Tumawa ako ng malakas pagkatapos kong mabasa ang naka sulat doon, may pa Miss pa ang baklang 'to!
Nag mamadali kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Christian pero pag tingin ko sa battery ay lowbat ito. Nag mamadali akong e charge iyon para maka tawag ako, habang hindi pa full ay naligo ako dahil amoy na akong alak dahil kagabi.
Sinuot ko ang roba bago ako lumabas sa banyo at kinuha ang cellphone ko na naka charge ngayon. Nag mamadali kong tinawagan si Christian habang nasa veranda ako hawak ang kape sa kamay.
"Hello, Chris! Anong oras ka na naka uwi kagabi? Bakit mo naman sa malaking paper bag mo nilagay ang bag ko, akala ko tuloy may bomba." tumawa ako.
Narinig ko ang pag hikab niya sa kabilang linya, ngayon lang siguro siya nagising dahil anong oras na siyang naka uwi pagkatapos niyang ihatid ako. "Anong sabi mo, girl?"
"Bakit mo nilagay ang bag ko sa malaking paper bag may pa letter ka pa!" sabi ko habang naka ngiti dahil naalala ang nabasa kong sulat niya na iniwan sa ilalim ng paper bag.
"Hindi ko alam, umuwi na din ako pagkatapos kitang ihatid sa elevator, sige na nga matutulog pa ako, sabihan mo nalang ako kapag gusto mo ng kausap."
Iyon ang sinabi niya bago pinatay ang tawag. Umiling ako dahil alam kong hindi niya naman aaminin na ginawa niya iyon kagabi, sino pa bang gagawa nun kundi siya lang naman ang nag hatid sa akin kagabi. Si Chris ay half man, half woman kaya alam kong may side siyang maalaga pero hindi niya iyon minsan pinakita dahil nahihiya siya.
Bumaba ako sa convenience store para bumili ng lulutuin kong pagkain dahil tanging isang cabbage lang ang laman ng ref ko dahil hindi pa ako nakabili ng mga stocks.
Nang hapon ay nag punta ako sa mall para bumili ng mga stock para sa pagkain ko dahil ako lang naman ang mag isa dito sa condo, mas gusto ko nga na ako lang mag isa dahil ma kakalaya ako sa sarili kung ako lang hindi tulad ng nasa bahay ako na palaging si papa lang ang masusunod. Ang alam ni papa ay sa paaralan at sa unit lang ang punta ko ngunit hindi niya alam na salungat iyon sa akala niya.
"Ano pupunta ka ba?" tanong ko kay Mikka sa kabilang linya nang tumawag siya. Hindi ko sasayangin oras na natira bago ang pasukan dahil ano namang gagawin ko dito sa loob.
"I will, babe." maiksi niyang sagot.
Sinundo ako ni Shane para pumunta sa bar. Siya ang tagasundo sa akin tuwing libre ko dahil medyo malapit lang siya sa tinitirahan ko kaya mas madali lang siyang pumunta dito. Habang naka upo sa couch kung saan may hawak na cocktail sa kaliwang kamay ay tumabi sa akin si Bea na kanina ay nakita ko siyang may kasamang lalaki, isa siya sa mga kaklase ko sa isang subject pero madalas kaming magkita kapag andito kami sa loob ng Bar.
"Hi Venice!" tumabi siya sa akin at kumuha ng inumin na nasa lamesa.
Ngumiti ako sa kanya at tinaas ang baso bago ko siya sinagot. "Hello Bea, how are you it's been a months."
"Ayos pa rin, ikaw kailan ka bumalik?"
"Yesterday lang." umusog ako ng upo nang tumabi sa kanya ang lalaki na ngayon ay hinahalikan ang leeg niya. "Wow, New boy?" I raised my brows.
"Nope. Excuse us," tumayo siya at kinuha ang kamay ng lalaki bago ilagay sa bewang niya kaya napatingin ako doon.
Hindi na bago sa akin ang mga ganitong pangyayari, dahil ilang beses na akong nakakakita ng mga taong nag hahalikan sa harapan ko na halos mag huhubad na kapag andito ako. Well, iba ako sa kanila dahil pumipili ako ng lalaking may mukha katulad nalang ng nasa wallpaper ko na matangkad, matangos ang ilong, mapupulang labi, at higit sa lahat ay marunong kumanta at mag gitara.
Ayokong ibigay ang sarili sa taong katawan lang ang habol nila sa akin ngunit hindi naman sila kagwapohan. Halos ang naka salubong ko dito sa loob ng bar ay may pares ngunit paano ako maiingit kung ang dinala nilang pares ay walang mukha, ikakama na nga nila mukha pang walang ligo ang itsura.
Well, I'm not surprised. Ayos lang sa kanila na kahit sino basta dadalhin sila sa langit. May mga lalaki na rin na lumalapit sa akin pero inayawan ko dahil hindi nila naabot ang standard ko, paano naman ang beauty ko kung katawan lang nila ang habol nila.
Umuwi ako ng mag alas dose ng hating gabi, hinatid lang din ako ni Chris sa lobby. Umupo ako doon para ayusin ang gamit ko bago nag paalam si Chris na umuwi na, pumasok ako sa loob ng elevator na nakipag agawan nang may nakasabay akong lalaki na pumasok din. I pressed the fifth floor dahil doon ang unit ko pero naunahan ako ng lalaki kaya sumimangot ako at hinarap siya.
"Are you a ghost? Bakit ka sumabay sa akin Chris at naging kamukha mo pa si Khaliel," itinuro ko siya.
Pangalawang beses ko na itong naranasan na makasabay ang kamukha ni Khaliel na lalaki, pero ngayon ay alam kong hindi siya si Christian dahil nakita ko siyang lumabas na para umuwi.
Nakita ko ang pag taas niya ng kilay bago siya ngumisi at hinarap ako. This is not Chris. Nahihilo na ako.
"I'm a ghost, Miss." he said smirking.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at pinakita sa kanya ang wallpaper ko bago ipakita sa kanya iyon. "Look. You two are really look a like." pinilit kong imulat ang mata ko dahil halos pumipikit na ito.
I heard him chuckled before he act as if he got cold. "Hindi ka ba napapagod uuwi ng lasing?"
Hindi niya ako nilingon nang mag bukas ang pinto bago siya lumabas at iniwan ako doon. Sumunod ako sa kanya sa labas hinanap ang number ng unit ko, narinig ko pa ang mahina niyang tawa bago niya isara ang pinto. Nang umilaw ang loob ng kwarto ay agad na hinubad ko ang sapatos na suot ko at tinapon sa sahig bago ako humiga.
Nagising ako na sumasakit ang ulo ko kaya nag mamadali akong pumasok sa kwarto dahil naduduwal ako. Tumingin ako sa salamin pagkatapos kong sumuka, napansin ko ang pulang marka sa noo ko kaya tiningnan ko iyon ng malapitan. Medyo masakit ang banda na iyon at medyo bumukol kaya kumuha ako ng cold compress dahil baka nabangga ako kagabi na hindi ko na naalala.
Nakahiga ako sa kama ko nang may biglang pumasok na kataga sa aking utak dahilan para matulala ako. Hindi ba ako napapagod na malasing. Hindi ako mapapagod na umuwi akong lasing dahil ginusto ko iyon at kung mapagod man ako ay hindi na ako mag re-reklamo, dahil sino naman ang sasandalan ko kundi ako lang naman din.
Hindi ko maalala kung panaginip ba 'yung mga katagang naalala ko, pero basta nalang silang pumasok sa isip ko kinaumagahan.
'Yung tatay ko na sarili lang niya ang iniisip hindi ko nga makaka usap kapag andun ako sa bahay, lalo na kung malayo ako sa kanya. Iniisip ko ang bagay na pinagdaan ko na nakatira dito ng halos tatlong taon mag isa ay hindi ko mapigilan na maluha, na naisip ko kung ano kaya ang pakiramdam ng may nanay na gigising sa'yo kapag na late ka ng gising.
Hindi ko naman pwedeng mapagod sa harap ng mga kaibigan ko dahil may sariling buhay din sila, alam kong pwede kong gawin iyon pero hindi ba nakakaabala na 'yun. Si Mikka may dalawa siyang kapatid na pina-paaral kaya nag ta-trabaho siya tuwing hapon dahil may sakit na ang tatay niya. Ayaw naman niyang tumanggap ng pera na galing sa akin dahil nahihiya siya kaya hindi ko na kinulit, si Chris na busy sa pang lalaki niya na palaging may kwenekwento kapag naka hanap siya ng ka fling. Si Shane na sobrang close ko ay palagi din na may lakad kaya hindi ko na kinulit kapag sinabi niyang may pupuntahan siya palagi.
I sometimes feel left out, walang kaibigan pero naintindihan ko naman dahil may sarili din kaming buhay. Buti nalang at pinapayagan ako ni Mikka na pumunta sa bahay nila minsan kapag wala siyang trabaho at nag babantay lang sa mga kapatid, kaya minsan hindi siya pumapayag na sumama kapag gagala ako na isasama ko siya na kapag busy ang dalawa kong kaibigan.
Nang huwebes ay pumunta ako ng salon para magpa kulay ng buhok, dapat new school year new hair color. I dyed it into the chocolate brown dahil iyon lang pwede sa loob ng unibersidad kaya wala akong magagawa.
Nang mag simula na ang pasukan ay maaga akong gumising para pumasok sunuot ko ang uniform ng university na pinapasukan ko. Dumaan ako sa cafeteria para bumili ng kape para maging magising ang diwa ko dahil alam kong aantukin na naman ako sa lesson na hindi ko gusto.
"Wow! Ang ganda naman ng beshy ko!" Sigaw ni Chris ng makapasok ako sa loob ng classroom kaya agad akong naupo sa tabi niya.
"Of course! Dapat new color new era tayo nito." I flip my brown wavy hair.
"Wow naks! Ganda! Pwede ka na talagang mag endorse ng shampoo sa ganda ng kulot ng buhok mo."
"Sinabi mo pa." tanging sagot ko sa kanya bago ko ibigay ang isang kape sa kanya.
Kakasimula pa lang ng klase ay inaantok na agad ako dahil ang matandang-dalaga na naman ang unang subject, hindi ko namalayan na natapos na pala ang oras niya nang tinapik ako ni Chris kaya umayos ako ng upo bago nag paalam ang guro sa amin.
"Hello Venice, nagtatanong ang papa mo kung kumusta ka." boses ni Auntie ang narinig ko nang sagutin ang tumawag na number sa Cellphone ko.
"I'm okay, Auntie. Kakauwi ko lang galing sa klase kaya hindi ko nasagot 'yung tawag mo kanina. Pakisabi nalang kay papa na okay ako dito."
Mabilis kong pinatay ang tawag pagkatapos kong sagutin ang tanong niya dahil alam kong wala na naman kasunod nun kundi papatayin niya ang tawag pagkatapos kong sumagot, kaya inunahan ko na.
"Happy birthday, Babe!" Mikka greated me.
It's September 23 at kaarawan ko pala ngayon pero hindi ko man lang naalala dahil sa routine ko sa nakaraang buwan. Nag doorbell si Mikka sa condo ko alas-sais pa ng umaga kaya pag bukas ko ay naabutan ko siyang may hawak na cake sa kamay. Shane and Chris are not here, of course si Mikka lang talaga ang naka alala ng birthday ko, kahit nga ako ay hindi ko naalala.
"Thank you so much, Babe. Buti ka pa naalala ang birthday ko kahit ako ay nakalimutan ko na ngayon pala 'yon."
"Of course, Babe kahapon ko pa 'to pinlano kaya paanong makalimutan ko."
Pinagluto niya ako ng sinigang dahil iyon ang gusto kong lutuin niya sa akin tuwing birthday ko, gusto kong sa loob ng condo ko lang mag celebrate dahil birthday lang naman kaya tinawagan ko si Shane at Chris para pumunta pero tanging si Chris lang ang naka punta dahil may gagawin daw si Shane, binati niya lang ako kaya inintindi ko nalang.
"Whooooaaahhh... We're so excited na!!!" nag sigawan ang nasa loob ng campus para makita ang surprised band na inimbita nila para sa School Fair dito sa loob ng campus.
Nakatayo kami sa harapan ng stage at walang alam kung sino ang kakanta, matapos sabihin ng emcee ang pangalan ng banda ay agad na kumabog ang puso ko sa kaba dahil sa wakas ito ang unang beses na maririnig ko sila ng live.
"Let's all welcome, for the very first time, ECLIPSE!"
Halos maubusan ako ng hininga nang lumabas galing sa back stage ang myembro isa isa dahilan para tumili ako. They are all looking so good, I can finally see him performing in front of me.
Tumingin ako sa huling lumabas sa pintuan at nakita ko doon ang laman ng nasa wallpaper ko, tinitigan ko siya habang dala ang electric guitar na bitbit niya bago siya tumingin sa mga tao na nag sisigawan. Hinanap ko ang mga mata niya na tumitingin siya sa akin, ngunit ilang minuto pa ay nag simula na ang pag tunog ng gitara bago napunta sa akin ang mata niya.
Hindi lang pala sa mga pictures siya pogi kahit sa personal ay hindi ko akalain na ganito kaganda ang mukha ng lalaking kaharap ko, ang lalaking naging kinaka-usap ko at sinasabihan ng good morning tuwing gumigising ako ay ngayon ay naka tingin sa mga mata ko.