CHAPTER 8

2055 Words
Nag sayawan kami dala ang baso ko sa kamay, bumalik lang ako sa couch kung naubos na 'yung ininom ko at babalik ulit sa gitna para sumayaw. Kinuha ko ang bote ng alak bago ininom sa gitna dahil napagod ako kakabalik sa pwesto namin, si Mikka at Chris ay nag hawakan ng kamay habang si Shane ay may naka sayawan ng lalaki sa gilid. Pinabayaan ko lang sila na gawin ang gusto nila total wala namang pasok kinaumaghan at dapat e enjoy lang namin 'tong gabing 'to, lalo na ako. Nahihilo na ako sa dami ng nainom kong alak, hinahanap ko si Chris para hindi ako mawala kung sakaling matutumba ako. May naka bangga akong tao nang sumiksik ako sa mga taong sumasayaw sa gitna. hawak niya ang kaliwang braso ko nang bumangga ang balikat ko sa kanya kaya muntik na akong matumba. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko nang tumama ang ilaw sa akin, hindi ko makita ang mukha ng tao sa harapan ko kaya umusog ako para mawala ang ilaw sa mukha ko. "You?" I said. "Nice to see you again, Venice... I mean Mary," he said. "Ano na naman ba? Bakit ba palagi ka nalang andito ha? 'Diba sinabi ko na sa'yong hindi kita type kaya umalis ka na!" Tinulak ko siya para makalabas ako sa mga tao, mabilis niyang hinigit ang palapulsuhan ko kaya humarap ako sa kanya. "Ano ba! Lumayo ka nga sa 'kin!" tinulak ko ulit siya. Tiningnan ko siya na ngayon ay tumingin lang sa akin, hinanap ko si Chris at sakto na nakita ko sila Mikka na mag kasama kaya tumakbo ako papunta doon. "Ano tapos na kayo?!" I asked. "Uwi ka na?" sagot ni Mikka. "Nahihilo na ako, halika na nga. Hanapin mo si Shane para umuwi na tayo." "Akala ko ba hanggang umaga? Hina mo naman pala, sis!" sabi ni Chris bago niya inilibot ang paningin sa loob. Naka labas kami na wala si Shane, nag chat nalang si Mikka sa kanya dahil hindi na siya mahanap. Kaya na naman ni Shane na umuwi dahil sanay na naman 'yon malasing. Tabi ko si Mikka na hindi tinamaan ng alak dahil isang baso lang ang ininom niya at puro lang juice kaya maayos pa siya. Ako alam ko pa kung saan ako pupunta, pero 'yung mata ko hindi na talaga sila nakisabay dahil gusto nang pumikit, nahihilo na din ako pero alam ko pa sino 'yung mga kasama ko kaya hindi ako nababahala. "Ingat ka, Venice ah text mo 'ko pag nagising ka na." rinig kong sabi ni Mikka na nasa loob ng sasakyan habang binaba ako ni Chris para pumasok sa loob ng building. "Thanks, Mik bye..." Dinala ako ni Chris sa lobby, nag pa iwan lang ako sa lobby at hindi na nag pasama pa sa elevator dahil kaya ko pa naman. "Bye Chris!" I said and waved. "Umayos ka bakla ha, baka anu-ano na naman 'yung e-kwe-kwento mo bukas pag nagising ka dahil nakita mo naman 'yung-" "Nakita mo na naman 'yung crush mo, nakausap mo naman," hindi ko siya pinatapos dahil ako na ang sumagot. "'diba maayos pa ako no?" "Oo na sige na, pumasok ka na dun." tinuro niya ang pinto ng elevator bago siya nag paalam. Pinikit ko ang mata ko bago pumasok sa loob ng elevator, nang nasa loob na ay hinanap ko ang number na pipindutin ko dahil nahihilo ako kaya inayos ko ang sarili ko. "1,2,3,4-" Hindi ko pala namalayan na may kasama pala akong pumasok sa loob, hindi ko man lang siya nakita dahil pumikit ako. Pinindot niya ang number five bago siya umayos ng tayo. "Hey... andito ka na ulit?" tumawa ako at hinarap siya. He's wearing all black kaya natatakot sa itsura niya, ang mukha niya ay seryoso bago siya yumuko para makita ako. "What?" "Ikaw nga, ikaw nga. Astig! Kapag na lasing ako andito ka sa elevator...grabe para kang robot no? Buti nalang pogi ka kung hindi matatakot talaga ako sa'yo." Ayos pa naman 'yung utak ko para makilala siya, nanatakot ako sa kanya dahil baka siya 'yung lalaki sa bar kanina at naging kamukha lang siya ni Khaliel, kaya umayos ako