CHAPTER 94: Mas mahaba ang oras na gising si Dave kaysa sa oras ng tulog niya, kung minsan ay nasa dalawa hanggang tatlong oras lang ang nagiging tulog niya dahil kailangan niyang gumising ng maaga para asikasuhin ang mga anak niya kapag umalis na ang asawa niya para magtrabaho. Nagsisimula ang araw ni Dave ala-singko palang ng umaga para tulungang mag-asikaso ang mga anak na papasok sa eskwela. Tinutulungan naman siya ng asawa niya sa pag-aasikaso dahil siya naman ang naghahanda ng mga uniporme ng anak nilang papasok at siya na rin ang nagluluto ng kakainin nila sa umaga kasama na ang babaunin nila sa pagpasok. At kapag naman nagising din ng maaga ang maliit nilang anak ay siya na ang nagpapatahan at nag-aalaga rito bago siya pumasok sa trabaho dahil alam niyang halos kakatulog lang din

