CHAPTER 10

2027 Words
Agad kumunot ang noo ko sa chat niya, bakit may pa ebidensya pa siyang nalalaman. Tiningnan ko ang tupperware bago ako nag reply sa kanya. zhravenice_corvero Why? khaliel_cruz Don't ask. Just send me the photo. Agad kong kinunan ng picture ang hipon bago ko senend sa kanya. Kinuha ko ang tupperware at tinaas para pati ako ay kasama makuha, ngumiti ako sa camera bago ko iyon kasama na senend. zhravenice_corvero Sent a photos. Hindi siya nag seen kaya kinain ko ang hipon na bigay niya, hindi naman ako allergic sa mga sea foods kaya okay lang na mapadami. Halos naubos ko ang hipon bago umilaw ulit ang cellphone ko kaya napunta doon ang atensyon ko. khaliel_cruz added to their story. Agad kong pinindot iyon at tiningnan, medyo mahina ang signal kaya hindi ko pa nakita ang picture na nasa story niya. Nang makita ko iyon ay bumungad sa akin ang picture na senend ko sa kanya, nilagay niya ang hipon sa story niya kaya lang hindi ako kasama. Kunyari siya ang kumain ng hipon pero hindi naman may pa caption pa na, thank you, tita sa masarap na hipon @_jeffreg pakisabi kay tita hahaha:( May pa tag siya kay Jeff pero hindi niya naman kinain ang bigay sa kanya, buti nalang sana kung sinama niya ang mukha ko as model ng mga hipon pero hindi. Ay oo nga pala hindi kami mag kasing level ng mga hipon dahil mas maganda ako sa kanila. zhravenice_corvero Kaya pala, niloko mo si Tita ha! Nag reply ako sa story niya, kahit hindi ko alam kung mag re-reply pa siya sa akin matapos ang kanyang hiningi na pictures pero sinubukan ko pa rin. khaliel_cruz :( zhravenice_corvero Tipid mo naman mag reply, neighbor! Ikaw at ako lang nakakaalam nun kaya dapat maging mabait ka sa akin, sayang crush pa naman kita. Hindi siya nag seen sa reply ko kaya tumawa ako na parang baliw mag isa sa kusina. Inubos ko ang mga hipon bago ako humiga sa kama at tinuloy ang pag re-review ko. Huling linggo nalang 'to bago mag Christmas kaya mas susulitin ko na. Malapit na ang Christmas pero wala akong balak na umuwi dahil mas gusto ko dito tumira, lalo na nung nalaman ko na kapitbahay ko lang pala si Khaliel. Wala naman akong gagawin kung uuwi ako sa bahay, marami nga ang handa pero wala namang tao sa lamesa. Mabuti pa dito kahit mag isa ako ay masaya naman na makikita ang mga sasakyan tuwing gabi na umiilaw, parang pakiramdam ko ay hindi ako mag isa kapag tumitingin ako sa baba na iba't iba ang kulay. Medyo na late ako ng gising dahil sa paniginip ko kagabi na nakita ko na mag-kasama kami ni mama. Kahit na hindi ko alam ang itsura niya ay alam kung siya 'yun, siya 'yung nasa panaginip ko. Pumasok ako at naabutan ko si Mikka at Chris na naka upo kaya ngumiti ako at tumabi sa kanila. "Good morning!" masaya kong bati. Binigay ko sa kanila ang tag isang kape bago ako humarap na kanila na hindi nawala ang ngiti sa labi. "Bakit naman ang fresh mo, girl? Inspired ka no?" panimula ni Chris. Ngumiti ako bago sa kanila at inayos ang buhok ko, "Parang ganun na nga, shempre sino bang hindi kung may crush akong pogi 'diba?" hinarap ko si Mikka. "I feel you girl!" masaya na inabot ni Chris ang kamay ko na tumili. "Paano nalang ako na puro stress ang inabot." she sighed. Niyugyog ko ang balikat ni Mikka dahil sa pagka lungkot niya. "Okay lang ma stress at least maganda pa rin 'diba? Tingnan mo ikaw maganda ka pa rin kahit stress ka." sabi ko na hinawakan mukha niya. "Correct! Dapat hindi tayo mag papa apekto sa stress, dapat maganda lang tayo para sa mga mata ng lalaki." Agad na ngumiti si Mikka bago tumawa sa ginawa ni Chris na pinaypay niya ang mga kamay niya. "Hoy tigil na andyan na si ma'am." pag suway ni Mikka. Excited akong umuwi sa condo kahit hindi ko naman alam