ng tayo at pinag krus ang braso ko na hindi na nag salita. Bumukas ang pinto bago siya lumabas doon, sumunod ako sa kanya habang makalapit sa gilid dahil parang matutumba ako. Tiningnan ko kung saan siya pupunta, tumakbo ako nang makita kong sa pinto ko siya pupunta pero agad akong matumba dahil natapilok ako. Tumama ang tuhod ko sa sahig, kasabay nun ay ang pag bukas niya ng pintuan ko kaya tumingala ako doon bago tumayo. "Hey!" sabi ko at pinilit na tumayo. Nakita ko ang pag lingon niya sa akin habang hawak niya ang pintuan na naka bukas. Lumakad ako papalapit sa kanya kahit na masakit 'yung paa ko dahil sa pagka tumba kanina pero pinilit kong lumakad. "Unit ko 'to!" binawi ko ang pag hawak niya sa pinto. Bumuntong hininga siya bago ko nakita ang pag pikit niya ng mata at sinabing, "Miss. Lasing ka na masyado." Tinapunan ko siya ng tingin at hindi nag salita, akala niya siguro dahil nakita kong kamukha siya ni Khaliel ay madadala niya ako sa pag ka soft spoken niya. Pumasok ako sa loob sinarado ko ang pinto bago ko nakita ang sofa kaya naupo ako doon. Tinanggal ko ang suot kong heels bago ako humiga sa sofa, na kakapagod na kung pupunta pa akong kwarto kaya humiga nalang ako sa sofa para matulog. Nagising ako sa tunog ng gitara sa paligid ko, hinawakan ko ang ulo ko dahil sa sakit. Inalis ko ang kumot na nakatabon sa akin bago ko binuksan ang mata ko. Nakita ko ang asul na kulay ng silid sa kwarto, may dalawang gitara na naka sabit sa malapit sa pinto, ang dingding ay puno ng iba't ibang klaseng paintings ng iba't ibang lugar. This is not my room. Hinawakan ko ang ulo ko, inayos ko ang buhok na naka takip sa mata ko bago ako dahan-dahan na bumaba sa kama. "Nasaan ako," I whisper. Tiningnan ko muna ang sarili kung may damit pa ba ako dahil sa naalala ko ay may kausap akong lalaki kagabi, si Khaliel ang nakausap ko pero alam kong hindi siya iyon kaya kinabahan ako baka kung saan-saan na ako nakarating. Kompleto pa naman ang damit ko kaya nag patuloy ako sa pag lalakad. Sinundan ko ang tunog ng gitara, binuksan ko ang pinto para sundan ang tunog ng gitara. Natanaw ko ang sofa pero walang naka upo dito kaya dahan-dahan kong nilibot ang mata ko para mahanap ang tunog ng gitara. Napatigil ako sa nakita kong litrato sa gilid ng tv kung saan may mga iba't ibang gamit na naka lagay dito sa gilid. Kinusot ko ang mga mata ko dahil sa nakita, imposible naman kung andito ako sa bahay niya 'diba. Nilapit ko iyon para ma sigurado kung totoo ba siya habang dinig ko pa rin ang pag tunog ng gitara. Napahawak ako sa bibig ko nang makita iyon ng malapitan, isa 'yung mukha ng taong nasa isip ko ngayon. "Khaliel?" I said. Nilibot ko ang mata ko sa iba't ibang party ng bahay, halos mag kasing laki lang kami ng unit pero mag kaiba ng disenyo ng loob. May agad na pumasok sa isip ko pero agad itong nawala nang hindi ko na marinig ang tunog ng gitara. Tumingin ako sa mga yapak na galing sa likuran ko, unti-unti ay para akong matumba nang makita kung sino ang kaharap ko. "Khaliel?!" gulat kong sabi. Naka suot siya ng gray pants at plain white t-shirt, hawak niya ang puting electric guitar at naka tingin sa akin ng masinsinan. "Kanina ka pa nagising?" His baritone voice echoed the whole place. Lumaki ang mata ko nang mag salita siya sa harapan ko, totoo ba siya o baka lasing pa talaga ako pero umaga na naman 'diba kaya bakit siya andito. Tinakpan ko ang bibig ko at hindi gumalaw sa kinatatayuan, kumunot ang kilay niya bago siya dahan-dahan na lumapit sa pwesto ko. Umatras ako nang mapansin kong ilang hakbang nalang ay aabot na siya sa akin pero bago pa 'yun ay kaagad akong tumakbo papunta sa pintuan bago ko iyon buksan. Hindi ako lumingon habang hinahabol ko ang hininga ko dahil sa hindi makapaniwala sa nangyari. All this time lahat ng akala ko at panaginip ay totoo pala talaga, lahat ng nakikita ko dito sa loob ng building na 'to ay totoo. Kapitbahay ko nga siya. Kapitbahay ko nga 'yong crush kong si Khaliel. Nakakahiya! Nang makalabas ako ay kaagad na hinanap ko ang pinto ng unit ko, hindi ko na napansin na wala pala akong suot na tsenilas man lang. Pumasok ako sa loob ng unit ko at kaagad ko 'tong sinarado bago ako huminga ng mabilis dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng hininga. "He's real talaga! Nakakahiya gago paano na ako haharap sa kanya ngayon." Hinanap ko ang bag ko para tawagan ang mga kaibigan ko pero nakalimutan kong wala pala dito 'yun. "Paano ko na 'yun kukunin," Lumakad lakad ako sa loob ng unit, hindi ako mapakali dahil sa nangyari, paano ko na kukunin 'yung gamit ko, paano na ako mag papakita sa kanya nito. "God help," I whisper. Pumasok ako sa kwarto ko para maligo, pag iisipan ko muna kung paano ko kukunin 'yung gamit ko. Humarap ako sa salamin para makita ang itsura ng sarili. "Putek inalis niya 'yung-" Imbis na kiligin ay mas lalo akong nahiya sa ginawa niya, paano niya 'yon ginawa. Natulog ako sa kwarto niya, inalis niya 'yung make up ko, at mas malala dahil sa pinag gagawa ko sa kanya tuwing lasing ako.OMG! Pumasok ako sa banyo at nag hilamos, ilang oras din akong naka tingin sa sarili bago ako naligo. Nang lumabas ay hindi ako mapakali bago ako nag bihis, nag luto muna ako dahil sa gutom na nararamdaman. Lumakad lakad ako sa sala nag iisip kung paano ko kukunin ang gamit ko, mag lalasing nalang siguro ako para maka pasok doon at makuha 'yon o mag susuot nalang siguro ako ng mask coat o kaya naman ipapakuha ko nalang 'yun sa mga kaibigan ko. Lumabas ako ng unit ala una matapos kong pag isipan kung paano ko kukunin ang naiwan kong gamit. Tumingin ako sa kabilang pinto katabi ng unit ko, walang tao sa labas ng hallway at tahimik lang ang paligid. Tinapat ko ang kamay ko sa doorbell pero hindi ko pa pinindot, huminga ako ng malalim at pumikit at dahan-dahan na pinindot iyon. Kumakabog ang dibdib ko dahil sa kaba kung paano ko siya kakausapin o kaya ano 'yung sasabihin ko. Hindi bumukas ang pinto nang pinindot ko ang doorbell kaya sinubukan ko ulit, baka tulog siya o kaya umalis. Babalik nalang siguro ako mamaya. Naisip ko nalang na umalis dahil wala naman sigurong tao sa loob, tumalikod ako para bumalik sa unit ko nang biglang mag bukas ang pinto kaya napatingin ako doon. Natulala ako nang makita ang lalaking bagong ligo, naka suot ng casual attire at 'yung necktie niya ay hindi pa natapos gawin. He's hot. Seryoso ang mukha niyang tumingin sa akin, ang makapal niyang kilay ay bahagyang tumaas bago siya nag salita. "Your things?" Hindi ako nag salita at tumango lang sa kanya, kaagad niyang nilakihan ang pag bukas ng pinto at umusog siya kaunti. Gusto ba niyang papasukin ako sa loob, naguguluhan tuloy ako dahil sa ginawa niya. Tumingin ako sa kanya at hindi nag salita, tiningnan ko lang siya sa mata kaya kumunot ang noo niya sa akin. "Ayaw mo? May ginagawa ako, kunin mo sa loob para namang hindi ka pumasok dito kagabi." "Uh... okay," sagot ko. Agad siyang umusog habang hawak ang pinto bago ako dahan-dahan na pumasok. Nilibot ko ang tingin ko sa loob nang makapasok ako bago ko narinig ang pag sarado niya ng pinto kaya napatingin ako doon. Lumakad siya papunta sa akin at nilagpasan ako, agad niyang tinuro ang sofa kaya agad kong nakita ang bag ko doon. "Here." Sumunod ako kung saan siya naka pwesto, inabot ko ang bag na hawak niya bago ako dahan-dahan na ngumiti sa kanya. "Thank you," "Do you still remember what you did last night right, Venice?" tumaas ang kilay niya na seryoso ang mukha na humarap sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD