CHAPTER 3

2455 Words
Chapter 3:First day of work “ANAK...okay ka lang ba rito?” tanong ko kay Deno na nakaupo lang sa maliit na sofa. May hawak siyang pencil at papel. Kahit wala siyang nakikita ay sinusubukan pa rin niyang magsulat. Lumapit ako sa kanya at tumabi nang upo. “Okay lang po ako rito, Mama,” malambing na sagot naman niya sa akin. Hinalikan ko sa noo ang anak ko at niyakap siya ng patagilid. “Miss ko na po agad si Deni, Mama,” mahinang sabi niya at ipinakita sa akin ang kapirasong papel. Tinanggap ko naman ito at binasa ang nakasulat dito. “Miss ko na si Deni, miss na miss ko na ang bunso namin ni Mama.” Ito ang nakasulat sa papel kaya mabilis na nag-init ang sulok ng mga mata ko. Hanggang sa unti-unti itong lumandas sa pisngi ko. “A-Ang galing, anak ah? Nakasusulat ka na ng pantay-pantay kahit na...kahit na hindi mo ito nakikita. Nag-improved ang anak ko, ah,” naiiyak na sambit ko at mas niyakap ko pa siya nang mahigpit. “Magaling ka po magturo. Kung makakakita na po ba ako... ay mag-aaral na rin po ba ulit ako, Mama? Katulad ni Deni? Ha, Mama ko?” tanong niya sa akin at sinubsob ang mukha niya sa dibdib ko. “Oo naman, anak kapag makakakita ka na at si Deni ay gagaling na rin. Pag-aaralin ko na ulit kayo sa paaralan na gusto niyo,” sambit ko at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kahit mahihirapan pa ulit ako para sa bagay na iyon ay kakayanin ko pa rin. Para sa kanila. Sana, sana darating pa ang panahon na iyon. Sana makita ko pa at maranasan nila ang buhay ng isang normal na bata. Na wala na silang dinaramdam na sakit. Na hindi na dila naaapektuhan ng problema namin sa buhay. `Yong poproblemahin lang nila ang paglalaro at pag-aaral nila. Hindi ‘yong nakararamdam sila ng sakit. Hindi ‘yong ganito. “Marami po ba’ng mga bata sa paaralan, Mama?” inosenteng tanong niya sa akin. “Oo, mga kasing edad ninyo at nakatatanda rin. Pangako anak, gagawin ni Mama ang lahat gumaling lang kayo ni Deni,” sabi ko na punung-puno ng determinasyon sa boses. “Salamat po, Mama. Puwede ka na pong umalis,” aniya at kumalas sa pagkakayakap sa akin. “Sige anak, inilagay ko na lang ang pagkain mo sa lamesa kaya kung magugutom ka narito lang ang pagkain mo. Hindi naman ito basta-basta lalamig. Huwag kang masyadong malikot, ha? Baka madulas ka,” pagpapaalala ko sa kanya. “Opo, Mama,” sagot niya na sinabayan pa nang pagtango. “Mahal kita, Deno. Mag-iingat ka rito, ha anak? Tandaan mo palagi na ginagawa ko ang lahat ng ito para sa inyo ni Deni, para sa kinabukasan niyong dalawa,” mahinang sabi ko. “Mahal din po kita. Mag-ingat ka rin, Mama. Kapag po may pangit na lalaking lalapit sa ‘yo tumakbo ka po Mama, ha?” Natawa na lamang ako sa paalala niya sa akin. “Opo, Sir. Mag-iingat si Mama. Magtatrabaho si Mama para sa mga anak niya,” masayang sabi ko at niyakap ko ulit ang anak ko saka ko hinagkan ang pisngi at noo niya. Hindi naman ako nangangamba na iwanan ko rito ng mag-isa si Deno. Dahil alam ko naman na kaya na niya ang sarili niya at hindi naman siya pasaway na bata. Masunurin siya at alam niya ang bagay na ikapapahamak niya kapag umalis siya ng bahay. *** INAAYOS ko ang uniporme ko na pang-waitress. Puting blouse siya na may itim na ribbon sa leeg. Itim na skirt na hanggang tuhod ang haba at itim na sapatos din. Komportable naman sa akin ang suot ko kaya hindi na ako nagkaroon pa ng problema. Masasanay rin naman akong suotin ko ang uniporme ko araw-araw. Oo nga pala, ang anak kong si Deni ay may sakit siya. Bone marrow transplant at naghahanap na rin kami ng donor niya. Ang kaso ang hirap maghanap lalo pa na kailangan din ng pera sa operasyon. Hindi kami magka-blood type ng mga anak ko. Siguro ‘yong tatay nila, hindi ...hindi puwede... Hindi na niya dapat pang malaman iyon kung puwede lang. Ililihim ko ang tungkol sa kanila. Si Deno naman ay hindi siya nakakakita, ang totoo niyan ay bulag ang anak kong lalaki. Pareho silang naghihirap kaya bilang ina nila ay ginagawa ko ang lahat, gumaling lang sila. Sila na lang ang pamilya ko, ang mayroon ako sa buhay. They are my strength and light in my darkness world. Kaya kung wala sila ay wala rin ako ngayon. Sampung taong gulang na ang kambal ko. Nakapag-aral ng grade 1 to 3 si Deni at si Deno naman ay hindi na dahil sa bulag nga siya pero kahit ganoon ay tinuruan ko pa rin siya. Natapos naman niya ang pag-aaral niya sa grade 1. Sa mga panahon na iyon ay malabo pa rin ang mga mata niya. Madali namang turuan si Deno, nakukuha niya kaagad at kahit na hindi man niya nakikita ay nakakapagsulat siya ng mga letra, hindi nga lang siya nakakabasa. Pero kung magsusulat ay kaya niya. Nanghihinayang nga si Nanay kasi matalinong bata raw ang mga anak ko. Nakahinto sa grade 3 si Deni kasi nga may sakit siya. Na hindi na rin niya nakayanan pa. “Tharisma, ano pa ang ginagawa mo riyan? Magtrabaho ka na! Aba kay bago-bago mo ay tatamad-tamad na?!” Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa sigaw ng manager namin. Siya ang nagha-handle sa amin dito sa resto. Natural na maldita at nakatatakot ang aura niya. Halatang strikta rin siya. Na dapat hindi ka nagpapakita ng mga bagay na hindi niya gusto. *Opo, manager!” magalang na saad ko sa kanya. NAGING madali naman lahat ang trabaho ko kasi sanay ako sa lahat ng gawain dito. Maraming costumer sa resto, marahil mga customer din nila rito sa hotel. Nakikita ko na puro mga mayayaman silang lahat. “Here’s your order, Ma'am, Sir, enjoy your meal,” magalang na sambit ko pa at maingat kong ibinaba sa table nila ang tray. Kahit na high school graduate lang ako ay marunong naman akong mag-English... Kahit kaunti lang. Kaya ko pang makipag-communicate sa mga tao. “Wait...bago ka lang ba rito, Miss?” Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya pero ‘yong boses niya pamilyar sa akin. Sa hindi malaman na dahilan ay bigla akong kinabahan. “Ngayon lang kasi kita nakita, eh.” Kahit hindi ko man nakikita ang hitsura niya ay alam kong nakangisi ito. Base pa lang sa tono ng pananalita niya. Kinakabahan ako. Kaya parang ayoko rin siyang makita pero...para siguro ako ay kailangan ko ngang lingunin siya na isa pa customer siya ng restaurant. Waitress ako kaya dapat maganda ang pakikitungo ko sa kanya. Tiningnan ko ang lalaki at nang nakilala ko siya ay napaatras ako sa gulat. Lumipas man ang maraming taon. May nagbago man sa mundong ito o sa pag-uugali ng tao ay alam ko na hindi ang mukha. Kahit tumanda man ng ilang taon o nag-matured man siya ay kilalang-kilala ko pa rin siya. Ang boses niya, ang presensiya niya at sa paraan lang ng pananalita niya ay hindi lang pamilyar sa akin. Dahil kilala ko siya. Kilalang-kilala ko siya at natatandaan ko pa rin siya. K-Kuya Jackele... “You looks familiar, Miss,” aniya at mataman akong tiningnan. Salubong ang kilay niya at seryoso talaga siya sa ginagawa niyang pagsuri sa buong mukha ko. “Nagkita na ba tayo? O kilala mo ako?” tanong niya, curiosity is visible on his face. Paanong nasasabi niya ‘yan? Bakit pamilyar siya agad sa akin? Umiling ako sa tanong niya. Ayokong sabihin na kilala ko siya. Ayoko ring sabihin na kilalang-kilala niya rin ako. Hindi iyon puwede. To be honest ay natatakot ako. Natatakot ako na baka makilala nila ako at natatakot lang din ako sa mangyayari sa akin dito. Kapag nalaman nila ang tungkol sa akin ay walang imposible na pati sina Deni at Deno ay makikilala rin nila. “Hindi, eh. Kilala talaga kita. Hindi ko lang matandaan kung saan kita nakita. But my instinct... I know I meet you before,” seryosong sabi niya. “Stop it, Jackele. Tinatakot mo siya, eh,” singit ng kasama niyang babae. Tiningnan ko ito, maganda siya at mukhang mayaman, base pa lamang sa aura niya at mga kasuotan niya. Napakagalante niya. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay ninginitian niya ako. Masasabi kong mabait siya. Dahil napakagaan ng mga ngiti niya at walang halong kaplastikan ang mga iyon. “Pasensiya na sa asawa ko, ah? Weird lang talaga siya,” aniya na sinabayan pa nang pag-iling. Sana lang ay hindi niya rin binigyan ng masamang kahulugan iyon. “Sylvia, baby...” malambing na sambit niya sa pangalan nito, marahil. “Stop it! Magtrabaho ka na lang, Miss. Sorry naisturbo ka pa ng asawa ko. Loko-loko lang talaga kasi siya, eh,” nakangiting sabi niya at nginitian ko na lang din siya pabalik. “Maraming salamat po, Ma’am,” magalang na wika ko. “That smile nakita ko na rin ‘yan before. I just... Hindi ko lang talaga naaalala. Damn it!” Nagulat pa ako nang bigla itong napamura. “Jackele Zhun!” sigaw ng asawa niya sa kanya sabay hampas sa balikat niya. “Sorry. baby. I just can’t help... Ah, may I know your name? Just your name, please,” desperadong saad niya. Nag-aalangan ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang totong pangalan ko. Saka hindi ba na-o-offend ang asawa niya na nais pa niyang malaman ang pangalan ko? Ano na lang talaga ang isipin nito? “Sige na, Miss. Pagbigyan mo na ang asawa ko. Nakakaawa na, eh,” nakangiwing sabi pa ni Ma’am Sylvia. Hindi naman alam ni Kuya Jackele ang buo kong pangalan. Tata lang. Kaya okay lang siguro kung sabihin ko na lamang iyon sa kanya para hindi na siya mangulit pa sa akin at hindi mapagod ang asawa niya sa kasisita sa kanya, ‘no? “Tharisma po ang pangalan ko, Sir,” sambit ko at namilog ang mga mata niya. “T-Tharisma?” gulat na sambit niya sa pangalan ko na boses patanong naman. Parang hindi makapaniwala. “Bakit naman gulat na gulat ka?” tanong ng asawa niya sa kanya. “N-Nothing. That name...is familiar too,” nagtatakang sabi niya. “Lahat na lang ay pamilya sa ‘yo.” Kinakabahan na nagpaalam na lang ako. Hindi na dapat magkrus pa ang landas namin ni Kuya Jackele. Dahil simula nang umalis ako sa mansion nila ay kinamuhian ko na ang pamilyang Leogracia... At kasama na siya roon. 5:30 nang hapon ang uwian namin sa hotel kaya ngayon ay nag-aayos na rin ako sa pagtatrabaho sa karinderya ng landlady. Nagpapasalamat lang ako dahil hindi ko na nakita pa si Levi sa trabaho. Kaya walang naging problema sa akin. Mas gusto ko pang idistansya ang sarili ko sa kanya. Ayoko nang makipag-ugnayan