Chapter 124

1559 Words

CHAPTER 124: Hapon palang ay pinatawag na ni Maestro si Dave sa Information Desk—ang lugar kung saan tumatanggap ng misyon ang mga assassin sa loob ng Dark Hotel. Kapag ganitong pagkakataon, alam na ni Dave kung bakit siya pinatawag: upang bigyan ng panibagong misyon. Siyempre, hindi niya na iyon palalampasin pa dahil pagkatapos ng misyon nila kay Shaika ay ngayon na lang ulit siya nabigyan. Pagpasok palang sa pinto ng hotel ay hinarang na ni Carlo si Dave. “May misyon ka raw na kukunin kay Maestro? Bakit hindi ako kasama?” kunot noo nitong tanong. Huminto sa paglalakad si Dave, tumingin siya sa kausap ngunit walang reaksyon ang mukha niya. Dahil sa pagtatanong na iyon ni Carlo ay nagtaka na rin siya kung bakit hindi na sila magkasama sa pagkakataong ito, hindi maiwasang mangamba ni Dav

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD