CHAPTER 98: Matapos ang gabing iyon ay hindi na napakali si Samantha, hindi siya nagsayang ng oras at mula sa restaurant na pinanggalingan niya ay mabilis niyang pinuntahan ang lugar kung saan sila nagkikita ng patago ng kanyang ama. Ang ganitong uri ng sitwasyon ay isang bagay na hindi nila dapat hayaan na paglipasan pa ng isang gabi. “Anong ba talagang nangyayari, Dad?! He is threatening me! There’s a possibility daw na patayin ako ng kasama niya and he even ask me kung gusto niyang samahan ko siya—I don’t know what to react! Paano kung pinagkakaisahan nila tayong dalawa, paano kung ginagawa lang nila ito para ipitin tayo, paano kung—!” Malakas at nanginginig na boses mula kay Samantha ang sumalubong kay Maestro nang dumating ito. Agad na tumayo ang ginoo para pakalmahin sana ang anak

