Chapter 28

1380 Words
CHAPTER 28: Noong unang beses na nakilala ni Owen si Shaika ay wala itong ibang nakita sa kilos ng dalaga kundi ang bagay na tanging ginagawa lang nito kundi ang pumatay. Nakita niya kung paano nagalit ang dalaga sa binatang mayor at sa kanya dahil sa nangyaring pagkakaroon nila ng hindi pagkakaintindihan. Akala niya nang magharap silang muli, magkakapatayan talaga silang dalawa at hindi na niya maaayos kung ano ang naging problema nila tungkol sa misyon. Pero ngayon, hindi lang sila nagkaayos na dalawa… masasabi niyang nakabuo na sila ng magandang samahan at pagkakaibigan dahil sa pagkakaroon ng iisang dahilan at iisang misyon. Kaya lang, hindi niya rin inasahan na darating din pala ang pagkakataon na may mahihiya siyang naging malapit silang dalawa ng dalaga. “Balita ko ay palagi raw kayong nagkikita ng anak ng Supremo sa rooftop. Ano namang ginagawa ninyo r’on?” pang-aasar ng isa sa mga kasamahan niya sa kanilang division. Walang nakatakas sa mga mata ng mga kasama niya sa kanilang division, kalat na kalat hindi lang sa grupo nila kundi pati sa buong Dark Knight na si Destroyer at si Sinister ay naging malapit pagkatapos ng isang misyon na kanilang kinaharap na dalawa. Hindi alam ng binata kung nakarating na ba ito kay Shaika, pero dahil hindi niya alam kung saan talaga nagsimula ang balita ay wala siyang magawa kundi ang ngitian na lang ang mga nagbabanggit nito sa kanya. “Bakit naiinggit ka ba? Hindi ba’t nagagandahan ka sa kanya dati?” ganti na pang-aasar niya sa kasama. Isang malakas na tawa ang natanggap ng binatang nang-aasar kay Owen dahil sa isinagot niya rito. Dahil doon ay nawala ang ngisi sa labi nito na tila nagsisisi na siya na siya pa ang nagbukas ng usapang iyon sa kumpulan nila. “Ngayon tiklop ka na, pare. Naunahan ka na ni Owen, mas pogi kasi sa ‘yo ‘to, eh!” dagdag pang-aasar ng isa pa sa grupo. Wala nang sunod na sinabi si Owen, nakitawa na lang din siya sa mga kasama nang tuluyan nang inasar ng grupo ang lalaking unang nang-asar sa kanya. Nang tuluyan nang mawala sa kanya ang atensyon ng mga kasama ay nawala na rin ang ngiti sa labi niya. Hapon na at ilang oras na lang ay darating na ang pagkakataon na sinabi sa kanya ni Shaika kaninang umaga na magkikita sila nina Herlene at Zeldris at kasama siya. Masama ang loob niya sa ideyang iyon at talagang tutol siya na sumama, kaya lang ay hanggang sa makaalis ang dalaga ay wala siyang naisip na palusot para hindi siya makasama. Hanggang sa lumayo na lang siya sa kumpulan ng mga kasama niya, naupo siya sa isang upuan na may katabing alak na siyang nagsisilbing aliwan ng lahat ng narito kapag wala silang trabaho o ibang gagawin. Sa paglagok niya ng isa ay naupo naman sa tabi niya ang isang binatang sobrang lapit sa kanya. “Masaya ako para sa ‘yo, pare,” bati ni Thunder sa kanya. Muntik nang malunok ng buo ni Owen ang yelo sa kanyang iniinom nang marinig nito ang sinabi ng binatang bagong dating. Hindi niya inasahan na sasali rin ito sa asarang ginagawa ng mga kasama nila sa kanya. Alam niyang wala siyang magagawa para pahupain ang balita na huwag nang tuluyang kumalat pa, pero ngayon ay bilgang gusto niyang alamin ang iisang paraan para mapigilan na ng mga taong pag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa ni Shaika. “Pati ba naman ikaw ay iniisip mong may namamagitan sa aming dalawa? Ipinaliwanag ko naman sa ‘yo, ‘diba? Alam mo kung bakit lagi kaming magkasama!” giit ni Owen pagbaba niya ng kanyang baso. Imbes na matawa ay nanatili ang tingin ni Thunder sa kanya. Paglipas ng ilang segundo ay kinuha niya ang baso ng kaibigan niya para tagayan ito. Tapos ay kumuha para siya ng isa pang baso para magtagay ng para sa kanya. “Mag-iingat ka sa mga lakad mo, pare. Hindi mo kilala si Sinister, hindi mo kilala ang Supremo. Ayokong madamay ka kung sakaling mapahamak ka at sa dulo ay ikaw ang masisi.” Naging seryoso na rin ang tingin ni Owen sa kanya. Higit kanino man, si