CHAPTER 87: Si Shaika ang kaisa-isang tao na naniwala at nanatili sa tabi ni Herlene noong mga araw na wala pa siyang pamilya. Pareho sila ng naging kapalaran na nawalan ng magulang kaya napunta sila sa Dark Knight. Akala niya ay maswerte na siya dahil nakahanap pa siya ng taong magmamahal sa kanya bukod sa kaibigan niya at itinuring siya nitong isang tunay na anak. Dahil sa kanyang ama, naniwala siyang hindi lahat ng politiko ay masama. Ang kanyang ama ang humubog sa kanya na kahit isa siyang assassin na pumapatay, manatili lang siya sa kanyang sariling paninindigan na hindi siya isang gamit para lang utusan ng kung sino na gawin ang gusto nila kahit ayaw niya na. Iyon ang dahilan bakit ipinapasa niya kay Shaika ang misyon na tingin niya ay salungat sa kanyang paniniwala. Mula noon, si

