Naka VIP seats kami kaya nasa unahan kami para kita talaga sila ng malapitan. Hindi pa nag simula at tanging speaker lang ang kumakanta na sinabayan naman ng mga tao. Halos puno na ang paligid, kaunti nalang ay mag sisimula na at patuloy pa rin ang pag pasok ng mga tao sa entrance.
"Baka pag uwi mo mamaya managinip ka naman ulit!" sabi niya sa akin habang tumingin sa stages.
"Hindi na talaga ako mananaginip dahil totoo na talaga 'to, hindi na panaginip. Okay lang ba 'yung itsura ko?" tanong ko sa kanya at inayos ang buhok na humarap sa kanya.
"Si Khaliel lang talaga ang pinunta mo dito no? Maganda ka na sis kahit lasing ka pa maganda ka na talaga!"
Ngumiti ako sa kanya at tumingin ulit sa stages nang mapansin na nag simula nang lumabas na ang timer sa screen, at hudyat na 'yon na mag sisimula na.
Nag sigawan na ang mga tao sa paligid na sinabayan ang bilang ng oras sa malaking screen.
"3! 2! 1!" sumabay ako sa counting bago tumunog ang drum na kasabay ang pag bukas ng kurtina na siyang dahilan para lumakas ang sigaw ng paligid ko.
"Omg! Ayan na sila!" humawak ako sa braso ni Chris dahil sa excitement na makita sila. "Ah!!..." sigaw ko.
"Good evening, ladies and gentlemen!" sigaw ng leader nila na naka ngiti habang katabi niya ang dalawang myembro kasama si Khaliel doon.
Malaki ang ngiti ni Khaliel na may hawak na gitara, naka suot siya ng white knitted polo at kargo pants. Medyo malapit lang kami sa kanila, nasa ikalawang row lang kami sa gilid pero kita ko lang sila sa harapan ko kahit hindi na ako tumingin sa malaking screen.
"Gusto niyo ba ng kantahan?!" ulit nito.
"Yes!" sigaw ko kasama ng mga tao.
"Hindi, si Khaliel daw 'yung gusto ng kasama ko!" sumigaw si Chris kaya napalingon din ang mga tao sa katabi ko.
Hindi ko siya pinansin at binalik ang tingin sa harapan kung saan pumwesto na sila para kumanta. Pinanood ko siyang ayusin ang microphone niya habang may naka sabit na gitara sa kanya.
"Binibini, alam mo ba kung pano nahulog sayo. Naramdaman lang bigla ng puso, aking sinta ikaw lang nag paramdam nito," Jeff sang.
Sumabay ako sa kanya kahit hindi ko pa masyadong kabisado, ang pag kalabit niya ng gitara at pag talon ay siyang gusto kong masilayan kaya kinuha ko ang cellphone ko at hinarap sa kanya ang camera.
Gusto kitang makausap, gusto kitang makausap ng matagal, Khaliel.
Ang gwapo mo.
Na kunan ko ng video ang pag talon niya kasabay ang pag kagat niya ng labi bago kumaway sa mga tao, hinanap ko ang mata niya na tumingin sa akin pero hindi niya ako nakita. Sino na naman ako para tingnan niya 'diba.
"Kaya sabihin mo sakin ang tumatakbo sa isip mo, Kung mahal mo na rin ba ako?!" He sang.
"Oh my god! I love you!" I scream because of too much butterflies that he was giving in my stomach because of his voice.
"I love you na agad, teh? Akala ko ba crush lang?" sabi ng katabi ko na nakatayo lang sa tabi ko."
"'No ba 'wag ka nang makialam, sumabay ka nalang."
Tinapat ko sa kanya ang camera habang kumakanta siya, ang makapal niyang kilay ay tumawa ng kumanta siya ng mataas. Damn, he's so attractive.
Kumaway ako sa kanya kahit na hindi siya tumingin sa akin pero ginawa ko pa din dahil nadala ako sa saya. I zoom the camera para mas kita ko siya lalo at kumaway ulit nang dumapo ang tingin niya sa pwesto namin at sakto na tumingin sa mga mata ko na nakangiti habang kumakanta.
Biglang bumalik ang kilig ko nang maramdaman ko ang lagkit ng titig niya sa akin, parang gusto ko nalang siyang iuwi sa bahay at papakantahin ko buong gani para maka tulog ako.
Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin habang kumakanta siya kasabay ang pag kalabit ng gitara niya, ngumiti ako sa kanya habang nakatingin lang ako sa kanyang mga mata bago siya umiwas nang matapos siyang kumanta. Is he really looking at me while singing?
"Grabe ang lagkit nun ha?!" hinampas ako ni Chris matapos kong tumili dahil sa tingin niya.
"Ganda ko no? Worth it ang pa outfit!" sabi ko sa kanya sabay ngumiti.
Nag patuloy sila sa pag kanta at sa bawat pag kanta nila ay hindi ko maalis ang tingin kay Khaliel. Sa bawat pag kalabit niya ng guitara ,at ang pag kanta ay agad na papasok sa isip ko na kaya sobrang inspired siya sa pag pe-perform dahil may taong gusto niyang sabihan ng mga katagang iyon.
I love seeing him laughing, smiling, or even him just being standing. Ang lakas ng appeal niya para hindi siya magustuhan ng mga tao, lalo na ako.
"Uwi na tayo?" tanong ni Chris na humihikab bago niya hinawakan ang braso ko.
Tapos na ang concert, fifteen songs ang kinanta nila sa loob ng dalawang oras na concert. Medyo masakit 'yung lalamunan ko sa kakasigaw, at masakit din 'yung paa ko dahil sa boots na suot ko na hanggang tuhod.
Sobrang saya ko na makita silang kumakanta sa harapan, lalong-lalo na si Khaliel na makita siyang naka ngiti ay okay na ako doon. Lumabas kami bago siya nag hanap ng taxi na sasakyan namin, alas nuwebe pa naman kaya maraming tao pa labas. Halos punuan din ang mga taxi dahil madami ang umuwi, wala naman kaming sasakyan kaya nag hintay kami ng ilang minuto.
Nang nasa loob kami ng sasakyan ay madami akong kwenento kay Chris tungkol sa concert, halos hindi na nga siya nakinig dahil sa paulit-ulit ko nalang na kwento.
"Thank you, Chris sa pag sama." sabi ko sa kanya nang makarating.
"Welcome. Thank you din sa ticket at sana hindi ka makatulog mamaya dahil sa pag titig niya sa'yo!" kinurot niya ang tagiliran ko bago siya tumawa at umalis.
Masakit ang paa ko kaya hinubad ko ang boots na suot ko at pumasok sa elevator, nang makarating ako sa tapat ng condo ko tumingin ako sa tabi nitong pinto bago na may kung anong pumasok sa isip ko.
Pumasok sa isip ko ang isa namang panaginip na lumabas sa pintuang 'yun si Khaliel nang umuwi ako, pero hanggang doon lang ang naalala ko dahil kahit anong pilit kong piga sa utak ko ay wala talaga. Mukhang nagising ako nun at hindi na na dugtungan pa ang panaginip ko kaya hindi ko maalala.
"No. It's impossible." sabi ko bago pumasok sa pinto.
Hinubad ko ang damit bago pumunta sa banyo at nag hilamos, nag bihis ako bago humiga sa kama at kinuha ang cellphone ko para tingan ang mga kuha kong video.
Isa doon ay ang pag tingin ni Khaliel sa akin habang kumakanta siya kaya nilagay ko 'yun sa story ko at tinag ko siya, kahit pa man hindi niya 'yun makita dahil hindi naman siya namamansin sa online pero tinag ko pa din baka sakali.
Humiga ako sa at inaalala ang nangyari kanina sa concert, parang hindi ako makahinga sa sobrang tili nang paulit-ulit kong e-play ang video na pag titig niya sa akin.
God. He's so handsome.
Matagal akong bumangon nang umaga, medyo masakit ang paa ko dahil sa boots na suot. Bumangon ako para maligo pala mawala kaagad 'yung sakit sa katawan ko, hindi ko na tinitingnan kung anong oras na dahil sa pag mamadali maligo.
Wala akong pasok ngayon dahil linggo, nag isip na din ako ng gagawin ngayong umaga dahil kung tatambay lang ako dito sa loob ay panigurado sa kama lang din ang punta ko.
Nang matapos akong maligo ay namili ako ng susuotin kong damit, gusto kong pumunta sa mall o kaya matulog nalang. Na kakapagod din mag lakad-lakad at sobrang boring naman kung dito lang ako sa loob.
Sa huli ay nag suot nalang ako ng malaking T-shirt at humiga sa kama pagkatapos kong kumain. Alas dyes na pala kaya sobrang gutom na 'yung bitoka ko. Tiningnan ko ang mga chats ng mga kaibigan ko sa Gc kung may lakad ba sila, o kaya baka gusto nila akong yayain.
mikkanikka123
Work² muna me!
notchristian
Okay po, ingat ka.
