Kumunot ang noo ko sa sinabi at tanong siya, bahagya siyang natawa at binuksan ang pinto pero hindi pa siya lumabas dahil tumingin siya sa akin pabalik. "Loading mo."
"Ha? 'Yung bulaklak na binigay mo sa akin galing sa fans mo?"
"Galing sa akin," mabilis niyang sagot. "Goodnight, neighbor s***h crush?" tumawa siya bago ginulo ang buhok ko kaya naiwan akong tulala nang lumabas siya.
Matagal na nag rehistro sa utak ko ang sinabi niya, crush niya din ba ako? O inulit niya lang ang sinabi ko kanya kanina. Nilock ko ang pinto bago naglakad pabalik sa sofa at umupo na tulala. Mabilis na kumabog ang dibdib ko habang hawak ko ang pick na binigay niya sa akin, tumingin ako sa letrang K naa nasa gitna. Crush niya na kaya ako? Ang bilis niya namang nahulog!
Tumingin ako sa bulaklak na nasa lamesa, hindi galing sa fans niya ito? Grabe naman ang paraan niya ng pag bibigay, kung sinabi niya sana kanina pa na sa kanya galing e... naging mabait sana ako sa kanya.
"Kainis ka, Venice!" sabi ko sa sarili bago tumayo.
Nag bihis ako bago humiga sa kama, iniisip ko ang sinabi niya sa akin kanina, akala ko ba may gusto na siya o baka naman pinapaasa lang niya ako dahil alam niyang gusto ko siya. Nag scroll-scroll ako sa feed nang nakita ko na may story siya kaya tiningnan ko iyon. Isang minuto pa niya na post kaya nang makita ko 'yon ay nag reply kaagad ako sa story niya, isa iyong selfie picture ng mukha niya na may caption na, Don't overthink.
zhravenice_corvero
Hindi naman ako nag o-overthink:(
Crush mo talaga ako?
khaliel_cruz
What do you think?
Nag react siya ng haha sa dalawang reply ko sa kanya, lumaki ang ngiti ko nang mabasa ang reply niya sa akin. Paasa talaga siya sa akin, ha! Kung sasabihin niya nalang deritso na crush niya din ako edi sana goods na kami.
zhravenice_corvero
Crush mo nga ako!
Don't worry, crush din naman kita.
Matapos 'yun ay hindi na siya nag seen pa sa akin, nilagay ko nalang ang cellphone sa gilid at napag desisyonan na matulog nalang.
Kinaumaghan ay una kong pinulot ang phone ko sa gilid pagka gising ko palang dahil baka may reply na siya sa akin. Nag react siya ng haha at heart sa reply ko sa kanya, napangiti ako kahit na hindi na siya nag reply pa. Naligo ako bago nag luto ng toasted bread, nag kape lang ako bago pumasok sa paaralan na malaki ang ngiti.
Nang matapos ang klase ay umuwi ako unit, gusto ko sanang kausapin si Khaliel pero nahihiya ako sa kanya. Nang hapon ay naisip ko na puntahan si Shane para kumustahin siya, kaya nag bihis ako bago umalis pero bago ako pumunta sa kanila ay dumaan ako sa coffee shop para dalhan siya ng inumin na gusto niya.
"Aalis ka na agad?" tanong ni Mikka sa akin matapos ibigay ang order ko.
"Pupuntahan ko si Shane. Regards me nalang sa mga kapatid mo." kumindat ako bago lumabas ng coffee shop.
Nang makarating ako ay nasa sala lang si Shane hinihimas ang tyan niya kaya dahan-dahan na lumapit ako sa kanya. "Hello, Shane!" umupo ako sa tabi niya kaya nagulat siya.
Tumaba siya kaunti dahil palagi siyang kumakain, palagi ko nga siyang sinasabihan na dahan-dahan lang dahil baka mahirapan siya sa panganganak. Pero sabi naman niya kaya tumataba siya dahil palagi ko siyang dinadalhan ng pagkain kaya natawa ako doon.
"Ginulat mo ako ha! 'Nagulat 'yung anak ko!"
"Sorry baby, excited lang si ninang." ngumiti ako at humawak sa tyan niya.
"Paano naman ako, hindi ka ba mag so-sorry sa akin?"
"Sorry!" nag peace sign ako sa kanya at ngumiti.
"Akala ko ba bukas ka pa pupunta dito?"
"Kasi naman naiinip ako sa bahay at 'tsaka may itatanong ako sa 'yo."
"Ano ba 'yon?"
Huminga ako ng malalim at ngumiti bago ako sumandal sa sofa nila. "Kasi may kakilala ako, sabi niya 'yung kapitbahay na crush na crush niya ay basta nalang pumasok sa bahay nila at binigyan siya ng bulaklak kahit na hindi naman sila close."
