CHAPTER 11

2042 Words
"Can't sleep?" Tanong niya bago niya inayos ang gitara at umupo siya, nang umupo siya ay hindi ko siya halos makita ng maayos dahil nakaharang ang railings sa pagitan namin kaya tumayo ako. Lumapit ako sa railings bago ko nakita siya na nakayuko at kinalabit ng mahina ang gitara niya. "Ka gigising ko lang," sagot ko sa tanong niya. Tumigil siya sa ginagawa niya at tinaas ang ulo para makita niya ako. Humawak ako sa railings para maka kuha ako ng suporta sa katawan, tiningnan niya ako na hindi nag salita bago siya tumayo at pumunta malapit sa pwesto ko. "Hindi ka ba nilalamig?" tanong niya nang makalapit na siya sa akin. Halos isang metro lang ang pagitan sa amin kaya maririnig lang namin ang isa't isa kung nag uusap kami. Hindi ko na imagine na pwede pala 'tong mangyari na harapan na makakausap ko siya. Umiling ako bilang sagot at ngumiti, hinayaan ko lang na hanginin ang buhok ko at tiningnan ko lang siyang tahimik na umiwas ng tingin papunta sa baba. "Malapit na ang pasko, uuwi ka ba sa inyo?" wala sa sarili na tinanong ko siya kahit na hindi ko alam kung tama ba na tanungin siya. Umiling siya bilang sagot kaya lumaki ang ngisi ko, hindi siya uuwi at dito lang siya mag papasko sa unit niya kaya natuwa ako. Pinigilan ko ang sarili ko na tumili dahil sa kilig na naramdaman, imagine nasa kabilang kwarto lang 'yung crush mo habang mag pa-pasko ka. "Gusto mo bang kasama ako?" natatawa kong sabi sa kanya. Kumunot ang kilay niya bago siya napangiti kaya ngumiti ako, hindi ako marunong lumandi at kahit na crush na crush ko siya ay pinigilan ko ang sarili na sabihin ang mga gusto kong sabihin. "Hindi ka din uuwi?" napansin ko ang pag angat ng kilay niya na humarap sa akin. "Hindi dito lang dahil andito ka... anyway, 'wag mong seryosohin 'yung mga sinasabi ko sa 'yo nung lasing ako ha?" Lumaki ang ngiti niya na umiling kaya natawa ako, anu-ano nalang ang lumabas sa bibig ko para lang maka usap ko siya. "You remember everything?" Tumango ako kahit na may ibang eksena na hindi ko maalala pero alam kong lahat ng ginawa ko ay nakakahiya, lalo na't siya ang nakakita sa akin kaya gusto kong kalimutan na niya 'yun. "Really..." tumango-tango siya bago umupo ulit at kinalabit ang guitara na hindi na tumingin sa akin pa ulit. "Pwede mo ba akong kantahan, crush?" parang bata kong sabi sa kanya kaya napaangat siya ng ulo. "Gabi na, pumasok ka na sa loob." mahina niyang sabi. "Ayoko. Gusto kitang marinig na kumanta," "Makulit ka talaga no?" ngumiti siya. "Sa'yo lang ako makulit." Tumayo siya at lumapit ulit sa pwesto ko bago siya nag salita ulit na dahilan para uminit ang taenga ko. "'Wag ka nang makulit, pumasok ka na sa loob dahil malamig na. Goodnight, Venice," Pumasok siya sa loob dala ang gitara niya at naiwan akong nakangiti sa labas bago ko kinuha ang tasa ng kape at pumasok sa loob. Deritso-deritso ako sa pag pasok ko sa kwarto at doon ako tumili dahil sa sinabi niya. Sinabi niya ba talagang goodnight sa akin? Hindi naman 'to panaginip 'diba? Nakatulog ako ng mahimbing, hindi na nga ako nag review pa dahil sa kilig na naramdaman ko kaya nang pumasok ay abot langit ang ngiti ko. Gusto kong maging malapit sa kanya kahit hindi niya ako gustuhin ay okay lang basta makilala lang niya ako ay sapat na 'yun. "Good morning!" malakas na sigaw ni Chris sa akin at yumakap sa akin bago umupo. "Good morning! Christmas na sa linggo, anong plano natin?" "Ano lalabas na naman ba tayo? "Tanungin mo sila, si Shane asan na 'yun bakit hindi na nag paramdam." umayos ako ng upo bago pinag krus ang braso. "Ewan ko ba sa babaeng 'yun hindi na nag paramdam, may out of the country daw siya ngayong pasko kaya busy sila. Hay! hindi ko nalang tinanong pa kung saan dahil humaba na naman ang usapan at mapunta na naman sa-" Tumigil siya