CHAPTER 78: Hindi maganda ang nararamdaman ni Owen sa ideyang naiisip ni Shaika kung paano nila lalabanan si Maestro. Hindi naman siya kontra sa kagustuhan ng dalaga na maalis ito sa pwesto, dahil gaya ng opinyon nina Carlo at Dave ay hindi niya rin gusto makita ang Dark Knight sa kamay nito kung hindi rin naman maganda ang nangyayari. Kaya lang, ang inaalala lang ng binata ay tila may iba sa tono ni Shaika habang napag-uusapan ang ginagawa ni Maestro na pagsira sa grupo. Normal ang magalit, at kahit naman sino na makaalam na sinisira ng taong pinagkatiwalaan mo ng matagal ang isang bagay na importante sa ‘yo ay tiyak na magagalit ka rin naman. Pero ayaw niyang umabot sa punto na kahit mapahamak ay gagawin pa rin iyon ng dalaga basta makuha lang ang gusto niya. Alam niya namang hindi ni