Nakita ko siyang nakikinig lang sa akin, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang tanong ko dahil hindi ko din maipaliwag sa sarili ko kung anong gusto kong sabihin. Hindi ko naman pwedeng sasabihin sa kanya na may kapitbahay ako na nag bigay ng bulaklak at pick ng guitar dahil alam niyang wala akong ibang crush kundi ang lalaking nasa banda.
"Tapos anong nararamdaman mo?"
"Ha?"
Kumunot ang noo ko na nagtanong bago siya ngumiti at hinawakan ang kamay ko. "Ikaw naman 'yun, 'diba? Alam kong nagtatanong ka galing sa sarili mo sa paraan ng pag kasabi mo, Venice."
"Hoy! Hindi ako ha! 'Yung kakilala ko lang na feeling niya special siya sa lalaki dahil iba ang turing niya sa kakilala ko, pero hindi sinabi ng lalaki na gusto siya kaya naguguluhan siya."
Malakas na tumawa si Shane sa sinabi ko, umiwas ako ng tingin sa kanya dahil masyadong malakas ang tawa niya na rinig na sa buong bahay.
"Alam ko ikaw 'yan, aminin mo na, Venice sino ba 'yang kapitbahay mo, ha?"
"Wala nga, Shane hindi nga ako! Wala naman akong kapitbahay no? At tsaka paano mo naman nasabi na ako 'yun?"
"Kasi nga alam na alam mo ang detalye ng kwento mo, hindi ka marunong mag sinungaling, Venice. Kaya sabihin mo sa kakilala mo gusto siya ng lalaki, hmmm?" tumawa siya.
"May gusto na nga'ng iba si Khaliel!"
"Ha? Khaliel? 'Yung sa banda? Siya 'yung kapitbahay mo?"
Ngumuso ako at tinakpan ang mukha ko, nasabi ko na nga na kapitbahay ko si Khaliel. Bahala siya basta sa kaibigan ko lang naman sinabi at alam kong hindi naman niya sasabihin sa kahit sino.
"Secret lang 'yun," yumuko ako. "Kasi naman hindi ko alam na dun pala siya nakatira sa tabi ng unit ko."
Lumaki ang mata niya na ngumiti, tinakpan niya ang bibig niya dahil sa hindi makapaniwala sa sinabi ko."Binigyan ka niya ng bulaklak? Omg, girl!"
"Ang sabi niya kasi akin na ang bulaklak dahil itatapon lang niya naman 'yon kaya kinuha ko nalang sayang naman. Pero nung pumunta siya sa unit ko sinabi niyang galing naman daw sa kanya... At inulit pa niya 'yung sinabi kong neighbor s***h crush sa akin kaya nagtaka ako."
"Omg, hindi ako makapaniwala! Crush ka niya girl, crush ka nga niya hala!"
"Hindi nga dahil sabi niya may gusto na siya nung nasa interview sabi niya may fan na attracted daw siya kaya paano ako maniniwala sa kanya?"
"Ang loading mo talaga, girl! Ikaw nga 'yung tinutukoy niya 'diba? Ikaw 'yung crush niya, girl!"
Niyugyog niya ang balikat ko na masayang ngumiti kaya sumabay ako sa kanya, maniniwala ba ako sa kanya na ako ang gusto ni Khaliel? Baka naman pag aasa ako masasaktan lang ako doon.
Umuwi ako sa unit nang hapon, palagi ko pa ring iniisip ang sinabi ni Shane na gusto ako ni Khaliel. Pero paano ko naman ma kumpirma na ako nga ang gusto ni Khaliel kung hindi naman 'yun harapan na sabihin ni Khaliel sa akin.
Alas sais ay lumabas ako sa veranda kung sakaling andun siya pero walang anino niya ang nakita ko. Matapos kumain ay natulog nalang ako habang nag iisip kung paano ko malalaman ang totoo. Nagising ako sa sinag ng araw na napunta sa akin, agad akong bumangon bago kinuha ang cellphone sa gilid. Sabado ngayon kaya wala akong pasok, nag isip ako nang gagawin ngayong araw dahil mukhang maiinip ako kung dito lang ako sa loob.
khaliel_cruz
Pupunta kaming Cebu in one week.
Nagulat ako sa chat niya sa akin, napaisip ako kung na wrong send lang ba siya sa akin dahil hindi ko naman naalala na nag a-update na kami sa isa't isa.
zhravenice_corvero
Wrong send?
Pumasok ako sa banyo at nag toothbrush bago ako nag bihis at iniwanan ang cellphone ko sa kama. Lumabas ako ng veranda dala ang aking kape kung sakaling andito siya sa labas, hindi ko naman pwede na puntahan siya para tanungin kung ano 'yung senend niya. Hindi naman siya nag reply sa chat ko kaya hindi ko tuloy alam kung anong gusto niyang sabihin. Wala naman siya dito sa labas kaya nang maubos ang kape ko ay pumasok ako sa loob.
Hindi ako kumain dahil parang busog pa naman ako kaya naupo nalang ako sa sofa at nanood ng cartoon na unang lumabas pagkatapos kong buksan ang tv kaya hindi ko na nilipat pa. Alas nuwebe nang umilaw ang cellphone ko sa lamesa kaya nag mamadali ko itong pinulot.
khaliel_cruz
It's not.
zhravenice_corvero
Tipid mo pa din mag reply. Para sa akin ba talaga 'yan? 'Tsaka bakit kailangan mong ipaalam sa akin na aalis ka?
khaliel_cruz
Stop asking.
Are you busy?
Kumunot ang noo ko sa reply niya. Talaga bang sasabihin niya akong huwag na magtanong matapos siyang naunang mag chat sa akin? Ano 'to hula-hula nalang ganun?
Lumabas ako ng pinto at nag mamadali na pumunta sa harap ng pintuan niya, kakatok pa sana ako nang bumukas ang pintuan niya kaya nakita ko siyang kunot noo na nagulat.
"Venice?"
"Hindi ako busy, bakit?"
Seryoso na ulit ang mukha niya na tumingin sa paligid, nang makita niyang walang tao ay kaagad na hinila niya ako sa loob kaya nagulat ako. "Ano bang ginagawa mo?"
Nang masarado na niya ang pinto ay agad na humarap siya sa akin, hinintay ko lang siya na mag salita pero kaagad na lumakad siya papunta sa loob ng kwarto niya kaya naiwan akong nakatayo lang. Umupo ako sa sofa na nakasimangot dahil hindi pa siya bumalik at hindi man lang ako kinausap. Sinandal ko ang ulo ko sa sofa at tumingin sa kisame, tahimik ang buong bahay at hindi ko man lang narinig na bumukas ang pintuan ng kwarto niya para lumabas siya. Parang sinabitan ng bagay ang mata ko kaya umidlip ako na nag hihintay sa pagbalik niya.
Nagising ako sa pamilyar na silid kung saan ako nagising nung nalaman kong kapitbahay ko pala siya. Dahan-dahan akong bumangon at kaagad na nilibot ang paningin ko sa loob ng kwarto, tahimik ang kwarto at may nakikita akong dalawang maleta na nasa gilid. Dinala niya ba ako dito nang makatulog ako? Ang naalala ko ay umidlip ako sa sofa niya dahil hinintay ko siyang makabalik.
Bumangon ako at inayos ang sarili, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto bago ako sumilip sa labas. Narinig ko ang pamilyar na boses ng lalaking kausap ni Khaliel kaya sinarado ko kaagad ang pinto.
Kausap niya si Jeff sa sofa, hindi ko man nakita ang mukha niya pero narinig ko ang boses niya. Nakakahiya kapag nakita niya ako dito na natulog sa kwarto ni Khaliel! Ano kaya ang isipin niya kapag nakita niya akong nasa loob ng bahay ng lalaki lalo na at hindi niya ako kilala. Sumilip ulit ako sa pintuan nang marinig ko ang usapan nilang dalawa kaya nakinig ako.
"Make sure to bring extra clothes kung sakaling maging more than a week ang stay natin doon. Kita nalang tayo sa airport?"
"Mag pa-paalam lang ako. Alas tres na siguro ako makakadating."
"Tulog pa ba? Iba na 'yan, ha!" tumawa si Jeff kaya natawa din si Khaliel.
Narinig ko ang pag sarado ng pinto kaya dali-dali akong bumalik sa kama at nag panggap na tulog, narinig ko ang mahinang pag bukas ng pinto kaya pinikit ko ang mata ko. Narinig ko ang pag labas ng gamit niya, naka side view ako kaya dahan-dahan kong minulat ang mata ko at natanaw ko ang pag dala niya nang gamit sa labas. Nang mag sarado ang pinto ay kaagad na bumangon ako. Narinig ko ulit ang mga hakbang papalapit sa pintuan kaya humiga ulit ako at nag panggap na tulog.
Naramdaman ko siyang lumapit sa pwesto ko, hindi ako gumalaw nang pinatong niya ang kumot sa akin. "Ang ganda mo kahit tulog, Venice." mahina niyang sabi bago ako iniwan.