pag sasalita at tinakpan ang bibig niya kaya nagulat ako dun sa ginawa niya. "Sa? Ano?" "Wala. Hindi na ba kayo nag uusap pa?" Umiling ako bilang sagot, hindi na si Shane nag re-reply sa mga chat ko sa kanya kaya akala ko ay busy kaya pinabayaan ko nalang siya. Na busy din naman ako sa condo dahil sa pag iisip tungkol kay Khaliel, kaya wala na akong oras para isipin kung anong nangyayari sa paligid ko o sa mga kaibigan ko dahil nag sasabi naman sila kapag may problema. Umuwi akong iniisip ang hindi natapos na sinasabi ni Chris, pero nang dumating ako sa condo ay binaling ko ang atensyon sa pag lilinis para sa darating na pasko. "Merry Christmas, Babe! Merry Christmas din sa papa at mama mo pakisabi." Tumawag si Mikka nang hapon ng linggo, bumati kami sa isa't isa bago siya nag paalam dahil may lulutuin daw siya kaya naintindihan ko. Wala akong maisip na lutuin dahil hindi ko naman alam paano mag luto ng pang pasko kaya umupo sa sofa para mag hanap. Nakuha ang atensyon ko ng post galing sa page ng Eclipse, may event sila mamaya sa plaza para salubongin ang pasko kaya tiningnan ko kung anong oras. Alas dyes mag sisimula ang event at mag papatuloy hanggang sa alas dose. Tinawagan ko si Chris kung free ba siya mamayang gabi, gusto ko sana na magpasama sa kanya dahil wala akong kasama kung pupunta ako. Wala naman akong gagawin dito sa loob kung dito lang ako mananatili. "Hello?" sagot niya sa kabilang linya. "Hello, Merry Christmas, Chris! Free ka ba mamaya?" "Mamaya pa ang Christmas kaya mamaya ka na bumati and yes, free ako mamaya bakit may lakad ba tayo?" "Meron, sasamahan mo ba ako?" nakangiti kong sabi. "Oh sige text mo kung kailan at may gagawin pa ako, g ako kahit saan. Sige na bye!" Pinatay ko ang tawag na malaki ang ngiti, madali lang talagang kausap si Chris kung may galaan kaya mas gusto ko siyang kasama e. Hindi nalang ako umorder pa ng pagkain para mamaya dahil sa plaza ko na sasalubungin ang pasko. Malamig ang labas dahil medyo umuulan kanina kaya naisip kong mag suot ng makapal na damit na kayang tumagal hanggang umaga. Usapan namin ni Chris na sa plaza nalang mag kikita para hindi na siya pupunta pa dito, pumayag naman siya kaya nag handa na ako para mamaya. Nag suot ako ng white hoodie jacket at black pants, sinuot ko din ang itim na cap ko para hindi ako malamigan. Lumabas ako ng alas otso pa ng gabi dahil medyo malayo-layo ang plaza at baka ma traffic pa ako sa daan kung hindi ako maaga pumunta doon. Lumabas ako ng unit at sakto na nag bukas ang kabilang pintuan kaya napatingin ako kasabay ang pag sarado ko ng pintuan ko. Nakita ko ang lalaking may dalang backpack sa likod, naka suot ito ng white long sleeve at itim na necktie at blue denim pants. Tumingin siya sa akin na nakahawak ang isang kamay niya sa bag bago siya humakbang papunta sa elevator. Agad akong sumunod sa kanya habang hawak ko ang tote bag na naka sabit sa kaliwang balikat ko bago ako pumasok sa loob ng elevator. Nakita ko ang pag-usog niya nang mapansin na pumasok ako bago tumabi sa kanya. Tahimik kami sa loob dahil wala namang ibang tao kundi kami lang, pinag krus ko ang braso ko nang tumunog ang cellphone ko kaya nag mamadali kong pinulot iyon. Nakita ko kaagad ang pangalan ni Chris sa screen kaya sinagot ko siya, "Hello," "Sa'n ka na te? andito na me bakit ang tagal mo?" Lumingon ako sa lalaking nakatayu lang ng deritso na naka tingin lang sa harap ng pinto. "Papunta na wait lang," Agad kong pinatay ang tawag nang sinabi niyang hihintayin niya ako doon kaya binalik ko ang cellphone ko sa loob ng bag. "You changed your wallpaper huh?" Ang malalim na boses niya ay rinig na rinig ko sa bawat sulok ng elevator kaya napatingin ako sa kanya, hindi niya inalis ang tingin sa pinto ng elevator at seryoso lang ang mukha niya. "Huh?" Alam