CHAPTER 88: Masarap sa pakiramdam na pagkatapos ng isang away ay magkakaayos din kayong dalawa ng taong nakaaway mo, lalo na kung ang taong nakaaway mo ay ang taong pinakamalapit sa puso mo. Parang nabunutan ng tinik si Shaika dahil sa wakas ay nagawa na ni Herlene na makipag-ayos sa kanya at babalik na sila sa dati nilang kulitan at asaran. Masyadong nakain ng misyon ni Shaika ang oras niya at nakatulong ang bagay na iyon para mailayo niya ang isip sa kalungkutan sa nangyari sa kanilang dalawa na magkaibigan. Ngunit dahil mabigat na ang nangyayari at kinailangan niya nang huminga ay tamang-tama rin naman na nilapitan na siya ni Herlene para magkausap na silang dalawa. Alam niyang isip bata talaga si Herlene, isang away bata lang ang ginawa nito at naghihintay lang talaga siyang magisin

