CHAPTER 74: Heto na naman ang magulong isip ni Shaika… kagaya ng mga pag-iisip niya sa mga sinabi ni Zeldris sa kanya tungkol sa Dark Knight at sa alam niya na malinis ang intensyon ng grupo, nahahati na naman ngayon ang kanyang desisyon. At mas mabigat pa ito ngayon dahil may dalawa siyang kaharap na naghihintay ng kanyang sagot. Aminado ang dalaga na sa tuwing nasa posisyon siya na kailangan niyang magdesisyon kung ano ang dapat niyang piliin ay nahihirapan siya… tila hindi niya kayang magdesisyon sa sarili niyang paraan. Lalo pa’t nasanay siya sa kanyang ama na uutusan lang siya nito kung ano ang dapat niyang gawin at nakahain na rin sa harapan niya ang mga kailangan niya. Kagaya na lang ng pilit na sinasabi ni Zeldris sa kanya… sa ilang ulit nilang pag-uusap ay lagi nitong sinasabi

