The 6ft tall man, tan skin, wearing black short sleeve shirt paired with apricot trouser pants, is now looking at me intently.
Halos lumabas ang puso ko nang mag tama ang mga mata namin bago siya umiwas ng tingin, kahit hindi man siya ngumiti gaya ng na-e-imagine ko pero kahit hindi 'yun nangyari at least makita niya ako.
Nag karoon ng kulay ang mukha niya nang tumama ang ilang pulang ilaw sa kanya, kasabay noon ay ang pag tingin niya sa mga taong sumigaw dahilan para lumabas ang malaki niyang ngiti. Lumiwanag ang mukha niya kasabay ang pag patunog ng gitara niya kasabay ng ibang myembro. Hindi nawala ang mga mata ko sa kanya dahil sa lakas ng karisma kasabay ang pag talon niya at pag kalabit ng gitara.
"Oh, kay gandang pagmasdan,
ang iyong mga mata" panimula ng isang vocalist."Kumikinang-kinang 'Di ko maintindihan"
Nakisabay kami sa kantahan nila, hindi ako masyadong pamilyar ang lyrics pero alam ko na ang tuno dahil sa dami ba naman ng kanta nila na pina kinggan ko.
Hinanap ko ang maayos na anggulo para makunan siya ng pictures habang nag gitara, ang sarap niyang panoorin habang nakisabay sa kanta. Wala pa siyang linya kaya hindi pa siya kumanta at tanging nag second voice lang siya at ang isang myembro.
"Tumingin ka sa 'king mga mata, at hindi mo na kailangan pang magtanong nang paulit-ulit, Ikaw lang ang iniibig." He sang.
Halos lumabas ang mga paru-paro sa tiyan ko nang marinig ko ang malamig niyang boses, hindi ko inalis ang tingin sa kanya at patuloy lang na ngumiti habang nakikinig.
Hindi lang mukha ang meron siya ngunit pati boses ay maganda din, kung sa cellphone ay maganda ang boses niya pero mas maganda din kapag sa live siya kumakanta.
"At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka hawakan ang puso't maniwala na ikaw lang ang s'yang inibig, Ikaw lang ang iibigin."
"Ang gwapo, putangina!" sigaw ni Chris sa likod ko.
Humarap ako sa kanya para inirapan siya dahil alam kong type niya na naman ito, pero hindi pwede dahil sa akin lang siya dapat. "Tumahimik ka, mag hanap ka ng iba basta 'wag lang si Khaliel okay?"
Tumawa siya, "Ano 'yan property mo ba, pwede namang mag share tayo niyan 'diba."
"I said hindi pwede kaya hindi pwede. Bawal siya sa iba dahil sa akin lang dapat siya."
Narinig ko ang pag tawa ni Chris bago sumiksik si Mikka para tumabi siya sa amin, inakbayan ko siya habang pinanood namin ang banda na kumakanta.
"Mahal ka na daw ni Venice!" sigaw ni Chris.
"Ano? Crush mo na agad?" nagtaka na tanong ni Mikka sa akin at hinawakan niya sa bewang ko.
"Matagal na, 'diba for inspiration purposes only." ngumiti ako bago binalik ang mata ko sa kanya.
"Sa'n dyan?"
"Si Khaliel 'yung nasa gilid 'yung electric guitar andun." tinuro ko ang pwesto niya.
"Pogi nga!" tumawa siya bago sumabay sa kanta.
"Iibigin kita kahit ga'no pa katagal... tumingin ka sa 'king mga mata at hindi mo na kailangan pang magtanong nang paulit-ulit ikaw lang ang iniibig"
"At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka hawakan ang puso't maniwala na ikaw lang ang s'yang inibig ikaw lang ang iibigin"
Nag patuloy ako sa pag kanta hanggang sa natapos sila at ibang performer naman ang kumanta. Nakita ko siyang bumaba ng stage pagkatapos kaya lumapit ako kasabay ang pag lapit ng mga tao sa kanya, siniksik ko ang sarili ko para makita siya ng harapan.
Ang babae sa harap ko ay nagalit ng maipit siya dahil sa dami ng tao, iniwan ko nga 'yung mga kaibigan ko dahil gusto ko siyang makita ng malapit. Nang makalapit ako ay halos isang metro lang ang layo namin bago ko kinuha ang ballpen ko sa bag para iabot sa kanya at kumuha ng perma niya. Hindi ko na alam kong kailan ko ulit siya makikita, basta maka hingi lang ako sa kanya ng litrato ay sapat na 'yun.
"Hi Khaliel!" I said and waved.
Tumama ang tingin niya sa aking mga mata, ang itim niyang mata na natamaan ng pulang ilaw ay lumiwanag at ang mapupula niyang labi ay umawang kasabay ang pag kunot ng kilay niya.
Bakit niya naman ako titingnan ng ganyan, para naman siyang nakakita ng multo para hindi siya gumalaw na makita ako.
"Can you give me your autograph here?" I pointed the back of my t-shirt.
Bahagya siyang ngumiti sa akin bago inabot ang ballpen sa kamay ko kaya tumalikod ako sa kanya. May mga tao din na nag aabot sa kanya pero shempre ayokong sila mauna dahil naiipit ako kakasingit dito tapos sila lang ang uunahin.
"Tapos na." sabi niya bago sumeryoso ulit ang mukha at inabot sa akin ang ballpen.
Ang pogi niya lalo kapag seryoso, mas challenging kapag masungit si crush.
"Can we take a photo together?" tanong ko habang nakangiti bago ko hinarap ang camera sa kanya kahit na hindi naman siya sumagot at pinag mamasdan niya lang ako.
Tinaas ko ang cellphone ko bago ko pindutin ang camera, pero pagkatapos kong pindutin ay pumunta agad siya sa isang tao kaya blurd ang kinalabasan.
Okay na 'yun basta may picture na kami together!
"Omg may picture na kami ni crush?" masaya kong sabi.
Tumili ako bago humarap sa kaibigan ko nang mag kita kami.
Lumiwanag ang mukha ni Chris bago ko pinakita ang picture namin kanina kahit blurd siya dahil isang picture lang naman ang nakuha ko. "Where? Bakit blurd naman girl?" nakangiti niyang sabi bago siya tumawa ng malakas.
Tiningnan ko ulit ang litrato at agad kumunot ang noo ko dahil sa inis, bakit sa iba mabait siya tapos sa akin hindi. Anyway, bahala na basta may kuha na ako kahit blurd basta alam ko siya 'yun. At isa pa may autograph na ako kaya pwede na kahit hindi ko na labhan ang damit ko dahil ballpen lang naman ang gamit baka ma bura pa.
"Tara uwi na tayo?" tanong ni Chris matapos kong ilagay ang cellphone sa bag.
"Ano? Mamaya pa hindi pa tapos uuwi na agad." sabi ko tsaka lumipat sa pwesto ni Mikka. "Ikaw gusto mo na bang umuwi?"
Agad siyang umiling bago siya humawak sa bewang ko. "Mamaya pa kung uuwi na kayo."
Sa condo ko matutulog si Mikka dahil maaga siyang papasok bukas, kung uuwi siya ay ma la-late na siya dahil malayo pa sa kanila.
"Hoy ayan na lumabas na ulit 'yung crush mo, tingnan mo!" sigaw ni Chris habang tinatanaw niya ang bandang kakalabas mula sa backstage.
"Omg! Halika na lalapit tayo!"
Sumiksik ulit kami sa mga tao habang hawak ko ang kamay ni Mikka.
"Hello guys, we are Eclipse and we would like to thank the school for inviting us here, I hope you guys have fun while watching us!"
Sabi ng isang myembro pagkatapos nilang kumaway sa mga tao. Sumunod na kumaway si Khaliel habang ngumiti sa maraming tao bago siya nag salita na agad parang mabingi ako dahil sa lakas ng sigaw ng mga tao sa paligid.
"Hello! Nag enjoy ba kayo? Well I hope you did. Anyway, may concert po kami this December five and for tickets kindly check our official social media accounts for more details, just go to Eclipse official. Thank you po!"
Malaki niyang ngiti habang sinasabi bago siya kumaway dahil sa lakas ng sigaw ng mga tao. Nakangiti lang ako sa malapit sa stage kung saan na papalibutan ako ng mga tao habang nakatingin sa lalaking kumakaway sa stage.
Ang ganda ng boses niya kapag nag sasalita, may girlfriend na kaya siya o sekreto lang ba ang girlfriend niya dahil kung wala pa ay mag a-apply ako kung pwede.
Hindi ko naman nakita sa mga socials niya na may girlfriend na siya, kaya baka pwede akong mag apply.
Ano kaya ang requirements?
Gusto kong pumunta ng concert nila, gusto ko ulit siyang makitang kumakanta siya sa harapan ko. Sa dami ng kaagaw ko sa kaniya ay kailangan kahit makilala man niya ako ay sapat na 'yun.
"Tara na nga!" hinatak ako ni Chris palayo sa stage bago niya ako binitawan. "Ano naman ang naiisip mo?" lumaki ang mata niya habang naka hawak sa bewang.
"Gusto kong pumunta ng concert. Pabili naman ng ticket oh." hinawakan ko ang kamay niya.
"Hoy! Ikaw nga 'yung may pera bakit siya ang pa bibilihin mo?" tumawa si Mikka na naka kapit sa braso ko.
"Hoy! Naubos na nga nung lumabas tayo, ikaw naman Chris dahil mayaman ka din naman."
Humarap ako sa kanya bago ako ngumiti sa kanya.
"Sa susunod na kapag may nag bibigay na." bahagyang tumaas ang isang kilay niya. "Ang kuripot mo talaga, Venice tara na nga!" Lumaki ang mata niya bago kami hatakin ni Mikka para maka labas sa mga tao.
Huminto si Mikka nang makalabas na kami ng school bago siya nag salita. "Ano sa'n tayo pupunta?" pinag krus niya ang braso niya.
"Edi uuwi na ano pa ba." Chris said.
"Okay uuwi na kung uuwi." hinatak ko si Mikka, "Tara na nga!"
Nag lakad lang kami sa daan dahil madami namang mga tao, hindi lang kalayuan ang condo ko kaya hindi nalang siguro kami sasakay para naman ma pagod 'tong si Chris.
"Thank you, Chris." sabi ko nang makarating kami sa tapat ng building.
Hinawakan ko ang kamay ni Mikka bago ko siya hinatak papunta sa elevator.
"Alam mo ba tuwing umuuwi ako dito nang madaling araw, dito sa elevator nakikita ko palagi si Khaliel na kasama ko. Nakausap ko nga eh."
Nag share ako sa kanya habang nasa loob kami ng elevator papunta sa unit ko, ayokong itago ang nangyayari kapag umuuwi ako nang lasing at nakikita ko si Khaliel na kasama ko.
"Hala malala ka na, sino kaya 'yun baka naman may ghost dito sa building ha, uuwi nalang ako." pabiro niyang sabi.
Hinarap niya ako bago niya hinawakan ang damit ko at sabay kaming lumabas ng elevator. "Takot ka talaga?"
"Uhmm yes, pero hindi masyado." sabi niya na kaagad tumawa.
Tabi kaming natulog dalawa at maaga lang siyang gumising dahil may trabaho siya ng alas otso, wala naman kaming pasok bukas kaya naisip ko na pumunta sa pinag ta-trabahoan niya para bumisita.
"Good morning, Venice!" malakas na sigaw ni Shane mula sa kabilang linya.
"Yeah, good morning bakit ka naman na patawag, kakaalis lang ni Mikka para sa work."
"Gusto ko kasing pumunta ng salon samahan mo ako please..." pag pumilit niya.
"Sige lalabas din naman ako dahil pupuntahan ko si Mikka sa trabaho niya, wala akong magawa dito sa loob din eh."
"Thank you, mhua!" sabi niya bago pinatay ang tawag.
Nag bihis ako nang faded trouser at green crop top bago ko tinali ang buhok ko dahil medyo mainit sa din labas.
Alas dyes na ako nakalabas, naabutan ko si Shane sa lobby hinihintay ako bago ko siya niyakap. "I miss you..."
"I miss you too." sagot niya.
"Ano saan tayo?"
"Dun sa pinakulayan mo, mukhang maganda naman 'yung pag kulay samahan mo 'ko."
Sinamahan ko siya dun sa salon na pinuntahan ko, dumating kami doon ng 10:30 bago kami pumasok. Binati pa ako ng baklang nag ta-trabaho doon dahil buti daw naka recruit ako kaya natuwa siya.
"Wow! Ang ganda naman ng Shaning namin!' sigaw ko ng humarap siya matapos mag ma kulayan ang buhok niya.
She dyed her hair into a blue one, bagay naman sa kanya at pinutolan din niya ito hanggang sa balikat kaya maiksi na tingnan.
"Sure ka ba? Parang hindi bagay 'yung kulay."
"Bagay nga,"
Matapos siyang mag bayad ay pumunta kaagad kami kay Mikka, pero ako nalang ang naiwan dahil umalis kaagad siya at may lakad daw siya kaya pinabayaan ko nalang din. Umupo ako sa bakanteng upuan, sa isang coffee shop si Mikka nag ta-trabaho at mukhang matatapos na din naman siya mamayang alas dose kaya hihintayin ko nalang.
Kapag weekend ay umaga ang trabaho niya at kapag weekdays ay hapon dahil may pasok kami sa umaga. "Ano tapos na?" suminyas ako sa kanya nang lumabas siya.
"Baka nagugutom ka na, tara libre kita dahil sahod ko." ngumiti siya sa akin nang makalapit na siya.
Agad akong pumayag sa kanya dahil nagugutom na din nga ako, nag order lang ako kanina ng kape para hindi ako antukin kahit na tanghali.
Nang maka uwi ako sa unit ay naligo kaagad ako, dahil masyadong mainit galing sa labas bago ako nag suot ng malaking T-shirt.
Umuwi na si Mikka matapos kaming kumain sa labas, bumili pa siya ng gamot ng tatay niya bago siya nag paalam.
Lumabas ako sa veranda para mag pahangin, tinanaw ko ang mga sasakyan sa labas bago ko sinandal ang kamay ko sa railings at tumingin sa kabilang veranda.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang din 'yun pero nakita ko ang pag pasok ng lalaki galing sa kabilang veranda, at hindi ako pwedeng mag kamali dahil parehong-pareho sila ng likuran ni Khaliel.