kong nakita niya na ang wallpaper ko dati na mukha niya, ngunit pinalitan ko 'yun nung nalaman ko na kapitbahay ko siya dahil baka sabihin niyang patay na patay ako sa kanya. "Ako 'yan dati," humarap siya sa akin kaya halos nag kadikit ang mukha namin dahil hindi ko inalis ang mukha ko sa kanya. Buti nalang at mataas siya dahil kung hindi ay tumama na ang matangos niyang ilong sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil sa naramdaman, medyo kinilig ako dahil sa na imagine na para kaming nasa isang teleserye pero agad din nawala 'yun nang sumagot ako. "Dati lang 'yun, hindi na ngayon." "So, hindi mo na ako crush?" Lumingon ako sa kanya na hindi pa din inalis ang mukha niya sa akin, tumaas ang kilay niya nang mag tanong. Agad na kumabog ang dibdib ko dahil doon sa tanong niya, medyo kinilig ako dahil sa tono ng pag tanong niya pero pinigilan ko lang. I shrugged, "Ewan ko mukhang hindi na dahil hindi mo 'ko kinantahan nung nakaraang araw." ngumiti ako nang mapansin na bumukas ang pinto kaya lumabas ako doon. Hindi ko na siya narinig na may sinabi kaya deritso-deritso ako nag lakad papunta sa labas. Nag-abang ako ng taxi para ihatid ako sa plaza, punuan ngayon dahil pasko kaya walang huminto sa akin nang pumara ako para sumakay. Ilang minuto pa ay may humintong puting Van sa tapat ko kaya umusog ako at nag handa baka naman kakabilitin ako nito. Napatingin ako sa sasakyan nang mag bukas ang bintana nito at nakita ko ang lalaking kausap ko kanina sa elevator. "Walang sasakyan?" Tanong niya sa akin at tumingin-tingin sa paligid, nasa likod siya at hindi ako sigurado kung may tao pa siyang kasama except sa driver dahil hindi naman siya ang nag da-drive dahil nasa likod siya. "Maaga pa naman." sagot ko. "Gusto mong sumabay? Where are you going?" he ask smiling. Nako kung ganito ka gwapo ang kidnapper ay hindi na ako mag dadalawang isip pa na sumama, sasakay na agad ako. Gusto kong sabihin na sa plaza kung saan kayo mag pe-perform pero hindi ko nalang sinabi at umiling nalang ako. "Thank you, pero 'wag nalang baka maka abala pa ako." "Ayaw mo talaga?" tanong niya ulit. "ingat ka sa daan." sabi niya bago sumirado ang bintana ng sasakyan at umalis. Naiwan akong nakatayo sa gilid ng kalsada, naiinip na akong kakahintay sa sasakyan kung kailan dadating. Paulit-ulit nang tumawag si Chris sa akin kung nasaan na ako pero sinabi kong malapit na kahit hindi pa ako naka sakay. Mabuti nalang at may taxi na walang pasahero kaya nakasakay ako, ilang minuto din akong nag hintay bago dumating ang taxi. Umabot ako sa plaza alas nuwebe na kaya tinawagan ko si Chris para mag kita. Madaming tao sa sa plaza kaya hindi ko alam kung paano mahanap si Chris, sumiksik ako sa mga tao para pumunta sa gitna baka sakaling makita ko siya. "Sa'n ka ba?" "Malapit sa stage, nasa kaliwa. Baka mag ka salisi tayo kung aalis ako." sagot niya. Pumunta ako sa pwesto na sinabi niya at mabuti nalang at nakita ko siya kaya lumapit ako. "Ba't ang tagal mo?" Hindi pa nag simula dahil mamaya pa naman alas dyes ito kaya wala pang tao sa stage. "Walang sasakyan, alam mo naman maraming pasahero ngayon." May naka harang sa baba ng stage para hindi mapunta ang mga tao doon, humawak ako doon para hindi matumba nang nag siksikan ang mga tao para pumunta sa tapat ng stage. May nakita akong mga fans ng Eclipse dahil naka suot sila ng mga headband at mga banner na dala, wala akong ibang dala para ipakita ang support dahil hindi naman ako mahilig bumili ng mga merch nila. May nakita din akong mga papel na may naka sulat para mapansin ng artist 'yun may : Merry Christmas, Eclipse! Jeff notice me. Khaliel, can I have your pick? Khaliel, marry me! Hi John, take care of yourself kapag hindi ay ako ang mag aalaga sa'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD