Malakas na tumunog ang cellphone ko kaya nagising ako dahil doon. Kinusot ko ang mga mata ko bago inabot ang bag na nasa gilid ng kama. Umupo ako habang ang katawan ko ay tanging kumot lang ang nakatabon dito. Tiningnan ko ang cellphone ko na number lang ang nakalagay at hindi ito rehistrado sa akin. Hindi ko na dapat sasagutin pero napindot iyon ng kamay ko kaya wala akong nagawa.
"Good morning!"
Malakas na bati ng boses na lalaki na hindi ko kilala, agad akong humawak sa ulo ko dahil sa sakit na naramdaman, nahihilo pa ako at gusto ko pang matulog. "Hello, who's this?"
"Hi Venice, this is Ryan."
Ryan? Ilang beses kong inaalala ang pangalan na 'yun kung saan ko nakilala at nang maalala ko iyon ay agad kong pinatay ang tawag, binalik ko ang cellphone sa gilid ng kama at bumalik sa pagka higa.
How did he know my real name, ibang pangalan ang binigay ko sa kanya kagabi.
At saan na naman niya nakuha 'yung number ko, at talagang interested siya sa akin dahil kinuha niya talaga 'yung number ko. Kainis.
Nakatulog ako at nang magising ako nang alas dos ng tanghali ay kaagad akong nag bihis bago ako lumabas para mag luto. Kumukulo na 'yung tiyan ko dahil sa gutom na naramdaman, pinaparusahan ko na yata 'yung sarili ko dahil sa pag lalasing ko kagabi.
Habang kumakain ako ay binuksan ko ang TV para manood ng kung anu-ano. Lumabas doon ang isang interview ng bandang Eclipse, pinanood ko iyon at nakinig lang habang kumakain.
Nag tanong-tanong ang host ng kung anu-ano tungkol sa buhay nila at sa kanta, naka titig lang ako sa kanya habang sumagot siya sa tanong tungkol sa kanya nila. Naka ngiti na humarap siya sa babaeng host, ang maamo niyang mukha ay muli kong nakita.
"May tanong na pipiliin namin at isa sa inyo ang pwedeng sumagot, maliwanag na?" The host said.
Umayos siya ng upo at tumango sa host kasabay ang pag bulong ng kasama niya sa kanya kaya ngumiti siya.
"Ito galing sa isang fan, yes or no would you date a fan? Sinong sasagot nito?" she said.
Agad na tinuro ng isang myembro si Khaliel kaya gulat ang kanyang itsura bago binalik ang tingin sa host. "Ako na po." tinaas niya ang kamay niya bago mahinang tumawa.
"Date a fan... pwede naman! Gusto ko nga ding subukan." he chuckled.
Para akong nilipad sa ere nang marinig ko 'yun, pwede daw so pwede ko ba siyang yayain mag date.
"So your answer is yes?" tanong ng isang host.
Tumango siya at ngumiti. "Yes."
Ang cute niya kapag ngumiti at kapag tumawa siya, parang lumabas na ang puso ko dahil sa over kilig na naramdaman ko dahil sa kanya.
Bumunot ulit ang host ng question bago niya binasa iyon. "So second question, this is for you again, Khaliel. Since papayag ka na maki pag date ng isang fan, may someone ka na ba o fan na nakilala mo, na mapapasabi kang gusto mo siya."
Hinampas ng isang myembro si Khaliel sa balikat bago sila nag tawanan, hawak niya ang microphone bago iyon dinala palapit sa bibig niya para sumagot. "There is... someone or should I say... uh parang maganda siya physically pero hindi ko din siya masyadong kilala dahil minsan ko lang din makita." tumawa siya. "Hindi ko din masasabing gusto ko siya pero I'm very attracted to her parang ganun po."
Nag tawanan sila kaya natawa ang babaeng host. Natigil ako sa pagkain dahil sa narinig ko, matutuwa na sana ako pero nang marinig kong may nakita na siyang type niya parang gusto ko nalang bawiin ang kilig na nararamdaman ko.
"Sino ang madalas ma late?" tanong ng host.
Nag turuan sila kaya natawa sila pareho, si Jeff ay tinuro ng isang kasama nila habang siya ay tinuro si Rey na natatawa.
"Sino ang ayaw na ayaw mag pahawak sa kanilang buhok?"
Agad na tinuro ng apat na members si Khaliel na nasa gitna kaya wala siyang takas pa. "Siya po talaga 'yan!" sabi ng isang member bago natawa.
"Kasi po, ayoko po na gumulo 'yung buhok ko," humawak siya sa buhok niya.
Nag tawanan ang ibang myembro bago siya hinampas ng isang kasama nito. I'll take note of that, Khaliel. Hinding-hindi ko hahawakan ang buhok mo.
