CHAPTER 22

2011 Words
"Omg, nakita ka niya!" hinampas ako ni Chris sa balikat. Bumalik ang tingin niya sa mga tao bago siya nagsalita. "Ang dami niyo po, kuya Rex pick mo daw, oh. Ano pong pangalan mo?" kinausap niya ang babae. Lumapit siya sa dulo ng stage sa isang babae na may hawak na papel, nanghingi din siya ng pick pero hindi kay Khaliel kundi kay Rex 'yung bass drum nila. Kinuha niya ang pangalan bago siya ngumiti at lumapit kay Rex. "Kuya Rex, nanghihingi ng pick mo si Marrydel!" masaya niyang sabi. "Marrydel, Happy Valentines Day po!" lumapit siya sa dulo ng stage bago siya bumama at binigay ang pick niya. Hinubad niya ang gitara at nagsalita habang pababa siya sa stage, "Sorry, isa lang talaga ang ma bibigyan nito." ngumiti siya bago tumingin sa paligid. Nang dumapo ang tingin niya sa akin ay nag lakad siya papalapit kaya si Chris likod ko ay hinampas ako. "Omg, ikaw na 'yung bibigyan!" Habang papalapit siya ay nag sigawan ang mga tao at inabot ang kamay niya, tumigil siya sa paglalakad at inabot ang pick sa babaeng kausap ko kanina at ngumiti siya. "Anong pangalan mo?" tanong niya. "Ay akala ko sa'yo!" dismayadong sabi ni Chris. Ang ngiti ko ay napalitan agad kasabay ang pagbaba ko sa papel, nangangawit na 'yung kamay ko dahil kanina pa nakataas ang kamay para makita niya lang. Hindi niya talaga ako bibigyan ng pick niya, dahil kung bibiyan niya ako ay binigay niya na nung humingi ako sa kanya nung nasa unit niya ako. Ang damot niya talaga kapag sa akin, buti nalang at nakapag picture ako sa kanya nung bagong taon, dahil kung hindi siguro bagong taon ay hindi siya papayag nun. "Ayaw niya talaga sa akin, Chris!" naka simangot kong sabi habang nasa sasakyan kami pabalik. Matapos ang kantahan ay sumakay kami para pumunta sa mall, alas dyes y medya pa naman at pupuntahan namin ang booth na para sa Valentines para sa picture. May free food din daw para sa couple at naisip kong isama si Chris dun na mag panggap siya na jowa ko at pumayag naman siya. Nung una hindi siya pumayag dahil baka makita daw siya ng mga baby boys niya pero napilit ko lang din kalaunan. Nakita ko lang 'yun online na naka post kaya susulitin ko dahil ngayon nga lang 'to, at isa pa may libreng sushi sila, mahal kaya 'yun kung bibili ako! "Umayos ka, Chris!" siniko ko siya nang nasa harapan na kami ng pinto. Tuloy-tuloy kaming pumasok sa loob habang naka hawak ako sa braso niya, ngumiti ako nang nasa tapat na kami ng booth. "Hello, ma'am, sir!" "Sir daw," bulong niya na naka ngiti. "Hello!" Binuksan niya kami ng pinto at tuloy-tuloy kaming pumasok sa loob, maraming couples ang naka upo sa lamesa habang 'yung iba ay nag pi-picture sa malaking heart sa gilid. "Hi ma'am, sir! Upo po kayo o kung gusto niyo picture po muna tayo dito." tinuro niya ang malaking heart. "Free lang po 'to hanggang alas dose kaya sulitin niyo na po." Ngumiti ako bago hinatak si Chris na pumunta sa malaking heart, "Talaga bang gagawin mo 'to? Ang dami mo nang pera, Venice..." bulong niya nang nasa gitna na kami. "Smile po kayo, ma'am, sir! One, two, there." ngumiti kami habang nakahawak ako sa braso niya, mukhang effective naman basta hindi lang mag salita si Chris. "Heart post po at kiss." Nangiginig ang tuhod ko at lumaki ang mata ko sa sinabi ng babae, akala ko ba pwede na 'to na ganito lang. Nag heart pose kami ni Chris na ngayong ang mukha niya ay parang natatae na. "Kiss po." sabi ng babae. "Halikan mo na ako, sa pisngi lang," bulong ko sa kanya at hinatak ang damit niya. "Dali na para makaalis na tayo dito." Nakita ko ang pag pikit niya bago dahan-dahan na lumapit ang mukha niya sa akin, bago pa siya humalik ay hinalikan ko ang pisngi niya ng ilang minuto bago nag salita ang babae. "Okay na