Thunder ang pinaka nakakakilala sa kanya at lahat ng nangyayayari sa buhay niya ay sinasabi niya sa kaibigan. Kaya alam niya na malalim talaga ang pinanggagalingan ng paalalang iyon. “Huwag kang mag-alala, kapag napatay ko na si Zeldris at nakalaya ka na sa parusa ni Legal; tapos na rin ang pagiging malapit naming dalawa,” ani Owen sa ininom ang itinagay sa kanya ng kaibigan. Hindi na muling nagsalita pa si Thunder, nagkunwari na itong walang narinig sa kasama dahil ayaw niyang ipakitang labis ang pag-aalala niya. Dahil para sa kanya, walang makakatumbas ng mga kabutihang nagawa ni Owen para sa kanya kumpara sa nagawa niya para sa binata. *** Palubog na ang araw nang magpasya si Owen na bumalik sa rooftop para r’on na hintayin ang pagbabalik ni Shaika, bilang sundo niya sa gagawin nilang pakikipagkita kay Zeldris at Herlene. Hindi rin naman siya naghintay ng matagal, dahil pagkaraan lang din ng halos sampung minuto ay dumating na ang hinihintay niya. Tiyak niyang galing pa ito kay Zeldris at nagpunta lang talaga ito rito para sunduin siya. “Kanina ka pa ba rito?” bati ng dalaga nang makalapit ito sa kanya. Tila hindi makatingin ng diretso si Owen sa kanya. Sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang nahiya kausapin ang dalaga dahil sa nangyaring pang-aasar sa kanya ng mga kasamahan. Ito ay hindi dahil sa ayaw niyang inaasar siya sa isang babae, sadyang nahihiya lang siya na baka kung ano na ang iniisip ni Shaika sa kanya ngayon. “Hindi naman, kakarating ko lang halos. Aalis na ba tayo?” mahinang tanong niya. Hindi naalis ang tingin ni Shaika sa kanya, hindi ganoon kahalata na naiilang si Owen sa kanya, pero sa lakas ng pakiramdam ng dalaga ay alam niyang may hindi ito sinasabi sa kanya. Wala siya maghapon sa Dark Hotel, kaya wala siyang ideya sa kung ano ba ang nangyayari rito sa oras na naroon siya sa opisina ni Zeldris. Ganoon pa man, wala rin siya sa posisyon para itanong sa binata kung bakit ito biglang umakto ng ganoon. “May isang pabor lang akong hihingin sa ‘yo bago tayo umalis,” ani Shaika. Sa puntong iyon, tuluyan nang bumaling sa kanya ang tingin ng binata. Madilm na ang paligid kaya tiyak niyang hindi na siya nakikita nito kahit pa nakakunot ang noo niya sa kausap. Nag-aalala siya na nakarating na kay Shaika ang mga asaran ng ilang kasamahan nila at baka maging mitsa pa ito ng pagputol ng dalaga sa napagkasunduan nilang plano. “Ano iyon?” diretsong tanong niya. Kahit nag-aalala ay pinilit niyang magsalita ng normal na parang wala lang sa kanya ang sinabi ng kausap. Ayaw niyang magbigay ng isang problema sa samahan nilang dalawa, dahil hangga’t buhay si Zeldris ay hindi natatapos ang kailangan niyang gawin. Kapag nagalit si Shaika sa kanya, tuluyan niya nang maibabaon sa limot anrg kanilang plano. “Gusto kong umakto ka ng normal sa harapan nilang dalawa, huwag mong ipapahalata na may balak tayo laban sa kanilang dalawa. Maaring mas malambot na babae si Viper kaysa sa akin, pero malakas din ang pakiramdam niya. Kaya mag-iingat ka,” ani Shaika. Hindi niya alam kung bakit niya iyon sinabi sa binata kahit na ang totoo ay siya itong kinakabahan sa ngayon. Pilit niyang tinatanong ang kanyang sarili kung bakit inalok niya pa ang binata na sumama sa kanilang tatlo sa mangyayaring meet up. Dahil nang mabanggit niya kay Herlene ang tungkol kay Owen, bigla siya nitong inasar na may namamagitan na sa kanilang dalawa. Gustuhin man niyang pilitin ang kaibigan na walang ibig sabihin ang pag-aya niya ay alam niyang wala rin iyong silbi. Isa pa, hindi niya maaring iwan si Owen dahil nakapangako na siya rito at gusto niya ring matulungan siya nito sa pag-oobserba kina Herlene at Zeldris. Nang marinig naman ni Owen ang sinabi ni Shaika ay isang ngiti ang agad na sumilay sa kanyang labi. Tila sa isang iglap ay nawala ang alalahanin niya. “Sige, asahan mo iyon,” aniya. Saka sabay na naglakad ang dalawa para umalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD