CHAPTER 76: “Sandali lang…” awat naman ni Owen. “Kung governor siya ng Province 2, ibig lang sabihin ay vice governor niya si Samuel Encarnacion; ang taong iniutos ni Maestro noon kay Viper na patayin dahil sangkot ito sa ipinagbabawal na gamot at ibang kaso ng panggagahasa,” aniya. Naalala naman ni Shaika ang sinabi ni Owen, ang taong iyon ang dapat susugurin ni Herlene noong gabing iniligtas nila ito laban sa tauhan mismo ng bise na si Nardong Tulak. Inutusan ni Maestro si Herlene noon na sugurin nang mag-isa ang bise na iyon na nakilala nilang konektado sa malaking sindikato at isa nga sa kanilang mga ilegal na negosyo ay droga. “Tama! Iyong huling misyon ni Viper na nakita natin siyang bumisita kay Maestro noon. Naalala ko iyon, kasi iyon na rin ang huling beses na bumisita siya sa

