Chapter 2: Meeting Levi
NAPATINGIN ako sa malaking hotel at tumingin ulit sa diyaryo habang nasa labas ako ng gusaling ito. May urgent hiring sila ngayon. Siguro naman tumatanggap sila ng high school graduate lang, ‘no?
Nakailang subok na rin ako sa paghahanap ng trabaho kaso ni-re-reject ako palagi dahil hindi man lang daw ako nakapag-aral ng college. Okay naman sa akin kung waitress o janitress man lang ang ibibigay nila sa akin. At least may trabaho na ako. May aasahan ako para sa gastusin namin ng mga anak ko.
Lumapit ako sa security at nang nasa harapan ko na siya ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Medyo nainsulto ako sa paraan nang pagtitig niya sa akin. Ayoko kasi ng ganoon. Ayoko na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Nakaka-offend iyon sa isang tao. Alam ko ganito rin ang mararamdaman nila.
At alam ko rin na mukha akong pulubi, nakasuot ako ng puting T-shirt at alam ko na medyo may kalumaan na pero malinis naman ito. Nakaitim na maong pantalon ako at lumang itim na sandal. Dala ko rin ang maliit na slingbag ko at ang puting folder na naglalaman ng iilan na dokumento tungkol sa akin.
“Applicant po ako, sir,” paliwanag ko sa security at tumango lang siya bilang tugon. Kaya nakapasok na ako sa loob ng malaking hotel.
Sanay na ako sa ganitong klaseng lugar pero hindi ko pa rin maiwasan ang humanga sa magagarang na makikita ngayon at maging sa kagamitan dito sa loob.
Maglalakad na sana ako ng biglang may nakabangga sa akin. Hindi ako bumagsak o na ano. Ewan ko kung malakas lang talaga ako pero nanatiling nakatayo lamang ako. Tiningnan ko ‘yong nakabangga sa akin. Napaupo na siya ngayon at napapangiwi dahil sa pagbagsak niya sa sahig.
“Okay ka lang--” hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang sumabat na siya bigla.
“You crazy girl! Are you blind?! How dare you bumped me, stupid commoner!” sigaw niya sa akin at medyo nagulat ako ro’n, lalo na ang itinawag niya sa akin.
Napaka-judgemental niya. Alam kong mahirap lang ako, hindi ko ipagkakaila ang bagay na iyon. Pero ang sabihan niya ako ng stupid commoner? Ibang usapan na iyon. Hindi ako stupid. Kung malalaman niya lang ang sitwasyon ko, hindi ko alam kung matatawa ba siya o maaawa sa kalagayan ko.
Compared sa buhay mo ngayon, Miss ay marami ng pagsubok ang dumating sa buhay ko at kinakaharap ko pa lamang sa ngayon.
Siya na nga ang nakabangga sa akin, tapos ako pa ang sisisihin niya? Siya nga ang mukhang bulag dahil hindi man lang ako napansin.
O ganoon lang talaga ang mga mayayaman? Kailangan na sila ang may mas malaking daraanan. Sa kanya ba ang building na ito?
“Tutulung--”
“Don’t come near me, bîtch!” asik pa nito sa akin, parang ang baliw niya sa lagay niyang ‘yan.
“Sorry, Miss...” hinging paumanhin ko.
“Sorry?! You’re fvcking sorry?! Ang lakas ng loob mo na banggain ako, ha!" asik niya sa akin at maging ang mga mata niya ay nanlilisik din.
“What’s going on here?” tanong ng isang pamilyar na baritonong boses.
Nagsimula namang kumalabog ang dibdib ko. Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko dahil lang sa narinig ko ang pamilyar na boses.
“Baby! Sino ba ang babaeng ‘to?! Ang sama niya, binunggo niya ako!” May mga tao talaga na kung sino pa ang nagkasala ay sila pa ang nag-iinarte na mabait at inosente. Sanay na ako sa ganitong eksena, sanay na akong pinagkakamalan na may kasalanan, kahit wala naman akong ginagawang masama. Ako pa ang dehado pero parang ako pa ang nagkasala.
“Hindi kita binangga, Miss. Ikaw ang bumangga sa akin. Huwag mo akong sasabihan na masama kung alam natin pareho kung ano talaga ang nangyayari,” malamig na sambit ko sa kanya. Walang emosyon ang mukha ko para malaman niya na hindi ko nagustuhan ang pagtataray niya ngayon sa akin.
“How dare--”
“Shut up, Erique! That’s enough. Masyado ka nang nakakaistorbo,” sabi ng lalaki. Ayoko siyang tingnan, ayokong makita kung tama ba ang sinasabi ng puso ko o maski ang isip ko.
“Levi?!” sigaw ng babae at dahilan nang pag-atras ko. Hindi dahil sa takot na sumigaw ang babaeng bumangga sa akin, kundi dahil sa tinawag niyang pangalan nito. Ang pangalan ng lalaki...
Levi...