na makikita ko pa rin siya dahil wala na din naman akong kailangan sa kanya. Naupo ako sa sofa pag dating ko galing sa paaralan, hinubad ko ang suot kong uniforme na tanging cycling at bra nalang ang natira bago ako pumasok sa kwarto. Sobrang init sa labas at halos hindi na ako makahinga dahil sa suot kong uniforme, inayos ko ang bag ko bago ako naligo ulit sa banyo. Tumunog ang cellphone ko habang nag papatuyo ako ng buhok ko kaya kinuha ko 'yon. "Hello?" "Hello Za, pinapatanong ng papa mo kung uuwi ka daw sa pasko." Boses ni Auntie ang narinig ko sa kabilang linya, gusto ko sanang sabihin na ayoko nang umuwi dyan dahil wala din naman akong uuwian kung andyan ako sa bahay. "Hindi po, Auntie sa April na po." "Sige Venice, sasabihin ko nalang sa papa mo ha. Mag papadala nalang kami para ma kapaghanda ka sa pasko." "Okay po, Auntie." Agad kong pinatay ang tawag bago ako nag hanap ng damit para masuot, naubos na ang stock kong mga pagkain sa refrigerator kaya kailangan ko na ulit lagyan 'yon. Napag desisyonan kong pumunta na ng hapon, sobrang init pa ngayon sa labas kaya sigurado masakit sa balat kapag lumabas ako. Natulog ako nang tumuyo na ang buhok ko, nag chat si Shane sa akin para tanungin kung nag kita ba daw kami ni Ryan at sinabi kong hindi at hindi na din siya nag reply kaya natulog ako. Nag taka naman ako kung anong relasyon ang meron sila dahil mukhang close na yata sila ngayon. Nag suot ako ng maong short at printed white t-shirts, nag suot din ako ng black cap bago ko kinuha ang tote bag ko at lumabas. Parang gusto ko yata pumunta muna sa pinag ta-trabahoan ni Mikka dahil maaga pa naman para pumuntang mall. Alas kwarto pa kaya napag desisyonan kong pumunta na muna sa coffee shop kung saan siya nag ta-trabaho. Pumasok ako doon at natanaw ko ang mga ibang studyante na may laptop sa lamesa, siguro may ginawang project o kaya naman nakikipag-connect lang sa wifi. Hinanap ko si Mikka pero hindi ko nakita, kaya nag order nalang ako ng isang iced caramel bago ko nilabas ang phone ko. Tumingin tingin ako sa mga post habang hinintay ko ang inorder ko na I serve, nang may nag pop up na notification sa akin kaya tiningnan ko. khaliel_cruz added to his story. Agad kong pinindot iyon bago ko nakita ang story niya, isa 'yung building na makikita sa tapat ng veranda namin. where are you right now? Ngumiti ako sa nakita kong caption, I assumed ako 'yung hinanap niya kaya nag reply ako kahit na hindi na naman siya nag re-reply sa akin. zhravenice_corvero Nasa coffee shop lang ako. Ikaw naman miss mo na agad ako? Medyo makapal ang mukha ko sa chat pero kapag kaharap ko siya ay naubusan ako ng sasabihin. Dumating ang inorder ko kaya ininom ko 'yun at nag patuloy sa pag scroll-scroll nang nag react siya sa message ko kaya tiningnan ko. He reacted haha sa chat ko sa kanya kaya lumaki ang ngiti ko, okay lang na hindi siya mag reply basta ma seen niya lang ang message ko. Napangiti ako nang may biglang yumakap sa akin sa likuran kaya agad kong nilagay ang phone ko sa lamesa. "Bakit 'di ka nag sabi na pupunta ka?" Nang marinig ko ang boses ay agad ko siyang nakilala, bumitaw siya sa pag kayakap sa akin at pumunta sa harapan ko at umupo. Lumaki ang ngiti ko nang makita ko si Mikka na naka suot pa ng uniforme niya. "Wala naman talaga akong plano pumunta dito, kaya lang sobrang init pa kaya dumaan nalang ako." Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa lamesa na tinitingnan lang ako sa mata, nag tataka ang kanyang itsura na pinanliitan ako ng mata. "Ano?" "May crush ka ba dito?" tanong niya bigla. "Huh? Ako my crush dito?" "Napansin ko lang na masaya ang mukha mo ngayon, siguro kinilig ka no?" Tumawa ako dahil sa sinabi niya sa akin, pero totoo naman na kinilig talaga ako ngayon pero wala naman akong crush dito para pumunta. Dumaan lang talaga ako dito dahil mainit pa at gusto ko din siyang makita na nag ta-trabaho. "Kinilig nga pero wala dito 'yung crush ko alam mo na." Ngumiti siya bago umiling at tumayo, "Sige na nga papasok na ako mamaya pa 'yung off ko. Sa'n ka ba pupunta talaga kung wala ka nga'ng crush dito?" Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko sa lamesa bago ko inubos ang ininom ko para maka alis na. "May bibilhin," inayos ko ang upuan at sinuot ang bag ko. "See you bukas? Libre mo 'ko ha?" ngumiti ako bago humalik sa pisngi niya. "Sige, see you, Venice." sabi niya bago pumasok ulit sa loob kaya lumabas na ako dahil mukhang hindi na naman mainit. Nag lakad lang ako dahil hindi naman kalayuan, sayang 'yung pamasahe kung sasakay pa ako e malalakad ko lang naman. Mamaya nalang siguro ako sasakay kung tapos na akong mamili dahil wala namang mag bubuhat kung mag lalakad lang ako. Matapos kong bumili ay agad akong humanap ng masasakyan bago ako nag pahatid sa condo. Dala ko ang malaking supot at mga plastic sa kamay ay nahihirapan akong pumasok sa loob ng elevator, nilagay ko sa sahig ang ibang bilihin dahil hindi ko kayang buhatin lahat ng 'yun. Nang mag bukas ang elevator ay nag mamadali akong ilabas 'yung mga nilagay ko sa sahig bago ko binuhat para pumasok sa unit ko. Dinala ko iyon sa tapat ng pinto ng condo ko bago ko buksan ang pinto at pinulot 'yun para pumasok. Lumingon ako sa pag bukas ng kabilang pinto kaya napatigil ako nang makita si Khaliel na lumabas doon. Suot ang salamin niya ay tumingin siya sa akin na may hawak na supot bago niya sinarado ang pinto. "Hi!" ngumiti ako sa kanya nang humakbang siya ng isang hakbang at naka tingin pa rin sa akin. Papasok na sana ako ng pinto nang mag salita siya, "Hi, akala ko ba nasa coffee shop ka?" Akala ko ay hindi siya sasagot sa akin at aalis nalang siya pero kinausap niya ako. "Uh... may binili lang pagkatapos," malaki ang ngiti ko sa kanya. "Need help?" he ask. Agad akong umiling dahil kaya ko naman na dalhin iyon sa loob. "No need, thank you. May lakad ka?" Omg, bakit ko ba tinanong pa 'yan baka akalain niyang feeling close ako sa kanya para maki pag-usap ng ganito. "Uh sorry... you can go now, mukhang nag mamadali ka." agad kong binawi bago pumasok sa loob at sinarado ang pinto. Nilagay ko ang mga binili ko sa lamesa at nag bihis dahil mukhang basa na 'yung damit ko sa pawis. Nag suot ako ng cycling at white sleeveless bago ko inayos ang mga binili ko. Nang matapos ay kaagad akong humiga sa kama at natulog dahil sa pagod, kailangan ko pang mag aral dahil may quiz kami bukas, pero sa huli ay hindi na ako naka review dahil nagising ako gabi na kaya nag luto nalang ako. Lumabas ako sa veranda dala ang kape sa kamay, nag kape ako para hindi ako antukin para maka review pa ako kahit na umabot pa ako ng hating gabi. Sinuot ko ang malaki kong t-shirt dahil mukhang malamig na bago ko nilagay ang kape sa maliit na lamesa sa gilid at umupo. Tumingin ako sa kabilang veranda kung andun ba siya dahil alas otso na naman kaya baka umuwi na pero hindi ko siya nakita. Tiningnan ko ang mga iba't ibang kulay ng mga lantern sa baba ng building sa harapan. Marami ding tao na nag lalakad sa baba dahil malapit na ang pasko at alam kong nag hahanda na sila. Ilang araw nalang at pasko na at pagkatapos ng pasko ay panibagong taon na naman. Napansin ko ang pag bukas ng pinto sa kabilang veranda bago ko nakita ang lalaking kanina ko pa hinintay na dumating. Dala niya ang gitara sa kamay bago siya tumingin sa pwesto kung nasaan ako. "Can't sleep?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD