabi nga sa akin si Tata!” Mukha ba akong laruan na pag-aagawan nila sa harapan mismo ng mga kaibigan nila? Hindi ba sila nababahala na baka isipin ng mga ito na isip bata silang dalawa.
“That’s enough!” Napahinto ang dalawa nang sumigaw si Kuya Levi.
Malamig ang boses niya at nag-igting pa ang kanyang panga. Naalala ko ang ginawa niya dati. Gagawin niya rin kaya ‘yon sa akin ngayon? Ganito rin noong pinag-aagawan ako ng mga pinsan niya pero baka imposible na.
“Bakit ninyo ba pinag-aagawan ang katulong na `yan?” malamig na tanong niya at nagulat pa ako sa sinabi niya. Nag-init tuloy ang sulok ng mga mata ko. Katulong lang talaga ang turing niya sa akin.
“Levi!” magkasabay na sigaw nina Kuya Jackele at Kuya Crist, nasa boses nila ang pagbabanta.
“What? Hoy ikaw, lumayas ka na rito. Gawin mo na lamang ang trabaho mo,” malamig na wika niya sa akin at inakbayan pa niya ang babae. Napatingin ako sa katabi niya.
“Umalis ka na raw, bata,” nakangising sabi niya at napayuko na lamang ako.
Ang mga katulad niya ang tipong babae ni Kuya Levi. Maganda at sexy, mukhang sophisticated at mayaman pa. Nakapangliliit sa sarili. Hindi ko kayang maging katulad niya. Marahil ay maganda ako pero hindi mayaman at galanteng tingnan.
“P-Pasensiya na po,” nakayukong sabi ko at kumaripas na ako nang takbo papalayo roon.
“Tata!” sigaw pa ni Kuya Leo sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa. Nasasaktan ang damdamin ko sa mga narinig mula sa kanya.
Napakasama pa rin niya sa akin! Hindi na talaga siya magiging mabait pa! Walang pinagbago ang trato niya sa akin simula pa noon at hanggang ngayon! Mas malala pa nga...
“Ang suplado mo talaga kay Tata!” narinig ko pang sambit ni Kuya Jackele.
Tama po Kuya! Ilang taon na ang nakalipas at mas naging masungit na nga siya. Nakaka-turn-off na nga siya.
Hindi ko alam kung bakit naiiyak na naman ako. Nakaiinis ang ugali niya! Ang sarap niyang sipain!
***
MAGHAPON akong nagkulong sa loob ng kuwarto namin ng Nanay ko. Kahit minsan nga ay tinatawag niya ako pero hindi ako lumalabas. Mas gugustuhin ko pa ang magkulong at mag-aral na lamang ako sa silid namin kaysa ang makita ang Levi na suplado na `yon. Naiinis na ako sa pag-uugali niya. Sa kanilang magpipinsan ay siya talaga ang pinakamasungit!
Simula ngayon ay hindi ko na siya tatawagin pang kuya! Levi na lamang!
Kinabukasan naman ay maaga akong naligo at nag-ayos ng mga gamit ko. 5:30 am pa lamang ay pumapasok na ako sa school ko. Malayo-layo kasi ang paaralan namin at nag-co-comute lang ako sa tuwing umaga para makatipid naman ako. Nag-iipon kasi ako, eh.
Bata pa naman ako ay tinuruan na ako ni Nanay na mag-ipon ng pera at magtipid kasi raw sa panahon ngayon ay walang tutulong sa `yo, kapag nagipit ka at magkakaproblema sa hinaharap. Walang magkukusang tumulong sa ‘yo kundi ang sarili mo lamang. Kaya mas mabuti na ang advance.
Limang libro ang dala ko at medyo mabigat ito pero kaya ko naman silang dalhin dahil sanay na ako. Sinukbit ko na ang backpack ko.
Nagtungo naman ako sa kusina at naabutan ko si nanay na nagluluto pa lamang ng almusal.
Inilapag ko lang sa lamesa ang mga gamit ko at kumuha ng baso. Nagsalin ako ng mainit na tubig at nilagyan ko lang `to ng asukal. Ibinaba ko naman ito sa lamesa at kumuha rin ako ng isang tinapay. Ganito lang din ang almusal ko sa umaga.
Kahit sinasabihan ako ni nanay na mag-gatas na lang daw ako at kumain ng kanin pero madalas na tinatanggihan ko na. Ayokong maglakad na sobrang busog. Magiging mabagal lamang ako at hindi agad makakarating sa school namin. Sasakit lang din ang tiyan ko, eh.
May mga pagkakataon nga na hindi na ako nag-aalmusal pa. Kaya hinayaan na ako ni Nanay na ganito na lang ang kainin ko, kaysa naman ang pumasok sa paaralan na walang laman ang sikmura.
Isa rin ‘to sa mga itinuturo sa akin ni Nanay. Iyong ako lang din ang gumawa ng mga bagay na kaya ko namang gawin. Katulad nang maghain ako ng sarili kong pagkain saka katulong lamang kami rito sa mansion. Ayoko namang abalahin pa si Nanay, eh alam kong marami na siyang trabahong ginagawa.
“Oh, anak nandiyan ka na pala,” untag sa akin ng nanay ko.
“Magandang umaga po, Nanay,” nakangiting bati ko sa kanya ng mapansin niya ako at lumapit ako sa kinaroroonan niya para nagmano sa kanya.
“Magandang umaga rin sa ‘yo, anak. Kumain ka na lang diyan at ako na ang maghahanda ng baon mo,” nakangiting wika ni Nanay.
“Ako na lang po, `Nay,” sabi ko at umiling sa kanya.
“Naku, huwag na! Kumain ka na lang diyan. Obligasyon ko ang alagaan ka!” tuwang-tuwang saad pa niya. Minsan lang ako ini-spoiled ni Nanay kaya hahayaan ko na lang din siya sa gusto niyang gawin. Uminom ako ng asukal. Oo, asukal ang tawag ko sa iniinom ko na mainit na tubig na asukal lang ang hinalo ko. Ayoko sa kape, eh.
“Magandang umaga po, Aling Tharia.” Muntik na akong masamid nang marinig ko ang boses na iyon. Boses pa lang talaga ay alam na alam ko na kung sino ang nagmamay-ari no’n.
“Oh, magandang umaga rin sa `yo Levi, mag-aalmusal ka na ba?” masayang tanong pa ng aking ina.
“Hindi pa ho, sasabay na ako sa mga pinsan ko,” magalang na sagot niya at umupo sa tapat nang inuupuan ko ngayon. Ramdam ko rin ang ang mga mata niyang nakatitig sa akin pero hindi ko siya tiningnan. `Yong puso ko kasi ay ang bilis nang t***k kaya bago pa ako atakihin sa puso ay tumayo na ako upang makaalis na ako rito.
“Nanay papasok na po ako,” pagpaaalam ko at kinuha ang mga gamit ko.
“Ha? H-Hindi mo pa ubos ang asukal mo at `yong tinapay mo ay hindi mo man lang kinain, anak...”
“Tapos na po ako, `Nay at saka late na po ako kasi ako, eh,” pagdadahilan ko pa.
“Ang aga pa naman, ah. Mamaya pa ang klase niyo, ‘di ba?” aniya, ang kulit din nitong Nanay ko.
Mabilis na lumapit ako at nagmano sa kanya saka ako nagmamadaling umalis ng kusina.
Humihingal pa ako nang makalabas na ako ng mansion. Sinuklay ko lang ang aking buhok gamit ang mga daliri ko at nagsimula nang maglakad na. Ang lamig ng simoy ng hangin at medyo may kadiliman pa siya.
Ilang minuto lang akong naglalakad nang may humintong kulay berde na kotse sa gilid ko. Medyo kinabahan ako kasi pamilyar ang kotseng iyon.
Hindi ako huminto sa paglalakad. Dire-diretso lang ako na tila hindi ko iyon napansin.
“Hop in,” sabi ng...ni Kuy-- Levi. Nakababa ang salamin ng bintana ng kotse niya kaya nakadungaw
siya rito. Naka-white plain shirt lang siya kanina pero ngayon ay naka-leather jacket na siya na kulay ginto. Ano ba ang ginagawa niya rito? At bakit niya ako pasasakayin, ha? Close ba kami? “Sakay na,” pag-uulit niya at sa mariin na boses pa, pero hindi ko siya pinansin. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. “Sasakay ka ba o bubuhatin pa kita? Choose,” malamig na tanong niya sa akin. Ang kapal talaga ng pagmumukha niya!
Nilingon ko siya at sinamaan nang tingin. “Hindi sumasakay sa kotse ng amo ang isang katulad kong katulong lang,” masungit na sagot ko at nagsimula ulit maglakad ngunit bago pa ako makalayo ay nabuhat na niya ako.
"Ahh! Ano’ng ginagawa mo?! Ibaba mo nga ako!” sigaw ko sa kanya.
“Shut up, kundi mahuhulog ka!” sige niya rin. Mahihilo ako nito, eh. Binuhat niya ako na parang sakong bigas lang. Napaka-ungentleman naman niya!
“Ibaba mo nga ako!” asik ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan.
Marahas na pinapasok niya ako tabi ng driver seat at sinuotan pa niya ako ng seatbelt. Nailang tuloy ako dahil sa ginawa niya.
“Here, stubborn high school girl,” nakangiting sambit niya. Teka ano? Nakangiti? Totoong ngumiti siya sa akin?
Napahinto ako, ngumiti nga ba siya? nasapian ba siya ng mabait na espirito at bigla siya ngumiti? As in ngumiti talaga siya?! Parang sirang plaka na ako at paulit-ulit na lamang.
“Ihahatid na kita,” aniya nang makasakay na siya sa sasakyan niya.
“Hindi hinahatid ng amo ang katulong niya,” mariin na sabi ko.
“I don’t care,” wika niya at lumingon sa akin na nakangiti pa rin. What’s wrong with him?
Bakit ganyan siya kung makangiti? Parang mahuhulog ang puso ko, eh.
Iyong ngiti niya kay hirap kalimutan.