"Anak, tulog ka pa ba?"
Narinig ko ang boses ng tatay ko sa isip, tinawag niya akong 'Anak' na kung sana ay hindi na lang 'to panaginip. At kung panaginip man ay ayoko nang magising pa.
It's very impossible that he'd wake me up in the morning and call me anak for no reasons, sa panaginip lang mangyayari 'yun. Ever since isang beses ko lang narinig na tinawag niya akong anak noong nakilala ko ang pamilya ni Auntie at hindi na nasundan pa 'yun.
Gumising ako dahil sa bangongot na nararamdaman ko, pero hindi ko akalain na ang napaka-gandang panaginip ay pwede palang mangyari sa ngayon.
"Good morning, anak!" malaki ang ngiti niya na tumingin sa akin.
Ilang beses kong kinusot ang mata ko kung totoo ba ang nakikita ko ngayon. Andito siya sa gilid ng kama ko malaki ang ngiti na parang walang problema, kaya pala niyang mag laan ng oras para sa 'kin pero bakit ngayon lang.
"Pa?!" Gulat kong tanong.
"Alam ko ang ginawa mo kahapon." mahina niyang sabi.
Hinanda ko na ang sarili ko na pagagalitan niya ako dahil nalaman niya na lumabas na naman ako na hindi kasama ang bodyguard. Pero bakit bigla na lang niya akong tatawaging anak, at pinuntahan pa talaga niya ako dito na malaki ang ngiti niya kahit na alam kong sa pag tatalo na naman ang pupuntahan nito dahil sa ginawa ko kahapon.
"Masaya ako na nakatulong ka sa mga bata, anak. Pero sa susunod 'wag ka nang lalabas na walang kasama baka ma pa'no ka pa." He said softly while he's smiling and looking at me.
Hindi ko kaagad nakuha ang sinabi niya dahil iba ang mga salita na nasa utak ko, pagagalitan niya ako. Pero hindi iyon ang narinig ko sa kanya kaya nag iisip pa ako ng ilang minuto bago ko nakuha.
"'Yung bata? Paano niyo po nalaman, pa?" Tanong ko sa kanya na agad kumunot ang noo ko.
"Hindi na 'yun mahalaga, ang importante nakatulong ka sa akin at sa mga tao. Bumangon ka bumaba na para kumain dahil nag handa na si Myrna." Tumayo siya at hinalikan ang ulo ko bago lumabas ng kwarto.
Naiwan akong tulala sa sinabi niya, hindi ko maintidihan kaya bumangon nalang ako at nag bihis para kumain sa baba. Nang makarating ako sa baba ay naabutan ko si Auntie na malaki ang ngiti sa akin kahit na madalas ko lang naman siyang nakitang ganyan sa akin.
Naupo ako sa bakanteng upuan, hindi pa man ako naka kuha ng pagkain ay naunahan na ako ni Auntie na malagyan ang plato ko.
"Damihan mo ang pagkain mo, Za." ngumiti siya bago hinaplos ang buhok ko.
Kumunot ang noo ko na inasal niya dahil wala si papa sa hapag para pag silbihan niya ako ng ganito.
"Thank you, Auntie," sagot ko.
Nagpatuloy ako sa pagkain nang mapansin kong pumasok si papa sa kusina na may dalang paper bag sa kamay nito, alam kong ibibigay na naman niya 'to kay Auntie.
Lumapit siya sa akin at inabot ang paper bag na nasa kamay niya. "This is for you, anak."
Tumingala ako sa kanya at nakita ko ang malawak niyang ngiti sa akin habang inabot ang dala na sa kamay niya sa akin. "Para sa akin po?" pag tanong ko.
"Para sa 'yo nga, anak kanino pa ba."
Dahan-dahan kong inabot ang paper bag at binuksan ko iyon ng dahan-dahan para lang makita ang laman no'n. Hindi ako nag taka na bagong bag ang laman no'n kahit na iba ang paper bag na ginamit, isa iyong branded Channel bag na nakita ko kahapon sa mall.
"That's nice, Za! May ganyan din ako kaya twinning tayo." natuwa siya kaya pinag dikit ang palad niya.
Twinning? Paano ko gagamitin ang bag na 'to kung pareho kami ng itsura ayoko na may makikita akong kapareha dito sa bahay lalong lalo na sa babaeng ito pa!
"Wow, thank you for this, Pa. Pero para saan 'to, wala naman akong na-alalang may celebration or birthday ko ngayon?"
"It's a present for you, anak dahil naka tulong ka sa mga batang nasa daan." Tinapik niya ang balikat ko bago siya nag paalam na lumabas kasama si Auntie.
Tinapos ko ang pagkain ko at bumalik ulit sa kwarto, dinala ko ang bag na binili ni papa sa akin at inilagay ko lang sa kama na walang pakialam dahil naguguluhan ako sa nangyari. Kinuha ko ang cellphone ko para e chat ang mga kaibigan ko pero bumungad lang sa akin ang madaming tagged notification sa f*******: ko.
Binuksan ko iyon isa-isa pero pareha lang ang laman, isa 'yung balita patungkol sa tatay ko kaya natigil ako para panoorin iyon.
Pinupuri ngayon ang Congressman ng San Rafael na si Elias Corvero, dahil umano sa tamang pag papalaki nito sa kanyang unica Hija na si Zahara o mas kilala sa pangalang Venice. Ang kanyang anak ay nakita kahapon malapit sa Mall na tinutulongan umano ang batang kalye na bilhan ng damit at pagkain, kaya naman ang mga tao sa San Rafael ay humahanga dito sa dalaga at sa ama na siyang nag palaki nito. Panoorin ang exclusive video na kuha ng taong naka kita nito...
Hindi naman kita ang mukha ko sa video, dahil medyo malayo ito at 'yung nag video lang ang naka kilala sa akin.
Agad na umawang ang aking bibig sa nakita, kaya pala ganun nalang ang pakikitungo sa akin ng tatay ko dahil pinupuri na naman siya ng mga tao. Gusto ko din naman maka tulong sa tatay ko pero ayokong gagamitin niya ako para lang sa politiko na hindi ko naman gusto.
Mabilis lumipas ang araw at bumalik na ako sa syudad para mag aral, sa ilang buwan na pag kakulong ko sa loob ng bahay ay parang ilang taon na ang lumipas para sa akin dahil sa inip.
"I missed you so much, Venice!" sigaw ni Shane nang makalapit siya sa akin at agad na yumakap.
Niyakap ko siya ng mahigpit nang mag kita kami malapit sa labas ng building kung saan nakatira ako.Halos tatlong buwan din na hindi kami nag kita nitong mga kaibigan ko kaya excited ko silang niyakap.
"We're finally seeing each other!" Tumili si Shane at niyakap ulit ako ng mahigpit, hindi pa siya bumitaw kung hindi siya tinawag ni Mikka.
"Hoy! Ang oa mo para namang ilang taon kayong hindi nag kita!" pag saway nito.
"Para talagang galing Japan 'tong si Venice kung maka yakap itong si Shane." dagdag naman ni Christian na kaibigan din namin.
Mikka, Christian, and Shane are my friends. Sila 'yung palaging pumupunta ng condo kapag gusto kong uminom o kaya naman gumala kahit saan, sagot ko ang expenses kapag ako ang nagyaya dahil sobra-sobra naman ang binibigay ni papa sa akin.
Mikka and Christian are my Classmates. Shane introduced to me when we were hanging outs in a bar, si Mikka ang sobrang close ko sa kanilang tatlo dahil siya ang una kong nakilala nung first year pa kami.
"Let's go!" niyaya ko sila nang matapos mag yakapan sa daan.
Nag KTV kami na halos umabot na nang madaling araw, dahil nga sobrang naming na miss ang isa't isa ay hindi namin sinayang ang oras para mag saya.
Naka uwi ako sa condo ng madaling araw hinatid ako ni Christian hanggang elevator, napakurap pa ako ng may naka sabay ako sa elevator na kamukang-kamuka ng nasa wallpaper ko. Pero guni-guni ko lang siguro 'yun dahil sa alak halos hindi ko na kilala ang nakasabay ko.
Naka suot siya ng specs na saktong-sakto ng nasa wallpaper ko, may dala siyang supot na sa palagay ko ay galing sa convenience store. Nag offer siya na tulungan ako lumabas sa elevator dahil pareho kami ng floor na bababaan pero umayaw ako.
"I can handle, don't worry."
Tinulungan niya akong buksan ng pinto dahil nawala pa ang susi ko sa pinto kaya pinahanap ko sa kanya sa loob ng bag ko, habang naka sandal ako sa gilid ng pinto na pumikit-pikit na nang bumukas ang pinto kaya pumasok ako at iniwan ang bag ko sa labas dahil si Christian lang naman 'yun, sumunod siguro siya sa akin.
"Miss, your bag!" sabi niya na agad kong sinarado ang pinto kaya hindi ko na narinig pa ang sumunod niyang sinabi.
Whatever.
Kinapa ko ang switch ng ilaw sa kwarto ko dahil wala akong flashlight, nang mahanap ko ay agad na humiga ako sa kama at naka tulog na parang walang nangyari.
Nagising ako at sa tunog ng doorbell sa labas kaya nag mamadali kong hinanap ang cellphone ko, pero hindi ko makita. Lumakad ako sa sala para hanapin ang bag dahil alam kong iniwan iyon ni Christian sa couch ko, pero pagdating ko doon ay wala akong nakitang bag kahit saang sulok ng gilid ay hindi ko makita.
Binuksan ko ang pintuan dahil sa pagka-alala ko ay naiwan ko siya sa labas bago ko sinarado ang pintuan, baka hindi siya naka pasok kagabi.
Pag bukas ko ng pinto ay naabutan ko ang malaking paper ba sa tapat ng pintuan ko, walang tao pero may nag doorbell. Naka harang ito sa pinto kaya dali-dali ko itong kinuha at sinarado ang pintuan at umupo.
Binuksan ko ang paper bag na brown at nakita ko nga ang mga gamit ko na naka lagay sa loob, napatingin ako sa naiwang maliit na papel na naiwan nang kinuha ko ang bag sa loob ng paper bag.
It was a small piece of paper and written there was, Hello Miss, please be minded with your things next time, and to yourself too. So you can't disturb other people while you're drunk.