"My idea of a perfect Christmas is to spend it with you, In a party or dinner for two anywhere would do..." pag kanta niya.
Nakayuko lang siya na nakatingin sa gitara niya kaya pwede ko siyang titigan dahil hindi siya naka tingin sa akin. Parang hinihele ako sa maganda niyang boses na para bang gusto ko nalang makinig hanggang sa makatulog ako. Ang lamig ng hangin na dumapo sa balat ko at ang busena ng sasakyan at ang maganda niyang boses lamang ang tanging naririnig ko.
Pakiramdam ko ay para akong nasa isang panaginip at ayoko nang magising dahil baka hindi ko na ulit marinig ang boses na 'yon. "Celebrating the yuletide season, always lights up our lives. Simple pleasures are made special too when they're shared with you..."
Nakita ko siyang napapikit at patuloy lang sa pag kanta na pakiramdam ko ay hindi niya ako napansin dahil sa naka pokus lang siya sa ginagawa niya, na para bang sa bawat pag bukas ng bibig niya para sabihin ang mga katagang iyon at ang mahina niyang pag kalabit ng gitara ay pakiramdam ko may gusto siyang pag sabihan nun.
Lumapit ako papunta sa railings ng veranda para mas marinig ko pa siya ng malinaw, patuloy lang siya sa pag kanta bago siya dahan-dahan na dumilat at inangat ang ulo nang mapansin ako.
"I can't think of a better Christmas, than my wish coming true. And my wish is that you'd let me spend my whole life with you,"
Nag tama ang mga mata namin kaya matapos niyang kantahin ang linyang iyon, ay hindi na ulit siya kumanta pa dahil nakita niya ako. Bahagya siyang napangiti sa akin, matapos iyon ay parang naka limutan ko na ulit huminga pa sa harapan niya.
Tumayo siya bago niya ilagay ang gitara sa gilid ng upuan at humawak sa railings na naka harap sa akin. "Para sa 'kin ba 'yung kanta?" naka ngiti kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang pag iwas niya ng tingin bago bahagyang ngumiti, "Kung 'yon ang naisip mo." sabi niya.
"Bati na tayo?" parang tanga kong tanong sa kanya.
Kumunot ang noo niya kasabay nun ay ang pag pakawala niya ng mahinang tawa. "Nag away ba tayo?" ngumiti siya sa akin.
Jesus. My heart.
Ngumuso ako at pinag krus ang braso bago ako yumuko at pinatong ko braso ko bago tumingin sa baba. "Nagalit ako sa'yo," pag amin ko.
Tumawa siya ulit kaya natahimik ako bago ko siya tingnan, "bakit ka tumawa?"
"Bakit ka naman nagalit sa 'kin?" he ask. cute naman!
Narinig ko ang mahinang pagka sabi niya kaya parang uminit ang pisngi ko dahil doon. Naka ngiti ako na tumingin sa kanya habang ganun din siya sa akin. Pwede pala 'tong mangyari bakit ngayon lang, bakit ngayon ko lang alam na dito pala siya nakatira.
"May favoritism ka pagdating sa mga fans mo lalo na sa akin, nung ako naman ang nag pa picture sa 'yo umalis ka kaagad." umiwas ako ng tingin sa kanya.
Tumingin ako sa baba at nag muni-muni, gusto ko sana na bawiin ang sinabi ko pero hindi ko na 'yon magagawa pa dahil nasabi ko na. Agad na naman akong kinain ng hiya dahil baka sabihin niyang isip bata pa ako.
"Hindi ko matandaan na nag pa picture ka sa akin dati?"
Inangat ko ang ulo ko para lang makita ang kunot niyang noo na nasa tingin sa akin, umayos siya ng tayo at ginaya ang posisyon ko. "Nung pinuntahan niyong School Fair dun malapit lang dito." sabi ko
Grabe naman siya, akala ko kilala niya nako nun dahil sa pag ka lasing ko pero hindi pa pala. O baka naman hindi niya talaga ako naalala dahil sino ba naman ako para alalahanin. "Nevermind sino ba naman ako para alalahanin mo 'diba?"
Seryoso na ang mukha niya na mukhang nag-iisip nang kung anu-ano, parang inalala niya ang araw na 'yun pero hindi niya maalala dahil sa dami ng studyanteng lumapit sa kanya.
"'Wag mo nang isipin, sasakit lang ang ulo mo hindi na naman 'yun importante." lumaki ang ngiti ko sa kanya bago siya umayos ng tayo.
"Nasaan na 'yung t-shirt na may perma ko?" bigla niyang sagot.
Lumaki ang ngiti ko sa kanya dahil naalala na niya ako, talagang iniisip niya lahat ng nangyari nung gabing 'yun ah.
"Wala na, burado na dahil ballpen lang naman 'yung ginamit ko. Bakit bibigyan mo ulit ako ng perma mo?"
Kinagat niya ang ibabang labi niya at nakita ko 'yun, halos tumalon ang puso ko nag mapalitan iyon ng malaking ngiti bago siya sumagot. "Kung gusto mo,"
Lumaki ang mata ko sa sagot niya, kaagad ay pumasok ako sa loob ng kwarto at kumuha ng t-shirt bago ako bumalik sa kanya na malaki ang ngiti. "Bibigyan mo talaga ako?"
Nilahad niya ang kamay niya kaya inabot ko 'yung t-shirt ko pero hindi niya maabot kaya binato ko 'yun. Nang nasa kanya na ay umalis siya dala ang damit ko, nag antay ako na bumalik siya at nang bumalik na siya ay may dala siyang marker.
"Sa likod lang?" maikli niyang tanong.
Agad akong tumango bago niya sinulatan ang likod ng damit ko. Tumingin lang ako doon sa ginagawa niya bago siya nag angat ng tingin sa akin. "Anong pang gusto mong isulat ko?"
"Anything." sabi ko bago ngumiti sa kanya bago siya yumuko.
Inabot niya ulit sa akin ang damit ko matapos niyang sulatan iyon, tuwang-tuwa ako na kunin 'yun at tiningnan kung anong nakalagay. May pangalan niya sa taas at nilagyan niya 'yun ng perma sa taas ng pangalan niya, sa baba ay may naka sulat na nakalagay kaya binasa ko 'yun.
Venice, don't be drunk next time:(
Lumingon ako sa kanya na naka tingin lang sa akin, nilalaro niya ang marker sa kamay at tahimik lang siya na pinag masdan ang reaksyon ko. "Thank you! Pero grabe ka naman nilagyan mo nalang sana ng Venice is beautiful!"
"Pwede ko pa namang sulatan," sagot niya.
Uminit ang taenga ko sa sinabi niya, parang tumigil ang pag t***k ng dibdib ko dahil sa sinabi niya akin. Nag panggap na ako hindi kinilig kahit na parang lumabas na 'yung puso ko sa tuwa pero pinigilan ko lang ang sarili ko.
"Huwag na lang. Pwede bang pictures nalang? Christmas gift nalang ganun."
"Next time, Venice pumasok ka na sa loob dahil malamig na." sabi niya.
"Damot mo naman, crush! Promise 'yan ha next time?" ngumiti ako sa kanya bago dahan-dahan na kumaway at pumasok sa loob.
Iniwan ko siya doon na nakangiti, hindi ko alam kung bakit ako sumunod sa kanya dahil pumasok sa loob. Niyakap ko ang sarili ko bago tumalon sa saya at pumasok sa kwarto. Wala pa pala akong dinner kaya bumalik ako sa kusina para kumuha ng pagkain, nag luto nalang ako ng hotdog para mabilis lang bago ako bumalik sa kwarto at natulog.
Tinabi ko pa ang t-shirt na may perma at sinulatan niya kanina, hindi pa rin nag sink in sa akin na kausap ko siya ng ilang minuto at nag tawanan na para bang matagal na kaming mag kakilala.
Walang nangyari ulit sa sumunod na araw, hindi ko na din nakita si Khaliel sa veranda tuwing pumupunta ako dahil sa mga post ng page nila ay may gig sila hanggang sa thirty-one kaya full ang schedule nila dahil sa rehearsal din. Naisip ko na pumunta sa event kung saan maraming artist na pupunta para salubongin ang bagong taon, kasama na sila doon kaya mas masaya sana kung andun ako.
Wala akong kasama kung pupunta ako doon dahil shempre hindi naman si Chris na sumama dahil hindi siya papayag na sa ibang bahay niya salubongin ang bagong taon. Kung pupunta man ako doon ay ako lang mag-isa, mahirap pa makahanap ng sasakyan dahil New Year kaya naisip ko hindi nalang siguro.
Wala akong kasama dito sa loob kung dito ako aabutan ng bagong taon, kung may nanay pa siguro ako ay uuwi ako sa bahay para kahit papaano ay hindi malungkot kahit na wala si papa, pero buong buhay ko ay hindi ko siya nakasama tuwing bagong taon dahil wala na siya.
Mamayang gabi na ang salubong ng bagong taon, nag iisip pa rin ako kung dito lang ba ako mag papalipas ng bagong taon sa loob ng bahay. Natatakot ako na lumabas dahil kahit na maraming tao ay wala pa din akong kasama mag lalakad sa daan kung pupunta ako doon.
Sa huli ay nakita ko ang sarili na nag luluto ng pasta at fried chicken. Bumili ako sa online ng maliit na cake para naman kahit papaano ay may handa ang lamesa ko, ayoko naman na walang laman ang mesa ko habang ang mga tao sa labas ay masaya na nag ce-celebrate ng bagong taon.
Humiga ako sa sofa habang naka tingin sa live sa tv ng countdown para sa bagong taon, alas onse na at patuloy pa rin sa kantahan at sayawan ang stage para sa bagong taon. Andyan dapat ako kung tumuloy lang ako na pumunta pero mas pinili ko nalang na hindi na umalis pa. Hindi ko pa din makita ang Eclipse na nag perform kaya nag hihintay ako na lumabas sila.
Nag scroll-scroll ako sa social media para mawala 'yung antok ko dahil nag babasa pa ng comment ang host kaya iniwanan ko muna. Lumabas sa feed ko ang post na galing sa account ng Eclipse kaya binasa ko 'yung sulat nila.
We would like to inform our fans that the member of ECLIPSE, Khaliel Cruz will not attend the New Year Countdown due to the health reasons. We would like to ask for the outmost understanding of the fans.Thank you.
Nalungkot ako nang mabasa ko 'yun, hindi ko pala siya makikita ngayon sa live kaya tumayo ako para pumunta ng veranda. Umuwi siguro siya sa bahay nila kaya hindi ko na rin siya nakita na lumabas ng unit niya. May iilang fireworks na ang nag putukan kahit na wala pa namang alas dose ng hating gabi.
Maganda ang kailangitan ngayon dahil sa mga fireworks na nasa itaas, tumingala ako doon para panoorin 'yon nang mapansin kong nag bukas ang pinto sa kabilang veranda. Tumingin ako doon bago ko nakita ang lalaking naka suot ng makapal na damit at naka sombrero.
Tumingin siya sa akin at lumapit sa railings malapit sa akin, bumuntong hininga siya bago siya ngumiti sa akin at umiwas ng tingin. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya, maputla din ang kanyang labi kaya nag aalala ako.
"Hindi ka pala umuwi sa bahay niyo?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya at tumingin sa harapan ng tapat ng building. "Dito ka lang din?"
Tumango ako at ngumiti bahagya, "Pareho lang din naman kapag umuwi ako sa bahay, wala naman ding mangyayari kapag andun ako."
"Nabasa ko 'yung balita tungkol sa'yo, kaya pala hindi na kita nakitang lumabas dito. May lagnat ka?"
Umiling siya "Wala. Kaunting pangangati lang." tumawa siya at inayos ang sombrero na suot.
"Since when? Sayang New Year pa naman tapos may sakit ka, alagaan nalang kaya kita para hindi ka na mag kasakit?" pag biro ko sa kanya.
Ngumiti siya at nag iwas ng tingin, niyakap ko ang sarili dahil sa lamig na naramdaman nang lumakas ang hangin na napunta sa balat ko.
"Paano ka makaka siguro na aalagaan mo ako kung hindi mo nga maalagaan ang sarili mo kung lasing ka?"
"Aalagaan kita at hindi na ako mag lalasing para sa'yo," seryoso kong sabi.
Lumiwanag ang mukha niya bago napunta ang tingin niya sa baba. "Can you do that?"
"I can. Wala ka bang tiwala sa 'kin?" tumawa ako dahil mukhang seryoso na ang mukha niya sa sinabi.
"I know you can do that, Venice pero hindi mo kailangan tumigil dahil sinabi ko. Be yourself kung saan ka masaya gawin mo, hmmm?"
"Pero masaya ako sa 'yo." pa biro kong sabi sa kanya.
Hindi ako sigurado kung seryoso siya sa sinasabi niya, ang alam ko lang ay tatandaan ko na 'yung sinabi niya pipilitin kong hindi na uminom pa para sa kanya.