CHAPTER 12

2030 Words
Natuwa ako sa nabasa ko, halong-halo ang mga sulat pero hindi ko na nabasa iyon lahat dahil masakit sa mata. "Sana pala nag sulat ako para hingiin ang guitar pick niya o kaya siya nalang kaya hingiin ko." sabi ko bago humarap kay Chris. "Hay nako, sis hindi ka nyan papansinin dahil sa dami ng tao dito hindi na niya babasin pa 'yan." sabi niya sa akin na naiinip na. "Be positive naman pustahan tayo kapag may nabasa siyang kahit isa lang dyan tatawagin kitang demonyo hanggang next year?" "At paano 'pag wala siyang mabasa kahit isa dyan tatagin kitang?" Tumaas ang kilay niya bahagya at ngumiti siya, "You can call me Mrs. Cruz..." sabi ko bago ngumiti. "Ang daya mo naman, 'wag nalang ako lang naman ang matatalo." Nang alas dyes na ay sumigaw na ang mga tao dahil alam na nilang ilang minuto nalang ay lalabas na sila. Excited ang lahat para sa banda na makikita nila, samantalang ako ay excited na makita siya kahit na nag kita pa kami kanina. "Ayan na sila!" sigaw ng babae sa gilid ko. Ngumiti ako nang nag bago ang kulay ng ilaw bago ito namatay, madilim ang paligid kaya kumapit ako sa braso ni Chris baka mawala ako. Umilaw ulit ang stage at kasabay nun ay ang pag tunog ng drum at kumulay ng pula ang stage. Sumigaw ang mga tao at tumalon dahil sa saya nang nakita nilang nakatayo na sa harap ang apat na myembro at ang isa ay naka upo lang na hawak ang drum stick sa kamay. Nakita ko siyang hawak ang itim na electric guitar sa kamay, suot niya pa din ang sinuot niya kanina at hindi na siya nag bihis pa. Napuno ng hiyawan ang plaza bago sumigaw si Jeff ng malakas. "Merry Christmas!!! Excited na ba ang lahat?!" Turo niya sa mga taong sumigaw at kasabay nun ay ang malakas na pag sigaw namin. "Yes!!!" Kinalabit ni Khaliel at ang isang may hawak din na electric guitar na si John ang gitara, kasabay nun ay ang pag talon nila sa stage. Tumingin ako sa kanya na enjoy na enjoy sa ginagawa niya kaya hindi ko mapigilan na mapangiti, parang may sariling buhay din ang buhok niya dahil sa pag lipad din nito nang tumalon siya. "I love you!" sigaw ko kasabay ang pag kanta niya. "My idea of a perfect Christmas is to spend it with you, in a party or dinner for two... anywhere would do," he sang. Sumabay ako sa kanya, sumasabay din ang mga taong nasa likuran ko at nag patuloy kami sa pag sabay hanggang sa natapos ang kanta. Kumanta ulit sila ng tatlo pang kanta bago nakipag-kulitan sa mga tao. "Masaya ba kayo na salubongin ang pasko kasama namin?" John said. Agad na umingay ang mga tao at itinaas ang mga dala nilang banner sa kamay, nakuha ng atensyon ni Jeff ang malaking banner na hawak ng isang babae kung saan may naka sulat na Khaliel can I have your guitar pick? "Khaliel, can she have your pick ba daw?" he chuckled and look at Khaliel na agad hinanap kung saan ang sulat. Sumigaw ang babae sa gilid ko kaya napansin iyon agad ni Khaliel dahil nasa harapan lang naman kami. Imbis na sa babae pumunta ang mata niya ay sa akin iyon dumapo, kumabog ang dibdib ko nang mata ang mga mata naming dalawa bago siya tumingin sa babaeng may hawak ng sulat. "Bibigay na 'yan! Bibigay na 'yan!" Sigaw ng mga tao kaya napatawa siya doon, sumabay din ang ibang myembro ng banda bago siya nag salita. "Anong pangalan mo?!" tanong niya. Agad na sumigaw ang babae bago tumili dahil napansin siya ng lalaki, nakangiti si Khaliel at inayos ang buhok nang malakas na sumigaw ang mga tao. Bumaba siya sa stage at pumunta sa harapan bago lumapit sa amin, tahimik lang ako nang lumapit siya sa pwesto namin bago lumaki ang ngiti. "Merry Christmas, Janice!" sabi niya bago inabot ang pick niya. "Omg, thank you so much! Pwede po pa picture?" Agad na hinarap ng babae ang