Kailangan ko na talagang pumunta sa concert nila para makita niya ulit ako, kailangan kong mag papansin sa kanya para ma pansin niya ako baka sa akin naman siya ma attract.
Matapos kong hugasan ang mga pinag kainan ko ay lumabas ako ng unit at pumunta sa baba para mag gym. Parang gusto kong mapagod ngayon dahil sa hilo na naramdaman kagabi.
Nag suot ako ng sports bra at dolphin shorts, tinali ko din ang buhok ko bago ko kinuha ang tumbler ko at bumaba. Sinaksak ko ang airpods ko sa taenga bago ko pinatunog ang isa sa mga kanta nila.
Sumakay ako sa Treadmill, hininaan ko lang ang takbo niya para hindi ako masyadong madaling mapagod. Nakita ko ang iilang tao dito sa loob, may mga sampung tao lang dito kaya tahimik dahil nga alas tres lang at walang masyadong gumagamit ng gym.
Alas singko ako natapos kaya pumasok ako sa unit, hinanap ko ang mga notes ko matapos kong maligo para sa pinag handaang oral bukas. Tinawagan ko si Mikka dahil nawala ang files na sinaved ko sa folder kaya mag papasend ulit ako.
"Thank you, Babe!" sabi ko bago pinatay ang tawag.
Nag review ako kahit na halos walang pumasok sa utak ko, hindi naman ako matalino, sakto lang na hindi matalino hindi din bobo. Natapos ako alas sais y medya na ng hapon dahil sumasakit na 'yung mata ko kakatutok sa screen ng laptop.
Lumabas ako sa veranda at tumingin ulit sa kabilang veranda, kumapit ako sa railings at nag muni-muni sa nangyari noong una nung akala ko nakita ko si Khaliel pero paano naman siya titira dito. Nakita ko ang mga ilaw sa labas, ang tunog ng busina ng mga sasakyan at ang mga Christmas lights na nasa building.
Malapit na ang pasko, bukas ay December na at marami nang mga Christmas tree na naka display kahit saan.
Minsan kapag mag isa ako ay hindi ko mapigilan na maging emosyonal dahil sa pangungulila sa pamilya ko, gusto ko lang naman na mabigyan din nila ako ng oras kahit na kaunti lang. Kaya ayokong umuwi doon sa bahay dahil wala din naman akong makakausap kapag andun ako, mag isa lang ako sa kwarto dahil hindi makalalabas kung hindi tumatakas.
I rested my head on the railings habang tinitingnan ang mga sasakyan sa baba. Ilang minuto akong ganun ang posisyon bago ako tumayo dahil sa pag dampi ng malamig na hangin sa balat ko.
Kumain ulit ako at natulog ulit, niyakap ko ang sarili habang nag iisip nang kung anu-ano hanggang sa tuluyan akong makatulog. Nang marinig ko ang alarm ay kaagad akong bumangon kaya tumayo ako para mag luto.
Dumaan ulit ako sa cafeteria para bumili ng kape at magising ang diwa ko para sa oral mamaya. Pumasok ako suot ang uniforme dala ang kape sa kaliwang kamay habang nakita ko ang mga studyanteng grupo-grupo na nag lalakad sa loob ng campus.
Ngumiti ako bago pumunta sa room ko, naabutan ko na si Chris na naka upo na, in fairness maaga siya ngayon kaysa sa akin. "Good morning!" sigaw ko mula sa likuran niya kaya napa sigaw siya sa gulat.
"Hoy! Bruha ka talaga nakita mo namang nag re-review ako dito." tinuro niya ang mga papel na hawak niya.
Binigay ko sa kanya ang isang kape, bago ako umupo sa tabi niya at ininom ang kape bago kinuha ang reviewer niya. "Patingin, hindi ko pa nasaulo lahat dahil sumakit 'yung mata ko."
"Sus ikaw pa, kahit hindi ka naman mag review makakasagot ka naman." pag tawa niya bago humigop ng kape.
"Hmm? Kailan ako hindi nag review na naka sagot ako, kahit nga own opinion natin sa oral hindi pa perfect 'yung score eh, own opinion nga 'diba?"
"Kaya nga minsan naisip ko na bakit pa ako napadpad dito sa kursong 'to, ang hirap pala..."
Nakita ko ang pag lipat ng mata niya sa lalaking pumasok sa pintuan kaya tumingin din ako doon. "Ayan na 'yung mata mo madam," mahina kong sabi.
Gusto niya ang lalaking pumasok sa pinto, napansin ko ang pag sunod ng tingin ni Chris dito nang pinagpag ng lalaki ang upuan niya bago tumingin sa amin. "Hello, Good morning." ngumiti siya sa amin.
"Good morning," sagot ni Chris na kaagad ngumiti at umiwas ng tingin bago siya tumingin sa akin.
Kinagat niya ang labi niya at kumindat sa akin kaya hinampas ko siya dahil doon para matauhan siya. "'Di ka type niyan." bulong ko.
"Okay lang, basta kilala niya ako sapat na 'yun, love from a far nalang ang peg!" sabi niya sa akin bago ako binigyan ng thumbs up.
I do understand why people often loving from afar, mahirap sabihin na gusto mo 'yung tao kahit na hindi ko pa 'yun naranasan na maging patay na patay sa isang tao, ay alam ko ang pakiramdam na nagtatago ng nararamdaman. Dahil ako sapat na din sa akin na mahalin ko ang pamilya ko kahit malayo kami sa isa't isa at kahit hindi ko sabihin 'yung nararamdaman ko sa kanila.
Mag-kaiba man kami ni Chris ng minahal pero pareho lang 'yung gustong sabihin ng mga puso namin, kundi sana maramdaman din namin kung paano mahalin ng minamahal natin.
"Tagal mo naman, Mik lumamig na 'yung kape mo."
Binigay ko sa kanya ang kape nang maupo siya sa tabi ko, ngumiti siya sa akin bago inayos ang salamin na suot niya at tinali ang basa niyang buhok.
"Sorry, na traffic lang nag review na ba kayo?" pag iba niya ng topic.
Tinaas ko ang reviewer na kinuha ko kay Chris bago ko hinanap ang isang page. "Ito, pero hindi ko pa masyadong kabisado ang pangalan ng isang case na binigay ni sir."
Tumingin siya doon bago siya nag salita. "'Ah sige tatanungin kita para madali mong ma memorize."
Nang dumating ang professor ay kaagad akong umayos ng upo, kumabog ang dibdib ko dahil sa hindi handa kung ako ang tatawagin. Luckily, ibang studyante ang unang tinawag kaya nawala kaagad ang kaba ko nang tumayo na 'yung isang classmate ko.
Kakabahan ako kapag ako 'yung unang tinawag o kaya huling tatawagin dahil alam kong kapag ako ang una ay mas maraming tanong si sir, kumpara sa susunod dahil mawawalan na siya ng oras kapag sa second to the last na ako tatawagin.
"Sasama ka ba?" tanong ko kay Mikka nang maka labas kami ng gate.
Gusto ko siyang isama sa concert para naman may oras din siyang mag saya. "Hindi may trabaho ako niyan eh." sagot niya.
"Sige kami nalang ni Chris, ayaw din naman sumama ni Shane kaya kami nalang siguro."
Sinabihan ko siya na bigyan ko siya ng ticket para maka sama siya sa amin pero hindi siya sumama, si Shane naman hindi daw siya mahilig sa mga concert kaya ayaw niya.
Nag hanap ako ng damit na masusuot para bukas, ang kama ko ay napuno na nang mga damit na pinag pipilian ko pero wala talaga akong mapili. Kailangan kong maging maganda doon dahil first ever concert nila na pupunta ako at kailangan akong makita ni Khaliel na maganda doon.
Napili ko nalang ang white skirt with a belt and top with black infinity tube knitted crop top. Ang buhok ko ay hinayaan ko lang mahulog ang mga kulot sa likod ko. Tinawagan ko si Chris na pumunta dito para sabay kami na pumunta doon, kinuha ko ang bag ko bago ako lumabas ng kwarto nang marinig ko ang ang doorbell sa labas.
"Wow pak na pak ka ngayon ah?!" tumaas ang kilay niya nang makita ang itsura ko.
Nag lagay ako ng make up na bumagay lang sa suot kong outfit. Pumasok si Chris sa sala bago siya umupo sa couch.
"Tara na." sabi ko sa kanya bago kami lumabas ng condo ko.
Nang makarating kami sa venue ay halos lahat ng tao ay maganda ang outfit, may dala silang mga maliliit na banner sa kamay, pictures at iba pa. Hindi ko man lang naisip na mag dala din ng kagaya ng sa kanila dahil pumunta lang talaga ako dito para makita siya ulit at marinig.
Nang nag simula na kaming pumasok sa loob ay kinalabit ako ng isang babae na mag hawak ng headband sa kamay. "Hi! Sa inyo na 'to oh, tag isa kayo."
"Wow, thank you po." kinuha ko iyon at tiningnan ang litrato na naka lagay doon.
Ngumiti siya sa akin bago kay Chris, "You're welcome."
Isa iyong handmade headband, printed pictures nila ang nakalagay sa taas ng headband. Sinuot ko ang isa na may mukha ni Khaliel, binigay ko naman kay Chris ang isa na may mukha ni Jeff, 'yung isang member.
Tiningnan niya ang headband bago niya sinuot sa ulo niya at sinabing, "Gwapo naman nito."
"Pero mas gwapo 'to?" turo ko sa headband na suot ko.