Baka hindi siya ang Levi na kilala ko? Baka...kapangalan lang ng taong iyon? Dahil alam kong maraming kapangalan si Levi... Imposible naman na siya na ito pero ang kanyang boses...
Tatlong hakbang ang ginawa ko at tatalikod na sana ako nang magsalita ang lalaki.
“Where do you think you’re going?” malamig na tanong niya. Ako marahil ang tinatanong niya dahil ako naman ang kumilos. “Tinatanong kita, Miss. Ano ang ginagawa mo rito?” Ako nga ang kinakausap niya.
“Mag-a-apply po sana ako,” mahinang sagot ko at wala pa ring emosyon ang aking mukha.
“Oh, ngayon? Magtatrabaho ka rito?! Ano’ng klaseng trabaho ba ang gusto mo? Janitress ba?!” sigaw ng babae na may halong sarkasmo at tiningnan ko siya ng masama. Kung makasigaw naman ay akala mo bingi ako?
“Enrique, you can leave now. You’re making a scene, here,” malamig na saad ng lalaki sa kanya at Namimilog pa ang mga mata niya. Hindi niya yata inaasahan iyon.
“Levi--” Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay may dumating na dalawang lalaking nakaitim na suit at hinila siya ng mga ito.
“H-Hey, wait!” sigaw niya at nagpupumiglas na siya mula sa mga lalaking hawak-hawak siya.
“Follow me, Miss,” sabi ng lalaki at dahilan na napatingin ako sa kanya.
Sinalubong ko ang itim-itim na mga mata niya, na tila hinihigop ka sa paraan nang pagtitig nito. Ang makapal na kilay niya. Ang mahaba at matangos na ilong at parang kulay dugo ang mga labi niya. Na natural na mapula talaga iyon.
Guwapo pa rin siya, medyo nag-matured lang ang kanyang hitsura pero mas gumandang lalaki siya.
Ilang taon na ang nakakaraan ay ganito pa rin ang pakiramdam ko sa tuwing kaharap ko siya. Ganito pa rin ang reaction ng puso ko lalo na kung nasa malapit lang siya sa akin. Walang pinagbago...
Kunot-noong tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Katulad nang ginawa ng security ay alam kong hinusgahan na niya ako sa suot ko.
“Follow me,” malamig na utos niya sa akin.
Tinalikuran niya ako at napaatras ulit ako... Ilang taon na nga ba? Simula ng huli naming pagkikita? 11 or 12 years na ang nakakaraan?
(FLASHBACK)
“Tah! Ano ba, saan ka pupunta?!” sigaw sa akin ni Mina, ang matalik kong kaibigan.
“Uuwi na ako, Mina!” sigaw ko pabalik habang tumatakbo na.
“Ano?! Maaga pa naman, Tah at mag-aaral pa tayo sa isang subject natin, oy!” sigaw niya ulit sa akin. Pero ayoko na talagang mag-aral. Sila na lamang.
“Ako na ang bahala sa activity natin, Mina! Uuwi na muna ako ngayon!” sigaw ko pabalik sa kanya. Gusto ko lang umuwi nang maaga ngayon.
***
Hingal na hingal pa akong lumapit sa malaking tarangkahan ng mansion ng mga Leogracia.
“Oh, Tah? Bakit hingal na hingal ka? May humahabol ba sa ‘yo kaya ka tumatakbo?" tanong sa akin ng tagapagbantay ng tarangkahan sa mansion.
“W-Wala po, Manong Samer. Nandiyan na po ba sina Kuya Crist at Kuya Jackele?” magalang na tanong ko sa kanya nang nakangiti at nasa boses ko rin ang excitement.
“Oo, kanina pa sila nakarating, Tah,” sagot niya sa akin at sinabayan pa ng pagtango.
“Eh...si Levi po?” naiiling na tanong ko.
“Huling dumating si Sir Levi at may kasama siyang babae. Nobya niya yata,” sagot niya at napasimangot na lamang ako.
“Ganoon po ba, manong? Sige po, salamat!” sabi ko at pumasok na sa loob.
Dito kami nakatira sa mansion ng mga Leogracia, kasi isang kasambahay lang ang nanay ko at ang tatay ko naman ay wala na. Bata pa ako nang namatay siya.
“Tah?” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Kuya Crist.
“Kuya Crist! Hello po!” masayang bati ko at lumapit sa kanya.
Sinalubong naman niya ako ng mainit at mahigpit na yakap na halos hindi na rin ako makahinga.
“Hay naku, Tah. Ang liit mo pa rin! Ano’ng grade ka na nga ulit?” tanong sa akin ni Kuya Crist na sinabayan pa nang mahinang pagtawa.
“Six po, Kuya Crist!” masayang sagot ko na sinabayan pa ng hand gesture.
“Six, yeah? 10 years old ka na?”
“Opo! Nasaan po si Kuya Jackele, Kuya?” tanong ko habang pinasadahan ko nang tingin ang loob ng mansion na tila hinahanap ko rin naman si Kuya Jackele.
“Ako ba ang hinahanap mo o si Levi?” biglang singit naman ni Kuya Jackele.
“Kuya Jackele!” Mabilis na kumalas ako kay Kuya Crist at siya naman ang niyakap ko.
“Naku, naku! Bulilit pa rin, hanggang ngayon!” natatawang sabi naman ni kuya Jackele sa akin.
“Ang bad ninyo po sa akin!” nakangusong sabi ko.
“What are you two doing here? Nakahanda na raw ang miryenda.” Narinig ko naman ang baritonong boses ni...Levi.
“Kuya Levi!” sigaw ko pero hindi man lang siya sumulyap sa akin. Suplado kasi siya at hindi kagaya nina Kuya Crist at Kuya Jackele na mabait at maalalahanin. Siya? Ay ang sungit!
“Sungit!” sigaw ko at tumingin siya sa akin kaso parang papatayin niya yata ako sa titig niya. Ang sama nang tingin niya sa akin.
“I don’t know who you are kid,” masungit na sabi niya at napasimangot na lamang ako.
“Hayaan mo na ang Kuya Levi mo, Tah. Tara at magmiryenda na lang tayo," ani Kuya Jackele.
Bubuhatin na sana niya ako ng may bumuhat na kaagad sa akin at tumakbo kasama ako.
“Crist! Ako ang magbubuhat kay Tata!” sigaw ni Kuya Jackele at hinabol kami nito.
“Ayoko nga! Diyan ka na!” natatawang sigaw ni Kuya Crist.
“Kuya, ibababa mo na po ako!” sigaw ko.
“Ayoko nga.”
“Crist!” sigaw ulit ni Kuya Jackele.
Natatawang tumakbo naman si Kuya Crist nang mas mabilis. “Kuya madadapa tayo!” sigaw ko pero tumawa lang siya.
“That’s enough! Baka mahulog ang bata!” Napahinto si Kuya Jackele sa pagtatakbo nang humarang sa harapan namin si Kuya Levi. Masama ang tingin nito sa kanila.
“Ibaba mo na po ako,” sabi ko at ibinaba naman ako ni Kuya Jackele.
Nang tumapak na ang mga paa ko ay bigla naman na may bumuhat sa akin ulit. “AHH!” sigaw ko dahil sa gulat.
“Behave, kid.” Si Kuya Levi!
“Ang daya mo, Levi ah! Ako ang nagbubuhat kay, Tah!” sigaw ni Kuya Jackele.
“Shut up, Jackele!” asik naman ni Kuya Levi.
Nang makapasok na kami sa dining room ay kaagad na pinaupo ako nito sa table. Para tuloy akong bata. Nilagyan niya ako ng sandwich sa plato at sinalinan ng juice sa baso.
“Eat,” mariin na saad niya at sinunod ko naman siya.
“Levi baby! Bakit mo ako iniwan doon?” Out of nowhere na singit ng babae. Napatingin ako sa magandang babae.
Hmp! Baby raw! Siya marahil ang tinutukoy ni manong na babae na kasama ni Kuya Levi!
“Don’t pout your lips, kid. Just eat your food,” utos sa akin ni Kuya Levi. Binalewala naman niya ang babae. Buti nga sa kanya.
“Opo!” sagot ko na lamang.
NAPABALIK ako sa realidad ng maramdaman ko ang kamay na humawak sa palapulsuhan ko at kasabay na hinila ako papasok nito sa loob ng elevator. Bago pa ako makapagprotesta ay mabilis na nakasakay na kami ng elevator.
END OF FLASHBACK
***
"OKAY I see. Then...you’re hired as a waitress,” aniya. Bahala na.
Kung siya pa ang magiging boss ko ay tatanggapin ko ang trabaho kahit kinamumuhian ko pa siya ngayon. Kailangan ko ng pera kaya dapat magtitiis ako. Iiwas na lang ako kung makita ko man siya kung sakali.
I just don’t know kung possible ko ba siyang maiiwasan. Eh, nagtatrabaho ako sa hotel niya.
Kinuha ni Levi ang intercom at may tinawagan. “We have a new waitress here, can you guide her in her work? Yes, I want you to assign her at the restaurant. She can help to organize things, okay. Miss Tharisma Galvon, ang secretary ko na ang bahala sa ‘yo,” malamig na sabi niya. Tumango ako bilang tugon at tumayo naman siya.
“Salamat po, sir...” sabi ko at tinalikuran ko na siya. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng pintuan nang magsalita ulit siya.
“You looks familiar, nagkita na ba tayo dati?” tanong niya at tumibok nang mabilis ang puso ko. Bakit? Nakikilala ba niya ako?
Hinarap ko siya at sabay sabing. “Hindi pa. Ngayon lang po tayo nagkita, Sir,” sagot ko at tuluyan nang lumabas.