CHAPTER 121: Sa parehong gabi na magkausap ang mag-ama ay magkakasama naman sina Shaika, Owen, Dave, at Carlo. Walang sinasayang na oras si Shaika, kaya naman nang matapos silang mag-usap ni Zeldris ay agad niyang ipinaalam sa mga kasama niya na kailangan nilang marinig ng personal kung ano ang naging resulta ng ginawa niyang paglapit kay Zeldris. Ang orihinal nilang plano ay kailangang hilingin ni Shaika ang tulong ni Zeldris laban kay Samantha, dahil kung ikukumpara ang dalawa ay mas mapagkakatiwalaan pa si Zeldris kaysa kay Samantha. Bukod pa r’on ay mas gugustuhin pa ni Shaika na kumampi nang tuluyan kay Zeldris kahit pa sandali palang niya ito nakakasama kumpara kay Maestro na matagal na nga niyang nakasama ngunit itinuring naman siyang traydor na wala manlang pagtatanong sa kung an

