Parang uminit lahat ng katawan ko nang umalis siya, bumangon ako nang marinig ko ang pag sarado ng pintuan at kaagad na lumapit doon. Sumandal ako sa pinto at pumikit. Confirm na gusto niya nga ako! Halos maubusan ako ng hininga nang pigilan ko ang tili ko dahil sa kilig nang tumulak ang pinto kaya nadala ako kaya kinabahan ako.
Nakatayo lang ako nang makita ko siya na seryoso ang mukha, tumingin siya sa mga mata ko at akmang lalapit siya nang umatras ako at yumuko. Patuloy siya sa pag lapit kaya patuloy din akong umatras na nakayuko. Natigil ako sa pag-atras nang may natapakan akong bagay kaya nawalan ako nang balanse, pero bago pa man ako natumba ay kaagad na hinawakan niya ang kamay ko.
Natigil ako nang ang mukha ko ay halos nasa dibdib niya na malapitan kaya dali-dali akong umayos ng tayo. Tiningnan ko ang natapakan ko at nakita ko ang ballpen sa sahig kaya pinulot ko.
"I'm sorry, nakatulog ako," nakayuko kong sabi habang pinag laruan ang ballpen sa kamay.
Hinawakan niya ang baba ko kaya napaangat ako ng tingin. Tiningnan ko ang seryoso niyang mukha kaya umiwas ako ng tingin. "Nakatulog ka ng maayos?" mahina niyang tanong na parang umabot sa tuktok ng buto ko.
"Bakit ganyan ka sa akin, Khaliel?" sagot ko sa kanya.
Hindi siya nag salita at natawa, tumingin ako sa kanya na nakakunot ang noo bago niya binalik ang tingin sa aking mga mata. Seryoso ang mukha niya at madiin na tumingin sa akin. "Mabagal ka lang ba talaga o ano?" umiling siya.
"Ano?" tumaas ang kilay ko.
"Gusto kita, Venice. Akala ko ba na gets mo na?" Mahina niyang sabi.
Agad na lumakas ang kabog ng puso ko matapos niyang bigkasin ang katagang iyon, sa halip na matuwa ako ay napalitan iyon ng lungkot nang maalala na ayaw niya pala sa mga Corvero.
"Hey, I said gusto kita." inabot niya ang kamay ko na may hawak na ballpen at pinabayaan ko lang na gawin niya iyon.
"Crush lang kita, Khaliel," sabi ko.
"Kaya nga, Venice. Let's get to know each other more. I like you, Venice at siguradong-sigurado ako na gusto kita."
Gusto pa naman 'diba? Hindi pa naman niya ako mahal. Gustong-gusto ko din naman siya at hahanapin ko sa puso ko kung paano ko malalaman na mahal ko siya. Tumawa ako at binawi ang kamay ko, ang init ng kwarto niya, ha! Kahit naka on ang AC ay parang nasa labas ako dahil pinag pawisan ang kamay ko.
"I like you too, Khaliel." tumingin ako sa mga mata niya.
Paano ko ba sasabihin na ako talaga ang anak ng Corvero. Baka hindi na niya ako gustuhin kapag malaman niya 'yon at lalayo siya sa akin.
Nagulat ako sa paghila niya ng kamay ko bago niya ako yakapin, ang mukha ko ay napunta sa dibdib niya kaya lumaki ang mata ko. Naamoy ko ang bango niya habang narinig ko ang pagkabog ng dibdib niya. Para akong nabuhusan ng malamig ng tubig dahin nangiginig ang kamay ko sa ginawa niya. Hindi siya nag salita at niyakap niya lang ako nang mahigpit, pinatong niya ang palad niya sa buhok ko at hinaplos iyon.
Nang bumitaw siya ay umiwas siya ng tingin sa akin, kaya umiwas din ako ng tingin bago niya buksan ang pinto kaya lumabas kami pareho doon. Nakasunod siya sa akin papunta sa labas, hindi ko alam kung lalabas na ba ako o mananatili nalang dito.
"Hindi ka pa nag lunch?" napahinto ako nang mag salita siya.
Humarap ako sa kanya at umiling, bago ako patuloy na naglakad papunta sa pinto pero pinigilan niya ako. "Uuwi ka na? Hindi ka ba kakain. Ala una na, Venice." sabi niya kaya tumingin ako sa kanya.
"Uh... sa bahay nalang siguro, thank you."
Matapos siyang mag confess, sa tingin niya ba kaya ko pa siyang harapin na hindi kinakabahan sa harapan niya? Gusto kong mag wala sa kilig dahil doon pero hindi ko 'yon magawa dahil andito siya.
Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay ko kaya napatingin ako doon dahil sigurado pinag pawisan na 'yung kamay ko. "Let's eat together hmmm?" mahina niyang pagkasabi.
Sumunod ako sa kanya sa kusina dahil hindi niya binitawan ang kamay ko, para akong pepe dahil hindi ko mabuksan ang bibig ko dahil para akong na kuryente nang hawakan niya ang kamay ko. Pinaupo niya ako at sumunod naman ako, pinagmasdan ko lang siya na mag lagay ng mga plato sa lamesa. Matapos niyang ilagay lahat ay umupo siya sa harapan ko, kinuha niya ang kanin at nilagyan ang plato ko kaya pinabayaan ko lang siya. May chicken feet at chicken adobo na sa palagay ko ay inorder niya.
"Kumakain ka ba nito?" tanong niya nang itaas ang chicken feet.
Oo naman, paborito ko nga 'yan eh!
Tumango ako sa kanya kaya nilagyan niya ang plato ko, tahimik lang ako na pinagmasdan siya sa ginawa. Matapos siyang mag lagay sa plato niya ay nag simula na din akong kumain kasabay niya. Ang tunog ng plato at kutsara lang ang naririnig ko at sa kusina dahil hindi kami nag sasalita dalawa.
"Gusto mo pa ba?" para akong bata na tinanong niya. "Venice, mag salita ka."
"Tama na busog na ako, eh." sagot ko.
"Gusto mo ng tubig? Juice? Ano bang gusto mo?"
Wala bang option na ikaw?
"Tubig nalang, thank you."
Tumayo siya at pumunta sa refrigerator, matapos niyang mag lagay ng tubig sa baso ay binigay niya 'yon sa akin. Inubos ko ang tubig dahil parang hindi napunta sa tyan ko ang kinain, nasa leeg ko lang at hindi ko pala napansin dahil ang nasa isip ko lang ay ubusin ang pagkain.
"Venice, are you okay?" sabi niya nang bumalik na maupo.
Tumango ako sa kanya at inubos ang natitirang pagkain, tumingin ako sa kanya na nakatingin lang din sa akin habang kumakain kaya umiwas ako ng tingin. Narinig ko ang pagtawa niya bago uminom ng tubig, binalik ko ang tingin sa kanya na nakangiti na sa akin.
"You're not comfortable? Pwede ka naman na umuwi dahil tapos ka nang kumain kung hindi ka komportable sa akin." nakangiti niyang sabi sa akin.
Ano bang ginagawa mo, Venice! Bakit Hindi ka na nakapag-salita sa harapan niya.
"Uh... thank you sa pagkain, uuwi na ako." dahan-dahan akong tumayo at nilingon siya.
"Wala ako dito ng one week or more than one week. Pupunta kaming Cebu, baka ma miss mo ako." sabi niya bago tumawa kaya humarap ako sa kanya.
Hindi ako nag salita at tumingin lang sa kanya, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Walang lumalabas sa bibig ko. Tumayo siya at lumapit sa akin, mga kalahating metro lang ang layo ko sa kanya nang humarap siya sa akin. "Pwede ka namang kiligin." tumawa siya.
Alam kung pulang-pula na ako dahil sa hiya na nararamdaman, gusto ko nang makalabas dito dahil kung tatagal pa ako dito ay baka mahimatay nalang ako. "Kidding. Nag paalam lang ako sa 'yo dahil baka pagbalik ko dito hindi mo na ako gusto." nakangiti niyang sabi.
"'Diba ako dapat ang mag sabi niyan? Paano kapag bumalik ka dito tapos hindi mo na ako gusto?" basta-basta nalang na lumabas sa bibig ko kaya yumuko ako sa hiya.
Lumapit siya sa akin at inangat ang ulo ko kaya nag tama ang mga mata namin. "Don't worry, ikaw lang ang gusto ko hmmm?"
"Gusto mo talaga ako?" masaya kong sabi.
Tumango-tango siya at hinawakan ang kamay ko, nakatingin lang ako sa mga mata niyang seryoso na tumingin sa akin. "Hindi mo kailangan mag alala kung gusto kita dahil magugustuhan kita kahit na hindi mo ako gusto, Venice." ngumiti siya.
"Talaga?"
Tumango siya bago niya ako niyakap and this time, binalik ko din sa kanya ang yakap na binigay niya sa akin. Hinatid niya ako sa tapat ng pintuan niya bago ako nag paalam sa kanya, nakangiti ako nang pumasok sa loob ng unit ko at kaagad kong sinarado.
Nang nasa loob ako ay kaagad na umupo ako sa sofa at tumili, pinag-sisipa ko ang sofa habang nakahiga dahil sa kilig na naramdaman. Pero ilang minuto nang matapos ay kaagad na napalitan ng lungkot dahil sa naiisip. Hindi niya gusto ang pamilya Corvero, at kapag malaman niya na ako nga ang anak ng Congressman ay hindi na niya ako kakausapin pa.
Inalis ko ang nasa isipan ko, humiga ako sa sofa at nag scroll-scroll sa phone ko nang nag pop up ang message ni Khaliel sa akin.
khaliel_cruz
Sent a photo.
He sent me his selfie at the airport, agad akong nag react doon bago ako nag reply.
zhravenice_corvero
Ingat!
'Yon lang nireply ko at nilagay ko nalang ang cellphone sa lamesa bago pumunta sa kwarto at nag bihis. Kailangan kong kausapin si Shane tungkol dito dahil hindi ako mapakali na walang kakausapin tungkol dito.
"Wow, 'di ka busy ba't bumalik?"
"Ayaw mo ba akong makita? Buti nga pinuntahan pa kita eh!"
"Hindi naman, miss ka na nga ng inaanak mo e..."
Umayos ako ng upo at huminga ng malalim. Sasabihin ko sa kanya ang nangyari kanina, ayokong itago na 'to para malabas ko na ang nararamdaman ko. "Si Khaliel kasi!"
Lumaki ang mata niya at excited na tumingin sa akin, may kinain siyang pagkain at nang sabihin ko 'yun at kaagad niyang nilagay sa lamesa bago umayos siya ng upo. "Ano kayo na ba?"
"Ha! Hindi no! Ano kasi... umamin siya na gusto niya ako-"
"Omg, talaga?! Ano sinagot mo na ba?"
Pinutol niya ako kahit na hindi pa naman tapos 'yung sasabihin ko sa kanya. "Hindi! Sinabi niya na gusto niya ako at sinabi kong gusto ko din siya, pero hindi pa kami, ah!"
"Nasaan na siya? Paano kayo nag kita?"
"Sa Cebu may gig sila. Pinapunta niya kas ako sa unit niya kaya pumunta ako, tapos nakatulog ako sa sofa niya at nagising nalang ako na nasa kwarto niya na tapos ayon umamin siya nang magising ako."
"Ha?! Natulog ka sa bahay niya? Omg, baka mabuntis ka niyan ha!"
"Anong mabuntis. Hindi nga kami 'diba at tsaka nag sinungaling ako sa kanya."
"Na ano?"
"Ayaw niya kasi sa mga Corvero at tinanong niya ako kung ako ba daw ang anak ng Congressman tapos sabi ko hindi, basta! Long story!"
Ngumiti siya at pinulot ang pagkain sa lamesa, tumingin siya sa akin bago siya nag salita. "Nako, nako. Parang mahirap 'yan, ha! Bakit mo naman sinabi sa kanya 'yun?"
"Long story kasi... baka pag nalaman niya hindi na niya ako magustuhan pa. Tsaka nung sinabi ko 'yun hindi pa niya ako gusto nun."
"So, kailan ka niya nagustuhan? Hindi ba niya nakita ang viral mo na video?"
Umiling ako dahil kung nakita niya 'yon hindi na siya nagtanong pa. Tipid din siya mag reply sa akin kaya naisip ko na baka hindi siya palagi gumagamit ng social media at hindi niya nakita ang video ko.
"Hindi siguro... pero, what if sasabihin ko sa kanya na ako 'yung anak ng Congressman at lalayo siya sa akin?"
"Gaga. Kung gusto ka niya, gusto ka niya kahit na sino ka pa. Sabihin mo para wala ka nang problema." hinampas niya ako bago siya kumain.
Nang alas kwarto ay umuwi ulit ako sa condo. Nilinis ko ang buong condo ko dahil para hindi ako mag iisip pa. Nang alas siete ay nag suot ako ng pang gym bago ako bumaba. Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa ma pagod kaya nang bumalik ako sa unit ko ay naligo ako.