CHAPTER 105: Hindi na nagawang ihanda pa ni Samantha ang kanyang sarili para sa meeting dahil sa nangyaring pagsulpot ni Jason. Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto nitong ilibot niya ito sa lugar kahit na hindi naman talaga kailangan. Aminado ang dalaga na bukod sa takot niyang mabuking ang totoo nilang relasyon ni Maestro bilang mag-ama, takot din siyang makalabas ang naging relasyon nila ni Jason. Ipinagpapasalamat na lang ni Samantha na hindi alam ni Jason ang tungkol sa isang sikreto niya, dahil kapag nagkataon ay mas makokontrol siya nito. Dahil ngayon palang na relasyon lang nila ang itinatago nilang dalawa ni Jason ay halos hindi na siya makahinga sa ginagawa nito sa kanya, kaya tiyak niyang mas malala pa rito ang mangyayari kapag nalaman pa niya ang tungkol doon. Marah

