Nang lunes ng umaga ay maaga akong pumasok, gusto kong kausapin si Chris at Mikka tungkol dito. Ayoko na itago pa sa kanila dahil baka pag tumagal ay magagalit sila gaya nang pagtago nila sa akin tungkol kay Shane.
"Good morning, Venice!" umupo siya sa tabi ko kaya binigay ko sa kanya ang kape. "Thank you!"
"May sasabihin ako sa 'yo. 'Wag mong ipagsabi ha!"
Wala pang mga tao sa room dahil palagi namang late 'yung mga kaklase ko kaya pwede lang na ngayon ko sasabihin. Tumango siya at intresado na humarap sa akin. "Tungkol saan 'yan?"
"Tungkol sa crush ko?" ngumiti ako sa kanya.
"Nako ayan na naman siya, oh..." umiwas siya ng tingin na mukhang na bad trip. "Hindi ka naman lasing 'diba?"
"Hoy, gago totoo nga 'to."
"Ang ano na naman nakita mo si Khaliel sa elevator? O baka naman napaginipan mo si Khaliel?"
"Kapitbahay ko si Khaliel."
"Ha?"
"Totoo nga!" hinampas ko siya.
Tumingin siya sa akin bago siya natawa, hinayaan ko lang siya na matawa hanggang sa may dumating na classmates namin. "Hoy, totoo nga hindi biro."
Pinigilan niya ang sarili at umayos ng upo ng dumating ang crush niya, nag datingan na din ang ibang mga classmates ko kaya hindi ako makipag salita. Nang dumating si Mikka ay kaagad na tumahimik si Chris at may binulong si Chris sa kanya kaya agad na tumingin siya sa akin na ngumiti.
"Ayaw niyo talaga maniwala?" sabi ko at kinuha ang cellphone sa bag bago pinakita ang picture naming dalawa kaya lumaki ang mata nila at nag mamadaling kinuha ang cellphone ko bago malapitan na tiningnan iyon.
Sabay silang tumingin sa akin na gulat ang reaksyon, natawa ako sa mata ni Chris dahil mas lalong lumaki. Natulala sila na nag tiningnan dalawa bago tumawa.
"Hoy, galing mong mag edit!" tumawa si Chris at hinampas ako.
Hindi talaga sila maniwala, ah! Bahala sila kung hindi sila maniwala, kahit nga ako kung ako sila ay hindi din ako maniniwala kaya naintindihan ko sila. Umiling ako at natawa bago ko kinuha ang cellphone ko dahil dumating na si ma'am.
"Hello class, get ready for an oral recitation." sabi niya bago umupo.
Nang umuwi ako ay nakita kong may message si Khaliel sa akin kaya dali-dali kong tiningnan pagka pasok ko palang sa unit ko.
khaliel_cruz
Kumain ka na ba?
May gusto ka bang dalhin ko pag uwi?
Napangiti ako sa chat niya sa akin, hindi ko alam na maging ganito pala siya sa akin matapos na sinabi niyang gusto niya ako. Para siyang boyfriend kung umasta pero hindi pa naman kami at hindi din niya sinabi na liligawan niya ako; sinabi niya lang na gusto niya ako at hinayaan ko 'yon.
zhravenice_corvero
Hindi pa.
Wala. Sarili mo lang ang dalhin mo pag uwi:(
khaliel_cruz
Noted po:(
Matagal pa siya uuwi tapos nag tanong kaagad siya? Pagbalik niya dito at dediresto nga siya sa Canada para sa Us tour nila, hindi ko nga alam kung uuwi pa siya dito pero mukhang uuwi naman dahil nag tanong siya kung anong gusto ko.
Sa buong linggo ay pareho lang ang routine ko, hindi pa rin naniwala si Chris at Mikka na kapitbahay ko nga si Khaliel. Pumunta pa sila dito sa condo ko nung Merkules para siguraduhin kung dito nga si Khaliel nakatira pero shempre wala naman siya dito ngayon dahil umalis. Bahala na sila kung hindi sila maniniwala, ang mahalaga ay sinabi ko na sa kanila ang totoo kahit na hindi sila naniwala sa akin.
"Birthday ng kapatid mo bukas?"
Tanong ko nang sinabi ni Mikka na absent siya sa trabaho bukas dahil birthday ng kapatid niya. "Oo, sasama ba kayo?" sabi niya.
"Basta ako sasama ako!" sabi ni Chris na busy sa cellphone niya.
"Pagkatapos ng klase punta tayo." sabi niya at ngumiti.
"Ano bang gusto niyang pasalubong? Bibili ko siya. 'Yung lalaki ba o babae mong kapatid?" tanong ko.
May dalawa siyang kapatid na babae at lalaki, siya ang panganay sa kanila kaya nag pursigi siya na maging mabuting kapatid. Matalino si Mikka kaya nakatanggap siya ng scholarship sa unibersidad kung saan kami nag aaral, pero shempre hindi niya naman iaasa ang buhay niya doon dahil hindi naman 'yun sapat, lalo na't ang tatay niya may sakit.
"'Yung lalaki. Pero hindi na kailangan ng regalo, Venice okay na siya na andun ka."
"Gusto ko, Mik at hindi na din ako naka dalaw sa bahay niyo, 'no. Kaya pabayaan mo na ako."
khaliel_cruz
Bukas ako uuwi.
Kakauwi ko lang galing sa mall matapos kong bumili ng regalo para sa birthday ng kapatid ni Mikka. Walong taon pa ang kapatid niyang lalaki kaya natagalan akong pumili ng I re-regalo sa kanya dahil baka hindi niya nagustuhan.
Ngumiti ako nang mabasa na may message si Khaliel. Ang sabi one week sila doon pero uuwi na siya bukas din? Miss na yata niya ako e...
zhravenice_corvero
Anong oras? Wala ako dito bukas, may lakad ako.
khaliel_cruz
Naka uwi ka na non. Maybe mga 12?
zhravenice_corvero
Tanghali ba?
khaliel_cruz
Midnight, Venice.
Baka tulog na ako nun dahil sa hapon ay uuwi na kaagad kami. Ang sabi naman ni Mikka may kaunting celebration sila para sa lalaking kapatid kaya kung matapos dun ay uuwi na din naman kaagad kami.
"Hawakan mo muna." sabi ni Chris at inabot sa akin ang binili niyang cake.
Hindi sumama si Shane dahil hindi niya kaya pang mag byahe at palagi din siyang tulog at ayaw niyang lumabas. Kahit pa hindi naman masyadong malaki na ang tyan niya pero natatamad na siyang lumabas, paano pa kaya kung mag a-anim na buwan na.
"Ano ba kasi 'yan! Kanina ka pa dyan, ah!"
May dala lang akong paper bag sa kamay, si Chris ang bumili ng cake dahil 'yun ang pinag usapan namin. Sumakay kami ng bus papunta doon, halos 15 kilometers din ang layo ng sa kanila. Nakahanap na si Mikka ng apartment niya kaya mas madali na sa kanya na pumasok sa coffee shop tuwing weekend at hindi na siya nakitulog sa akin, at kapag day off niya ay umuuwi siya sa kanila para bisitahin ang pamilya niya.
Nang makarating kami ay agad na sumakay kami ng trycicle para sa bahay nila. Bato ang kalahati ng bahay nila at kahoy naman ang sa itaas, sariwa ang hangin dito dahil madaming puno dahil sa malayo ito sa highway. Sinalubong kami ng nanay niya kaya ngumiti ako sa kaniya bago kami nag usap.
"Ma! Andito na po sila." masayang sabi ni Mikka bago pumasok sa kwarto.
"Hello po, Tita."
"Buti naman maayos kayong nakarating dito, Venice, Chris."
"Yes po, Tita buti nga na mabait si kuyang driver at pinatawad kami ng pamasahe dahil sa akin!" masayang sabi ni Chris.
"Hello, Happy birthday!" bati ko sa batang lumabas galing sa kwarto.
"Sige papasok muna ako sa kusina, ah? Hindi pa kasi ako tapos mag luto, nako ang kukulit ng mga bata."
"Sige po!" tumango ako sa kanya.
Pinaupo ni Chris ang bata sa tabi namin, tumabi naman ang babaeng kapatid kaya hinarap ko sila. "Hi, happy birthday, sa'yo!" sabi ko sa lalaki. "Hello!" humarap ako sa babaeng bata. "Naalala niyo ba ako?"
"Opo ate, palagi niyo nga kaming binibigyan ng pagkain pag dumating ka dito eh!" masayang bati niya.
"At ako naalala niyo ako?" sabi ni Chris.
"Anong naalala ngayon ka lang pumunta dito, hoy!" hinampas ko siya.
"Ito para sa 'yo 'to, regalo ko sa 'yo. At ito naman para sa 'yo." inabot ko sa kanila ang tig-iisang paper bag.
Ang sa lalaki ay laruan, ewan ko kung magugustuhan niya 'yon dahil ang babae na tinanong ko sa mall ang nag recommend sa akin nun. May isang polo shirt din 'yun at isang maong, at sa babae ay isang dress at barbie doll dahil limang taon pa lang naman siya.
"Ito, ito galing sa 'kin 'to ha!" nakangiti na sabi ni Chris sa mga bata bago inabot ang paper bag na dala niya.
"Thank you po, ate! Kuya!" masayang sabi nilang dalawa.
Nang alas dos sila nag pakain, madami din ang handa nila dahil daw may honor daw ang bata kaya sinabay na nila. Matapos ibigay ni Chris ang cake ay kumain na kami, may ibang kapitbahay din nila ang andito pero kaunti lang 'yung inimbita.
Umuwi kami ng alas sais na ng hapon, naki pag kulitan pa kami at nag kantahan sa karaoke bago kami umalis. Naiwan lang si Mikka at kami ni Chris lang ang umuwi dahil bukas nalang daw siya babalik. Hinatid ako ni Chris sa tapat ng condo pagkatapos namin sa terminal kung saan kami bumaba.
May sinulat pa akong lesson na para sa lunes bago ako humiga, hindi ko na hihintayin si Khaliel dahil pagod ako galing sa byahe at bukas nalang siguro kami mag kikita. Hindi siya nag chat sa akin at alam kong nasa byahe pa siya, ilang oras lang naman ang byahe galing sa Cebu pero baka mamayang hating gabi ang flight nila.
Napag desisyonan ko nalang matulog matapos kong mag sulat. Nang magising ako ay kaagad kong kinapa ang cellphone ko para tingan kung may message ba si Khaliel at kung naka uwi na ba siya. Dumeresto ako bumangon nang walang nakita na may chat si Khaliel, agad nalang akong nagluto ng agahan at iniwanan nalang matapos kong magluto dahil pumunta ako sa veranda dala ang kape.
Humarap ako sa kabilang veranda baka sakaling andun siya, nilagay ko ang kape ko sa lamesa at kinuha ang cellphone ko bago ako nag type.
zhravenice_corvero
Good morning!
Naka uwi ka na?
Hindi siya nag seen kahit na active naman siya, tiningnan ko kung may post ba siya o story pero wala kaya nilagay ko nalang sa lamesa ang cellphone bago ko kinuha ang kape. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko kaya nag mamadali akong kinuha 'yun.
khaliel_cruz
Nasa labas ako.
Agad kong iniwan ang kape ko at tumakbo palabas, huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pintuan ko. Ngumiti ako nang makita ko siya na alam kong kagigising lang niya. "Good morning, Venice," sabi niya na naka ngiti.
Agad siyang pumasok sa loob, may dala siyang supot sa kamay kaya sinundan ko ang tingin doon para malaman kung ano 'yun. "Good morning. Anong oras ka nakauwi?"
Ngumiti ako at lumakad na sumunod sa kanya papunta sa sofa, umupo siya na nakangiti kaya umupo din ako doon at hinarap siya. "Para sa 'yo." masaya niyang sabi na inabot sa akin ang supot na dala niya.
"Ano 'to?" ngumiti ako at dahan-dahan na binuksan ang supot.
"Dried mango. Masarap kasi kaya naisip kong dalhan ka, sayang hindi ako naka dala ng Cebu lechon!"
"Para sa akin 'to? Thank you, Khaliel."
"Hindi ko alam ang gusto mo dahil tinanong kita kung ano hindi ka naman sumagot. Kaya nung natikman ko 'yan binilhan nalang kita."
Binuksan niya ang plastic at binigay niya sa akin, agad akong tumikim doon. "Masarap nga!" sabi ko bago kumuha ulit. Medyo marami ang dala niya sa akin kaya inubos ko ang nasa isang maliit na plastic at nilagay sa lamesa ang iba dahil hindi ko naman mauubos 'yun.
"Gihigugma tika, Venice." seryosong sabi niya.
*Mahal kita, Venice.
"Ha?" tanong ko dahil hindi ko maintidihan ang sinabi niya.
"Ka gwapa nimo, Venice untana gihigugma pud ko nimo." tumawa siya.
*Ang ganda mo, Venice sana mahal mo din ako.
"Ano? Ano 'yan?"
"Wala, I just learn bisaya, Venice. Kaunti lang." tumawa siya. "Gusto kong sabihin sa 'yo ang natutunan ko."
"Talaga? Anong ibig sabihin nun? Sige nga kung natuto ka na," lumiit ang mata ko na tinitigan siya.
Umayos siya ng upo at humarap sa akin. "Gihigugma means... good morning!" nakangiting sabi niya.
"Wow, marunong ka na ha! Alright, gihigugma tika! Ano naman 'yung ka gwapa nimo Venice?"
Lumaki ang ngiti niya nang makita aking intresado sa pinagsasabi niya.
"It means... nag enjoy ako sa Cebu!" umiwas siya ng tingin sa akin at parang may hinahanap.
"Talaga? It sounds like ganda mo, Venice. Gwapa, ganda. Nahiya ka pa eh! 'Yon talaga 'yon, no?" lumaki ang mata ko na tumingin sa kanya na nakangiti.