"Do you still remember what you did last night right, Venice?"
My god he knows my name!
Inangat ko ang ulo sa kanya dahil mas mataas siya sa akin, nakita ko ang seryoso ang kanyang mukha sa akin. "I'm sorry... I was-"
"Drunk. you're drunk last night."
Pinutol niya ako sa sinasabi ko kaya yumuko ako sa hiya, kumapit ako ng mahigpit sa bag ko na parang gusto ko nalang mag pakain sa lupa para hindi ko na siya makaharap pa kahit kailan.
Ang kapal ng mukha ko ay hindi ko na magagamit sa harapan niya, hindi tumalab ang kapal ng mukha ko kapag kaharap ko siya dahil sa mga ginawa ko sa kanya.
"Ayos na ba 'yung gamit mo?"
Nag salita ulit siya kaya inangat ko ang ulo ko.
Tiningnan ko ang laman ng bag ko at wala namang kulang dito kaya tumango ako. "Okay na." mahina kong sabi. "Sorry talaga, hindi ko naman alam na dito ka pala nakatira at... hindi ko na uulitin 'yun." sabi ko sa kanya bago ngumiti. "And... paano mo nalaman 'yung pangalan ko?"
Narinig ko ang mahina niyang tawa, naka pambewang siya at naka yuko ang ulo niya na tinitingnan ako. Gago kung wala lang akong kasalanan ay titili na ako dahil sa paraan ng pag tingin niya sa akin.
Inayos niya ang pulo ng damit niya at nakita ko ang pag kagat ng ibabang labi niya bago siya sumagot. "Yo-you... lagi kang nagpakilala sa akin tuwing lasing ka at kinakausap mo ako."
Tumango ako sa kanya kahit wala akong maalala na sinabi ko sa kanya pero naka nakalimutan ko na dahil sa kalasingan. "I'm sorry, ikaw pala 'yung nag bigay sa akin ng letter 'yung sa paper bag? Sorry kung na distorbo kita hindi na talaga mauulit, pasensya na."
Tumango siya sa akin. "Sige na, may lakad pa ako." sabi niya bago siya pumunta papunta sa pintuan.
Agad akong sumunod sa kanya bago niya binuksan ang pinto, bago lumabas doon ay ngumiti ako sa kanya. "Thank you, Khaliel." I said.
"Ah by the way, please 'wag mong ipagsabi na dito ako nakatira, baka may pumunta dito alam mo na." he said.
Tumango ako bilang sagot sa kanya, bago siya ngumiti at sinarado ang pinto.
Nang isarado niya ang pinto ay nag mamadali akong buksan ang pintuan ko, agad ko itong sinarado at huminga ako ng malalim bago tumili.
"OMG! OMG!"
Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa kaba, tumalon talon ako bago ako naupo. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko bago tinawagan ang mga kaibigan ko.
"Oh ano ngayon ka lang gumising?!" malakas na sigaw ni Chris.
"No. Kanina lang. God kung alam niyo lang sino 'yung nakita at nakausap ko!"
"Why sino ba?"
"Sino?" tanong ni Mikka.
Wala si Shane sa linya, sigurado mamaya na naman 'yun mag tanong-tanong kung ano 'yung pinag usapan namin.
"Si Khaliel, si Khaliel Cruz!" sigaw ko mula sa linya.
"Huh? Khaliel? 'Yung crush mo talaga?"
"Oo nga si Khaliel talaga kapi-"
Natigil ako nang maalala ang bilin niya sa akin na 'wag sabihin kahit kanino pero pwede ko naman sabihin sa mga kaibigan ko 'diba. 'Wag nalang siguro dahil baka magalit siya kapag nalaman mas lalo pang lalaki 'yung kasalanan ko.
"Hoy! Ano andyan kapa ba?" Chris said.
"Uh yes nakita ko siya kanina sa mall, nung pumunta ako dahil may binili din siya kaya nakausap ko, sayang nga wala akong picture!"
Nakalimutan ko nga mag pa picture sa kanya kanina, pero paano ako kukuha ng pictures kung may maling mga ginawa ako sa kanya.
Tumawa si Chris ng malakas, sinundan naman nito ni Mikka na tumawa kaya kumunot ang noo ko. "Hoy, gago totoo nga na nakita ko siya."
"Oo na, Babe nakita mo pero hindi sa mall, alam ko nakita mo naman siya sa elevator no?"
"Correct! Malala ka na talaga girl!" sabi ni Chris.
"Hoy, hindi ako lasing?"
Natapos ang tawagan na hindi sila naniniwala, sino nga bang maniwala sa akin hindi ko naman pwedeng sabihin na kapitbahay ko siya kaya pinilit ko nalang na itago.
Tumayo ako bago ko dinala ang bag ko sa kama, humiga ako sa kama habang inaalala ang nangyari. Hindi ko pa rin maisip na lahat ng nangyari ay totoo at mas malala na nakita ako ni Khaliel na parang baliw kung malasing.
Tumayo ako para mag pa laundry sa baba, marami akong labahan at napapagod ako na labhan lahat ng 'yun mas mabuti pang matulog ako dahil sa pagod na nararamdaman.
Kinuha ko ang damit na sinuot kagabi nang maalala na wala pala akong dalang heels na sinuot ko kagabi, hinanap ko siya sa lalagyan ng mga sapatos ko pero hindi ko makita.
"Naiwan na naman!"
Talagang pinag lalaruan ako dahil hindi ko pa naalala na hindi pala kompleto 'yung gamit ko na kinuha sa kanya, kailangan ko na namang bumalik doon para kunin. Wala siya ngayon dahil may lakad kaya siguro bukas ko nalang 'yun kukunin o kaya baka uuwi siya mamaya, pero kung uuwi man siya mamaya siguro tulog na ako nun.
Matapos kong ihatid ang labahan ko ay tiningnan ko ang i********: niya baka sakaling may update kung saan siya pupunta, baka may post 'yung page nila kung saan sila para makita ko kung anong oras ang uwi niya. Walang update ang page niya pati na rin 'yung account niya, napunta tuloy ako sa mga litratong post niya dahil sa maamo niyang mukha.
khaliel_cruz
Khaliel Zravix Cruz
ECLIPSE|22
207 1.8M 1,086
posts followers following
Nag scroll-scroll ako sa feed niya dahil sa wala akong magawa, 'yung ibang nagustuhan kong picture ay sinave ko sa gallery. Nagulat ako dahil sa notification na nag pop up sa itaas kaya lumaki ang mata ko.
khaliel_cruz sent you a message
Napamura ako dahil doon at agad nanginig ang kamay ko bago ko tiningnan ang messages ko.
khaliel_cruz
•active now
Are you done stalking?
You liked most of my old post.
Anong kailangan mo?
"Ha? paano niya nalaman?"
Tinakpan ko ang bibig ko bago bumangon sa pagka higa at umupo, nag iisip ako ng I reply sa kanya o baka hindi ko nalang siya re-replyan pa dahil nakakahiya.
Grabe! Naging kapitbahay ko lang siya nag chat na agad siya sa akin, ng bilis naman pala. Kung nung una ko lang sana nalaman na kapitbahay ko siya ay mas close pa sana kami sa close.
zhravenice_corvero
Hala! Hindi naman po.
Tatanungin ko sana kung kailan ka uuwi dahil kukunin ko 'yung heels ko na naiwan.
Unahan na kita ha, nakalimutan ko talaga 'yon at hindi ko sinadya 'yon para maka usap ka ulit:)
khaliel_cruz
9 o'clock.
Kinilig naman po ako crush grabe parang gusto ko na yatang lumipad sa ere dahil sa kilig na nararamdaman.
zhravenice_corvero
Noted po.
Bukas ko nalang kukunin, may lakad ka ba bukas?
Naka ngiti ako habang nagtitipa ng mensahe, para akong lumulutang dahil sa saya na finally may convo na rin kami. Nabasa kaya niya 'yung mga messages ko sa kanya dati o baka naman na delete na.
Sana nga na delete na niya.
Hindi siya nag seen pa sa akin at hindi na din siya online pa. Nilagay ko ang cellphone ko sa kama bago ako lumabas ng kwarto, alas sais na kaya madilim na sa labas. Pumunta ako sa veranda para tingan ang mga sasakyan na tumatakbo sa gitna ng traffic, tumingin ako sa kabilang veranda na naka ngiti nang maalala na siya pala 'yung nakita ko dati. Palagi kaya niya akong nakikita tuwing tumatambay ako dito ng mga ganitong oras, ano kaya ang naiisip niya tuwing andito ako nakamasid sa mga sasakyan.
Huminga ako ng malalim bago ako pumunta sa kusina para mag luto, bukas ko na kukunin 'yung mga labahan ko dahil gabi na. Umupo ako sa sofa bago ko binuksan ang tv, hinanap ko ang mga show kung saan may guesting sila pero wala naman. Baka may gig lang sila ngayon kaya naka bihis siya kanina, baka may ibang lakad siya o kaya naman may date.
No erase-erase wala siyang girlfriend kaya wala siyang date kalma, Venice! Okay.
Matapos kong manood ng tv ay nag bihis ako ng pajama para matulog, bago ako natulog ay binuksan ko ulit ang i********: ko kung nag reply na ba siya pero wala siyang reply kaya natulog nalang ako.
Kinabukasan ay maaga akong gumising, gusto ko na sana siyang puntahan nang magising ako para makita siya pero parang kinain ako ng hiya kaya huwag nalang.
Nag lakad-lakad ako sa loob ng sala bago ko buksan ang pinto, natapos na akong maligo at kumain na din ako. Kinuha ko na din 'yung labahan ko kanina kaya sala na akong ibang gagawin pa. Alas nuwebe na ng umaga at siguro nasa loob lang siya ng unit niya. Lumabas ako ng pinto bago tumingin sa pinto niya at lumapit. Nag doorbell ako at nag hintay na buksan niya ako ng pinto pero hindi niya binuksan 'yun kaya bumalik nalang ako sa loob ng unit ko.
Nag review ako ng mga notes ko para bukas, wala naman talaga akong plano mag review pero naiinip ako kakahintay sa kanya. Maya-maya pa ay umilaw ang cellphone ko sa lamesa kaya nag mamadali akong abutin ito.
khaliel_cruz
Hindi mo kukunin 'yung gamit mo?
Napatayo bago tumakbo sa pinto at pumunta sa tapat ng pinto niya, inayos ko ang buhok ko bago nag doorbell. Naka dalawang doorbell pa ako bago siya nag bukas ng pinto kaya nagulat ako nang makita ko ang mukha niya na seryosong naka tingin sa akin.
"Hi!" I smile and wave.
"Bakit ngayon ka lang, akala ko ba pupunta ka kagabi?"
Nagulat ako sa tanong niya, hinintay ba niya ako kagabi na pumunta dito at bakit parang gusto niya akong makita. "Nag chat ako sa'yo, sinabi kong bukas na ako pupunta I mean ngayon na."
Pinapasok niya ako sa loob bago siya pumunta sa kwarto niya, umupo ako sa sofa at hindi nag tagal ay bumalik na siya bitbit ang gamit ko. Lumapit siya sa akin bago ako tumayo nang inabot niya sa akin 'yun. "Thank you." sabi ko at humakbang papunta sa pintuan niya nang pinigilan niya ako.
"Kumakain ka ba ng sea foods?"
Napalingon ako sa kanya ng mag tanong siya. Sea foods? Bakit niya naman ako tatanungin kung kumakain ako ng sea foods. Hula ko gusto niya lang mapahaba ang usapan namin o kaya naman intresado siya sa akin kaya natanong niya.
"Uhm... yes, bakit?"
Umalis siya sa pwesto niya at lumakad papunta sa kusina niya, nanatili lang ako sa kinatatayuan ko para hintayin siya. Nang bumalik siya ay may dala siyang isang plastic sa kamay bago siya lumapit sa akin. "Sa 'yo na." inabot niya sa akin ang plastic sa kamay niya.
Tiningnan ko iyon na nagtaka bago inabot, nilagay ko ang hawak kong gamit sa baba bago ko binuksan ang plastic. May lamang malalaking hipon 'yon na naka lagay sa isang container. "Akin na 'to?"
Humarap ako sa kanya bago ko pinulot ang gamit ko na nasa sahig. "Hindi ako kumain ng hipon, masasayang lang din naman kapag tinapon ko kaya sa 'yo nalang."
"Bakit mo naman sa 'kin 'to ibibigay? Kanino ba 'to galing sayang naman."
"Mother of Jeff, hindi kasi alam ng nanay niya na hindi ako kumakain ng hipon. Ayoko din kasing isuli kaya dinala ko nalang."
Tumango-tango ako sa kanya at ngumiti dahil sa kilig na 'yung crush ko binigyan ako ng pagkain. "Ganun ba sayang naman, sige akin nalang 'to, thank you ah sa uulitin." sabi ko na nakangiti bago lumakad papunta sa pintuan.
Sumunod siya sa akin para buksan ako ng pinto, agad naman akong lumabas dala ang plastic na bigay niya at ang takong ko. "Suli ko ba 'to?" sabi ko at tinaas ang plastic.
"Huh?" Tumaas ang kilay niya.
"I mean 'yung tupperware isusuli ko ba?" tanong ko.
Umiling siya. "No need."
Sayang naman sana kung hindi ko isusuli 'to, gusto ko pa naman siyang makita at makausap ulit. Ngumiti ako sa kanya at tumango bago ako pumasok sa unit ko, nilagay ko ang plastic sa lamesa ko bago ko iyon binuksan.
Napansin ko na umilaw ang cellphone ko kaya pinulot ko, iniwanan ko muna ang tupperware dahil doon.
khaliel_cruz
By the way, I forgot na you need to take a photo na binuksan mo 'yung tupperware for evidence.
Send me the photo nalang, thank you!