CHAPTER 99: “Ngayon palang na-i-imagine ko na kung paano magmaktol ang babaeng iyon kakaisip kung ano ang gagawin nila para hindi tuluyang mabuking ang baho nilang mag-ama!” ani Carlo kasabay ng malakas na tawa. Matapos manggaling sa nangyaring ‘friendly dinner date’ nila ni Samantha ay dumiretso na siya sa rooftop na nagsilbi na ring tambayan nilang apat. Sa tuwing kailangan nilang mag-usap ay dito na sila nagpupunta dahil wala namang ibang tao na napapadpad sa lugar na ito maliban sa kanilang apat. Ang lugar kasing ito ay pinaniniwalaang pagmamay-ari ng isang sikat na intsik at pinagbabawalan ang karamihan na pasukin ang mga pagmamay-ari niya, ngunit iyon din mismo ang rason bakit mas gusto nilang narito sila. Magkakaharap silang apat habang ikinukwento nina Dave at Carlo ang naging u