pa sa kanya kahit na kailan. Mas mabuti na ang hindi na namin kilala ang isa't isa at hindi na rin ako mahihirapan pa. *** “Oh, hija? Magsisimula ka na ba ngayon?” tanong sa akin ni Ma’am Inay nang makita ako na papasok na sa loob ng karinderya niya. May iilan na siyang mga customer. Kahit ganito lang talaga ang kainan niya ay dinadayo pa rin siya ng maraming tao. “Opo, Ma’am,” sagot ko naman at nginitian ko siya ng tipid. “Naku, Inay na lang ang itawag mo sa akin. Masyadong pormal at pakiramdam ko ay mayaman ako sa lahat na iyon,” nakangiting sabi niya. “S-Sige po, Inay,” tumatangong saad ko. “Mama, pahingi ho ng pera may pupuntahan kami ng mga barkada ko,” singit ng isang lalaki siguro kasing edad ko lang. “Ikaw talaga, Miguel ha? Sigurado akong sa bar na naman ang pupuntahan ninyo!” agad na bulalas ni Miguel. “Hindi po, Mama!” sabi naman ni...baka anak nga ito ni Inay. “Oh, hayan umuwi ka nang maaga, ha? Kung hindi ay matutulog ka talaga sa labas!” paalala sa kanya ni Inay. Tumango naman ang lalaki at maglalakad na sana siya nang napatingin ito sa akin. “Whoa, ganda! Ngayon lang kita nakita, ah. Customer ka ba rito? Sino ka? Sino siya, Mama?” namamanghang tanong niya kay Inay. Nailang ako sa paraan nang pagtitig niya sa akin. Hindi naman nakakatakot ang hitsura niya. Hindi lang siya mukhang matino at parang laki sa laway. Nakita ko naman ang paghingi niya ng pera sa kanyang ina. Kaya marahil umaasa rin siya sa mga magulang niya at mahilig lang siyang magbulakbol kasama ang mga barkada niya. “Isa ka pang bata ka, ha!” sita sa kanya ng ina at pilit siyang inilalayo mula sa akin. “Ang ganda, para siyang anghel, Mama. Ano’ng pangalan mo, Miss?” nakangiting tanong nito at bahagyang lumapit sa akin kaya napaatras ako. Kahit ayoko sa presensiya niya ay kailangan ko pa rin siyang itrato nang maayos dahil anak siya ng amo ko sa kainan. “Tharisma po,” maiking sambit ko sa aking pangalan. “Tharisma...gandang pangalan, ah?” nakangising sabi niya at pilit naman ang pagngiti ko. Naiilang lang talaga ako sa kanya. “Tigilan mo si Tharisma! Umalis ka na rito! May pupuntahan ka pa, ‘di ba? Kaya lakad na!” pagpapaalis ni Inay sa kanyang anak. “Bakit po may magandang dalaga rito, Mama?" pangungulit pa niya. “Nagtatrabaho siya rito! Huwag kang makulit na bata ka. Sabi ng umalis ka na, eh.” Napaatras ako nang humakbang siya palapit sa akin na may ngisi pa sa labi. Sabi ko na hindi siya mabait na tao, eh. Mukhang mahirap pagkatiwalaan. “Hi, Tharisma. Miguel nga pala, anak ako ni Inay. Ang ganda mo, may boyfriend ka na ba?” straight forward na tanong niya. Kailangan pa bang itanong iyon sa akin? “Miguel!” “Uh...” nag-aalangan na sabi ko. Ano nga ba ang dapat kong isagot sa kanya? “Miguel... Tinatakot mo na siya!” asik sa kanya ng nanay niya. Humakbang pa siya palapit sa akin kaya ginawa ko naman ang lahat para iwasan siya at umatras patalikod. Napaigtad pa ako nang biglang may humawak sa braso ko. Parang nakukuryente lang ako sa paraan nang paghawak nito sa akin pero wala akong nararamdaman na kaba kundi ang tila natural na pagbilis nang t***k ng puso ko. Mabilis na napalingon ako rito...at nakilala kung sino ang humawak sa akin. “L-Levi?” gulat na sambit ko sa pangalan niya. Walang sire-seremonyang hinila niya ako palabas bagay na ikinapagtaka ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD