CHAPTER 123: Hindi na yata alam ng katawan ni Samantha ang salitang pahinga dahil tambak na naman ang kanyang naging trabaho, pangatlong araw na ito ng parusa sa kanya. Ang inakala niyang malilibre siya sa gawain na may kinalaman sa proyekto ng gobyerno laban sa terorista ay itinuring na niyang isa na lang pangarap, at ang ideyang iyon ay mananatili na lang pangarap hanggang sa matapos ito. Sa dami ng trabahong kanyang kailangang asikasuhin na may kinalaman sa balak nilang pagharap sa Dark Knight, hindi na kaya pang ibalanse ni Samantha ang oras niya para gawin ang ibang trabaho na may kinalaman naman sa personal na isyu o problema sa kanilang probinsya. Kahit pa tinutulungan naman siya ni Ally ay hindi siya nito iniiwan ay hindi pa rin sapat ang tulong nito para magawa niya sa oras ang

