CHAPTER 106: Hindi pa man nagtatagal ang meeting ay nagsisimula nang magkainitan sa loob ng conference room. Bawat isa ay may hinaing, reklamo, at suhestiyon na hindi sinasang-ayunan ng ibang kasama nila sa loob. Kasama na sa inirereklamo ng ibang mayor ay ang tungkol sa pagkakaroon ng ganitong uri ng meeting gayong hindi naman na iyon dapat pag-usapan pa. “Natural na ang kriminalidad sa mundo, kahit anong pagpaplano ang gawin natin dito, hindi na natin iyon makokontrol. Hindi pa ba kayo nadala, sinubukan naman ng bawat lugar ang gusto ninyong pagdadagdag ng seguridad sa bawat munisipyo at nagkaroon na rin ng mga checkpoint. Pero heto at may namatay pa rin, at sa pagkakataong ito ay sibilyan! Hindi pa ba malinaw ang ibig sabihin niyon?!” “Isa pa, hindi na natin problema ang seguridad ng

