CHAPTER 77: Nagtataka man si Owen bakit biglang itinanong iyon ni Shaika ngunit may parte rin naman sa kanya na gusto niyang malaman ang sagot. Wala nang nakaisip sa kanila ng tungkol sa bagay na iyon dahil madami na ang nangyari mula nang magkamali sila sa kanilang misyon na patayin si Zeldris Tan. Ngunit ngayong napag-uusapan na rin naman ang nakaraan ay wala namang masama kung pag-usapan na rin iyon. Umismid si Dave bago ito sumagot. “Importante pa ba iyon? Naiintindihan ko naman na ang pinag-uusapan ay tungkol sa nangyari dati, pero hindi ba kaya lang naman iyon nabanggit ay dahil kay Maestro at Viper? Wala nang koneksyon iyon sa—” “Sagutin mo na lang ang tanong ko, puwede?” Napalunok si Dave nang awatin siya ni Shaika sa kanyang sinasabi. Alam niya naman na kahit hindi niya sabihi