po, dito na po tayo ma'am, sir." "Sorry, gutom na ako, eh." sabi ko at nag peace sign. Pumikit siya at ngumiti bago kami sumunod sa babae, pinaupo niya kami sa dulong lamesa na matatanaw ang kalsada dahil salamin ang dingding nito. Nag serve ang babae ng pagkain, may wine pa na kasama kaya lumaki ang ngiti ko nang ilapag 'yon. May sushi, maliit na steak at wine ang nilapag at nang makaalis ng babae ay madiin akong tinitigan ni Chris habang inaayos ko ang chopsticks. "Pinapahirapan mo lang ang sarili mo, Venice kaya mo namang bumili nito." sabi niya bago uminom ng wine. "Sa'n ka pa free 'to, oh! Tingnan mo ang dami, sa'n ka ba makakahanap nito, Chris. Kumain ka na nga dyan." Kumain kami hanggang sa naubos namin 'yung pagkain, hinatid niya ako sa tapat ng condo ko bago siya nag paalam. Alas onse na pala ako nakauwi kaya pumunta kaagad ako sa elevator, may iilan pang mga tao sa labas pero tuloy-tuloy lang akong pumasok sa loob dala ang aking bag sa kamay. Ako lang mag isa sa loob ng elevator bago ko pinindot ang floor na pupuntahan ko, pinag krus ko ang braso ko at nag hintay na sumirado ang elevator nang hinarang ito ng kamay kaya pumagilid ako dahil may sasakay. Lumaki ang mata ko nang makita ang lalaking tumabi sa pwesto ko, may dala siyang isang bulaklak sa kamay at limang paper bag na alam kong galing 'yon sa fans niya. Hindi ko siya tiningnan at pinag krus ko lang braso ko, hindi siya nag salita at inayos lang ang mga dala niya. Hindi ko mapigilan na hindi niya kausapin kaya hinarap ko siya, "Ang sama mo talaga sa 'kin." nakasimangot kong sabi. Alam kong para akong tanga sa inasta ko pero siya naman 'yan e, sa kanya lang ako magiging ganito. Tumaas ang kilay niya at liningon ako, "Why?" "Hindi mo ako pinili, may favoritism ka talaga sa mga fans mo, eh..." umiwas ako ng tingin. "Fan ba kita?" he chuckled. Ang sakit nun ha! Fan na fan mo ako Khaliel kaya dapat maging mabait ka sa akin, "Oo. Hindi mo ako pinili na bigyan mo ako ng pick akala ko ba friends na tayo?" Tumunog ang elevator kaya sabay kaming lumabas, huminto ako sa tapat ng pinto niya at hinarangan ko 'yun ng kamay para hindi siya makapasok. "What are you doing, Venice?" "Bibigyan mo ba ako ng pick o hindi ka makapasok dito?" Ngumiti ako at nakita ko ang pag iling niya bago natawa, "Naka inom ka ba?" tanong niya. "Hindi, wine lang." umiling ako. "So uminom ka nga? Venice 'wag na makulit kundi sa unit mo ako papasok." Tumawa ako tumingin sa pintuan ko, parang nahiya ako dahil sa inasta ko sa harapan niya. "Wine nga lang." pag sagot ko. Tumingin siya sa bulaklak na dala niya bago tumingin sa akin, "Kunin mo." sabi niya. Kumunot ang noo ko kasabay ang pag tingin ko doon. Ibibigay ba niya sa akin ang bulaklak na bigay ng fans niya sa kanya? "Bakit ko naman kukunin 'yan?" "Kapalit ng pick. Sa'yo na dahil mukhang walang nag bibigay sayo." tumawa siya kaya naiinis ako. "Ayoko!" "Ayaw mo edi 'wag." sabi niya at tumingin sa bulaklak. "'Tatapon ko nalang 'to sayang naman," Sayang tapos itatapon? Ngumiti ako sa kanya nang umangat ang ulo niya, sayang naman kung itatapon niya maganda pa naman 'yung bulaklak. Inabot ko ang bulaklak sa kamay niya at sininghot ko ang pink tulip bago ako tumingala sa kanya na ngayon ay nag pindot na ng passcode. "Joke lang ikaw naman, sa 'kin na 'to talaga?" parang bata na sabi ko. Binuksan niya ang pinto at humarap sa akin, "Sa 'yo na nga ang kulit mo. Ubos na 'yung pick ko kaya wala na akong ibibigay sa'yo." "Ang sama mo talaga sa akin, Khaliel." nahampas ko siya kaya napatingin kami pareho sa braso niya nang ma realize ang ginawa ko. "Sorry!" sabi ko bago pumunta sa pintuan ko at nag mamadaling binuksan iyon. Gago nakakahiya 'yun ha, Venice! Umupo ako sa sofa at tiningnan ang bulaklak, okay lang kung ang galing sa fans na bulaklak ang ibibigay niya sa akin basta galing sa kanya okay na 'yon. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko kaya pinulot ko kaagad, tumingin ako sa notification na nasa taas at nakita ko dun ang pangalan ni Khaliel. khaliel_cruz Tulog ka na ba? Napangiti ako sa message niya, sinandal ko ang ulo ko sa sofa habang nag ta-type. Grabe naman siya parang jowa lang kung mag tanong sa akin, sabi ko na ba crush niya ako e... zhravenice_corvero Hindi ako inaantok, why? Ilang minuto pa ay tumunog ang doorbell ko at alam ko na agad ang nasa isip ko na siya 'yon. Hindi pa ako nakabihis dahil naupo lang ako sa sofa pagkadating. Tumalon-talon ako na pumunta sa pinto habang nakangiti, dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tama nga ako, bumungad kaagad ang mukha ni Khaliel sa harapan ko. "May kailangan ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya at tumingin sa labas. "Papasukin mo ba ako? Ikaw ang may kailangan sa akin." sabi niya na tumingin sa loob ng unit ko. Pinapasok ko siya at sinarado ang pinto, umupo siya kaagad sa sofa kahit na hindi ko pa naman sinabi na umupo siya. Feel at home pa siya ha! Nahiya naman ako! Umupo ako sa tabi niya habang naka number four ang paa niya, hating gabi na at may lalaki ako ngayon sa unit na nakapasok. "Anong kailangan ko sa'yo?" Tinaas niya ang kamay niya kaya napatingin ako doon, nakita ko ang maliit na bagay na matagal ko nang hiningi sa kanya kaya agad kong inabot 'yun. Pero bago ko pa nakuha 'yun ay nilayo niya ang kamay niya kaya naging malapit ang mga mukha namin. Gulat na tumingin ako sa kanya nang magtama ang mga ilong naming dalawa, nakatingin ako sa mga mata niyang masinsin na tumingin sa akin. Nang napagtanto ko ang posisyon namin ay kaagad akong bumalik sa pagka upo. Umayos ako ng upo bago ko siya hinarap na umayos din ng upo, tumingin ako sa kamay kung saan ang pick. "Akin na kasi 'yan!" Tumingin siya sa akin na kunot ang kilay niya, sinamaan ko siya ng tingin bago ko pinag krus ang braso ko at sumandal sa sofa. "Gusto mo talaga?" "Oo, nga." "Ikaw pa talaga 'yung galit, ah." tumawa siya. "Akin na!" nilapag ko ang palad ko sa kanya kaya napatingin siya doon. Tumawa siya bago tinaas ang pick kaya tumingin ako doon, nakakainis talaga siya. Kung ibibigay niya nalang sana ng deritso sa akin edi sana naka uwi na siya. "Sige ka 'pag hindi mo ibibigay 'yan, iisipin kong gusto mo ako." naka ngiti kong sabi. Mahina siyang natawa at tumingin sa akin, tumingin siya sa mga mata ko kaya tinaas ko ang kilay ko bago ko nilahad ko ulit ang palad ko. "Ibibigay mo ba?" Nakita ko ang pag kagat ng labi niya kaya napatingin ako sa mapupulang labi, parang gusto kong halikan nalang siya dahil sa ginawa niya. Dahan-dahan niyang inabot ang pick sa palad ko kaya nang nasa ibabaw na 'yon ng palad ko ay kaagad akong lumayo sa kanya. "Thank you!" nakangiti kong sabi na umusog papunta sa dulo ng upuan. Tiningnan ko ang pick na bigay niya, may naka sulat na malaking letrang K sa gitna at sa ibabaw ay maliit na Eclipse kaya napangiti ako. "Masaya ka na?" he ask suddenly smiling. "Hindi." "Ano na naman, Venice?" Ngumiti ako at dahan-dahan na lumapit sa kanya, umiwas siya ng tingin sa akin at napunta iyon sa bulaklak na nasa lamesa. "Thank you, neighbor s***h crush..." tumawa ako at pinakita sa kanya ang pick. "May pangalan ba talaga ang pick mo? Akala ko ubos na sabi mo kanina." Tumayo siya at lumakad papunta sa pintuan, sumunod ako sa kanya na naka ngiti bago siya huminto malapit sa pintuan ko at humarap sa akin. "Sa'yo lang meron. Anyway, do you like the flowers?" he asked seriously.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD