CHAPTER 108: Hindi nakatakas sa paningin ni Jason ang naging titigan nina Samantha at Zeldris, bagay na hindi niya talaga nagustuhan. “Sinasabi mo bang dapat pa nating kampihan ang mga terorista? Anong gusto mong iparating sa sinasabi mo, dapat natin silang tulungan na patayin ang mga kapwa nating nagsisilbi para sa bayan!?” pagalit niyang sabi. Umiral na naman ang bulungan sa pagitan ng mga alkalde dahil may punto ang sinabi ni Jason. Kahit naman siguro ordinaryong tao ay sasabihin ang sinabi niya, hindi pa rin tama na sang-ayunan ang layunin ng Dark Knight na ilagay sa kamay nila ang hatol sa mga politikong pinaniniwalaan nilang gumagawa ng masama sa bansa. Agad na sumagot si Zeldris sa kanya dahilan para tumahimik din ang lahat. “Wala naman akong sinabi na kumakampi ako sa terorista,