As usual hindi na naman nag cha-chat si Shane, sabi niya may family outing daw sila bukas pero hindi man lang naka pag update. Talagang unti-unti na siyang lumalayo sa amin ah.
Nag scroll-scroll ako sa feed ko dahil sa walang magawa, may nag pop up na notification sa akin kaya agad kong tiningnan iyon.
khaliel_cruz liked your story. 1min
Agad kong tinakpan ang bibig ko bago ako tumili nang makita iyon, nag mamadali kong chineck kung totoo nga ba siya o hindi.
"Omg totoo nga!"
Nag react siya sa video na tinag ko sa kanya nung kumanta siya habang naka tingin sa akin, kasunod nun ay ang litrato ko kasama si Chris pero nang tingnan ko hindi niya nakita 'yun. Oo nga naman, bakit nga ba ako nag expect na makikita niya 'yun eh hindi ko naman siya tinag sa picture ko.
Ang notification na iyon ay ang dahilan kung bakit ako naka ngiti buong mag hapon, paulit-ulit ko siyang inistalk kung account niya ba 'yun at hindi talaga ako nag kakamali dahil si Khaliel Zravix Cruz talaga 'yun.
For the first time na notice niya na din ako sa social media, at hindi lang siya nag liked may pa repost pa sa story niya. Hindi ko ma paliwanag ang nararamdaman ko sa tuwa dahil doon kaya tinawagan ko kaagad ang mga kaibigan ko.
"Kailan kayo free? Labas tayo."
Nasa linya silang tatlo ngayon kaya sakto kung yayayain ko silang lumabas mamaya o kaya naman sa susunod na araw.
"Why? Busy ako mamaya eh..." sabi ni Chris.
"Me din. Pwede sa byernes na lang tayo lalabas para kapag ma lasing ka ulit okay lang." sabi ni Mikka.
"Ano G ako dyan, pwede naman mamaya nalang, gigising lang kayo ng umaga ganun!" Shane said.
"G ka Shane? Kayo ayaw niyo ba? Sagot ko lahat," sabi ko.
"Bakit naman bigla lang nag yaya akala ko ba masakit 'yung paa mo?" Chris said.
"You know my crush noticed me for the very first time... kaya mag party tayo!"
Tumili ako kaya natigil ang kabilang linya dahil sa lakas ng tili ko, si Shane ay kaagad tumawa bago siya sumagot.
"Sinong crush mo? Si Khaliel ba 'yung sa banda?"
"Yes, yes. Kilala mo na 'yun."
Napag desisyonan naming sa byernes nalang, pumayag nalang ako dahil wala naman akong kasama kapag nalasing ako doon. Si Chris lang talaga ang taga alaga sa akin tuwing malasing ako kaya hindi ako pwedeng malasing kapag wala si Chris.
Nang lunes ay maaga akong pumasok at halos abot langit ang ngiti ko dahil doon, ginawa kong motivation ang notification na 'yun para maka sagot sa bawat oral namin buong klase.
Alas singko palang ay nag ayos na ako nang sarili, alas sais ang sundo ni Shane sa akin ngayon sinabi niya sa chat para pumunta ng bar. Si Shane ang nag pili ng bar na pupuntahan namin, dahil sinabi ko sa kanyang pumili siya 'yung hindi ko pa napuntahan.
Nag suot ako ng backless pink glitter dress, kinulot ko masyado ang kulot ko ng buhok dahil para mas mukhang maganda tingnan. Kinuha ko ang puting heels ko bago ko kinuha ang bag ko sa kama na kanina ay nilagay ko. Humarap pa ako sa salamin para tingan ang sarili kung maayos pa ang make up na nilagay ko kanina bago ako lumabas ng kwarto.
Nang makarating ako sa labas ay naabutan ko si Shane na naka parking sa labas bago ako pumasok sa sasakyan niya, ang blue niyang buhok ay hinahangin bago siya humalik sa pisngi ko.
Nang makarating kami doon ay naabutan ko si Mikka at Chris na nasa labas, hinihintay kaming makarating bago kami pumasok sa loob.
Umupo ako sa counter para mag order ng inumin, ang mga kaibigan ko ay umupo sa malaking couch para hintayin ako makabalik. Nang makabalik ako ay kaagad na nilapag ko ang alak sa lamesa bago ako umupo sa tabi ni Mikka.
"Ubusin niyo 'yan ha!" sabi ko bago ngumiti.
"Talagang uubusin namin 'yan, cheers!" sabi ni Chris bago tinaas ang baso.
"Cheers! Para sa akin, para sa atin!" sabi ko at tinaas ang baso bago tumayo para pumunta sa gitna.
"Cheers!" sabay nilang sabi.