camera bago sila nag picture, malaki pa ang ngiti niya at naka ilang click pa ang babae bago siya kumaway sa mga tao. Ang ibang mga tao din ay naka tuon din ang camera sa kanya at nag kagulo. May favoritism talaga siya pagdating sa akin dahil nung ako ang nag pa picture ay kaagad siyang umalis, samantalang sa kanila ay nakipag-usap pa siya. Bumaling ang tingin niya sa pwesto namin ni Chris kaya ang mga tao sa likod ko sumisigaw ng malakas, ngumiti lang ako at hindi ko na nag abala pa na kumuha ng picture dahil nakita ko na naman siya. Nang mag tama ang mata namin ay agad na lumaki ang ngiti niya sa akin, humawak ako sa railings na nakaharang bago siya kumaway na naka ngiti at umalis. Fake. Nang nasa stage na ulit siya ay nawalan ako ng gana dahil sa ginawa niya sa ibang fans niya, samantalang sa akin ay kaagad na kumunot ang noo niya kapag nakita niya ako. Nag salita ang mayor bago sila ulit kumanta hanggang sa malapit nang mag alas dose, sabay-sabay kaming sumigaw bago ko nakita ang fireworks sa madilim na mga ulap kaya kinunan ko iyon ng picture. "Masakit na 'yung paa ko kakatayo!" reklamo ni Chris sa akin sabay tinaas niya ang kaliwang paa niya. "Hoy, uuwi na din tayo maya-maya kaya tiisin mo muna." sagot ko sa kanya at binalik ang tingin sa stage. Unti-unti nang nag alisan ang mga tao sa paligid dahil alas una na at nag closing speech na rin ang mayor kaya pwede nang umuwi. Sinuot ko ang sombrero ko bago ko hinatak si Chris na umalis na dahil inaantok na ako. Wala na din ang banda sa stages kaya aalis na nalang din kami dahil pa tapos na din. bago kami umuwi ay nag lakad-lakad muna kami sa daan kung sakaling may bukas pa na tindahan para kumain. Sa huli ay napunta kami sa seven eleven dahil 'yun nalang ang bukas kaya pumasok kami doon. Hinatid ako ni Chris sa condo alas dos na nang umaga kaya kaagad akong pumasok dala ang supot na galing sa tindahan, laman nun ay siopao dahil medyo masarap ang lasa kaya bumili ako ng isa para dalhin. Tahimik ang paligid ng lobby kaya pumasok ako sa elevator at pinindot ang floor na pupuntahan ko, bago sumirado ang pinto ay may humarang na kamay doon kaya natakot ako. Pumasok doon ang lalaking kanina ko nakita sa stage at ang lalaking kapitbahay ko. Napatingin siya sa akin bago ako umiwas ng tingin sa kanya, tahimik lang ako at hindi tumingin nang tumabi siya sa akin. Narinig ko ang pag buntong hininga niya bago ko narinig ang boses niya ulit. "Did you enjoy?" he ask. Inangat ko ang ulo ko para makita ang reaksyon niya, nakatingin siya sa akin habang hawak ang cellphone niya sa kamay. Tumango ako sa kanya bilang sagot at umiwas ulit ng tingin, hindi na din siya nag salita ulit kaya natahimik ulit ang paligid bago bumukas ang pinto kaya agad akong lumabas. Sumunod siya sa akin at nang pinindot ko na ang passcode ko sa pintuan ay nakita ko siyang huminto sa tapat ng pintuan niya. Tiningnan ko siya na nakatingin sa akin, seryoso ang mukha at ang isang kamay ay nasa bulsa niya naka lagay. Nang bumukas na ang pinto ay agad ko itong hinila para makapasok ako nang marinig ko siya ulit na nag salita. "Merry Christmas...Venice," mahina niyang sabi. Parang may kung anong naramdaman ako sa tiyan ko nang lingunin ko siya, naka tingin lang sa akin at hindi pa din gumalaw mula sa kinatatayuan niya. Ngumiti ako sa kanya bago pumasok sa loob pero bago iyon ay sinagot ko siya. "Merry Christmas," sabi ko at sinarado ang pinto. Kakaiba ang nararamdaman ko nang makapasok ako sa loob ng unit ko, kumabog ang dibdib ko ng malakas at nakaramdam ako ng pag iba sa tiyan ko bago ako tumili. He greeted me Merry Christmas. Merry Christmas, Khaliel... Ito na yata ang pag bati na pinaka masaya na narinig ko, Khaliel greeted me Merry Christmas na alam kong dadalhin ko 'yun hanggang sa susunod na taon. Nakatulog ako ng mahimbing at nagising nalang ako sa tunog na nanggaling sa ibabaw ko. Inabot ko ang cellphone na tumunog bago iyon sinagot, tumawag si Auntie kaya kahit gusto ko pang matulog ay sinagot ko nalang. "Hello..." bumangon ako para umayos ang pag sagot ko sa kabilang linya. "Merry Christmas, Venice! Sabi ng papa mo mag sabi ka daw kung anong oras ka uuwi sa New Year?" "Hindi ako uuwi." mabilis kong sagot. "Pero kailangan mag kasama tayo dahil bagong taon, alam mo naman ang papa mo gusto na kasama ka niya kapag bagong taon." Talaga ba? Gusto akong kasama ni papa kapag bagong taon? Kailan naman nangyari na 'yun, hindi ko naalala na kasalo ko si papa sa hapag tuwing sasalubungin namin ang bagong taon. Nakikita ko lang siya kapag umaga na, o kaya tapos na ang taon dahil palagi siyang nasa kwarto dahil may ginagawa daw para sa bayan. "Pakisabi nalang po, Auntie na maaga po ang pasukan namin kaya hindi ako makakauwi pa." "Oh, sige sasabihin ko, Venice. Pero kung gusto mong umuwi, umuwi ka ha?" Pinatay ko ang tawag at bumalik sa pagka higa, nalulungkot ako dahil wala akong kasama dito kapag bagong taon. Pero mas malungkot kung sa bahay ako mag bagong taon pero hindi naman kami kompleto, kahit isang beses man lang ay hindi nagawa 'yun ni papa para sa amin, para sa akin. Bumalik ulit ako sa pag tulog, nagising lang ako nang maramdaman kong kumulo na 'yung tyan ko dahil sa gutom, ala una na pala ng hapon, at ilang oras na pala akong naka higa dito sa kwarto na hindi lumalabas. Bumangon ako para mag hanap ng pagkain, ininit ko ang siopao na binili ko at kinain ko 'yun pero hindi pa din sapat kaya nag hanap ako ng iba pang pagkain sa ref. Wala akong gana mag luto pa kung mag luluto pa ako ng pagkain, kaya nag pa deliver nalang ako sa grab ng pagkain. Ilang minuto pa ay dumating na ang pagkain kaya agad akong lumabas ng pinto, dumating na 'yung pizza at dalawang milktea na inorder ko at isang pasta kaya matapos kong bayaran ay kaagad akong pumasok sa loob. Umupo ako sa sofa at nilagay ang pagkain sa maliit na lamesa, binuksan ko ang tv bago ako nag hanap ng kanta at pina play iyon. Alas tres nang matapos akong kumain pero hindi ko 'yun naubos kaya nilagay ko 'yun sa refrigerator bago pumunta sa kwarto. Nag scroll-scroll ako sa feed dahil sa walang magawa hanggang sa naka tulog ako. Nagising ako sa tunog ng cellphone ko sa taas kaya kinuha ko 'yon, tumawag na naman si Auntie sa akin. "Hello, Auntie?" "Venice, hindi ka ba talaga uuwi?" Boses ng lalaking matagal ko nang hindi narinig, medyo kinabahan ako sa tuno ng boses niya kaya hindi ako nag salita. "Pa," tanging sagot ko. "Hindi ka talaga uuwi sa bagong taon, Venice?" "Pa, may gagawin pa po ako para sa susunod na taon. Marami pa po akong kailangan ayusin para sa pag-aaral ko, kung uuwi ako dyan wala din naman akong gagawin." pag sinungaling ko sa kanya dahil alam kung kapag nagalit siya ay alam kong susunod kaagad ako. Ayokong umuwi pa sa bahay, mag kukulong lang din naman ako sa kwarto na walang ginagawa kundi matutulog lang. "Pero, Venice sa April kailangan mong uuwi, alam mo na 'yon 'diba?" "Yes, pa." Fiesta ng San Rafael sa Abril at sinabi na ni papa 'yun sa akin dati pa, nung unang fiesta ay hindi ako naka punta kaya nagalit siya sa akin. Matapos niyang patayin ang linya ay tinali ko ang buhok ko bago lumabas. Madilim na sa labas nang lumabas ako, alas sais na at kita ko na ang mga ilaw ng sasakyan sa labas kaya pumunta ako sa veranda. Nang buksan ko ang pinto ay narinig ko ang pag kalabit ng gitara sa kabilang veranda kaya napatingin ako doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD