CHAPTER 14

1999 Words
"You will celebrating New Year alone?" he ask. "Oo nga eh, pero kung gusto mong samahan ako g naman ako dyan!" masaya kong sagot sa kanya. "I will celebrating New Year alone too," tumawa siya bago nag salita ulit. "Madaming pagkain na binigay sa akin maybe you can help me eat, bigay ko sa'yo." tumawa siya. "Huh? Sure ka ba neighbor?" hindi seryosong sabi ko sa sinabi niya. "It's already eleven fourty-five o'clock, Venice kunin mo dito kung gusto mo." sabi niya bago ako iniwan na nakatayo. Hindi ako sumunod sa sinabi niya, baka isipin pa niyang seryosohin ko ang sinabi niya sa akin. Bumalik nalang din ako sa loob at pumunta ng sala, ilang minuto nalang at bagong taon na. Pag balik ko ay nasa live na ang Eclipse na kumakanta, kaya siguro pumasok na si Khaliel sa loob para manood sa mga kasama niya. Nang matapos ay lumabas na silang lahat para sa countdown, sampung minuto nalang at bagong taon na. Panibagong taon na naman ngunit parang walang nangyari sa buhay ko, si Venice pa rin na mag-isa, na walang kasama. Napatingin ako na umilaw ang cellphone ko sa gilid kaya napatingin ako doon, nakita ko ang notification sa screen na chat galing kay Khaliel. khaliel_cruz Ayaw mo talaga? Grabe naman 'yan. New Year na New Year! Gusto ata niya akong ma kasama e... nakangiti ako na pinulot ang phone ko bago ako nag reply. zhravenice_corvero Papunta na po! Nag mamadali akong tumakbo papunta sa labas para hindi pa ako maabutan ng bagong taon, may limang minuto pa naman ako para pumunta sa kanya. Kumatok ako sa unit niya at hindi naman nag tagal binuksan niya naman 'yon. Ngumiti ako sa kanya bago tumingin-tingin sa loob, maputla ang itsura niya kaya nag-alala ako sa kanya dahil mukhang sasalubungin niya ang taon na may sakit. "Hintay ka, kukunin ko lang." sabi niya na seryoso ang mukha. "Okay ka lang ba? Parang ang putla mo ngayon ah, sigurado ka na okay ka lang?" sumunod ako sa kanya dahil pinapasok niya ako sa loob. Nag paiwan ako sa sofa habang pumunta siya sa kusina, tiningnan ko ang cellphone sa kamay ko at tatlong minuto nalang bago mag alas dose. Hindi pa rin siya bumalik kaya pumunta ako sa kusina niya dahil medyo matagal siya, nagulat ako na nakatayo lang siya sa lamesa na nakayuko at naka hawak sa lamesa. "Okay ka lang ba?!" sigaw ko mula sa pintuan bago pumunta sa kanya. Napalingon siya sa pwesto ko at nang makita ko ang mukha niya ay namula-mula ito at dahil naka suot siya ng sombrero ay hindi ko halos makita ang ang mukha niya ng buo. Umayos siya ng tayo bago kinuha ang nasa lamesa at lumakad papalapit sa akin, pero bago 'yon ay napansin ko siyang hindi niya ma balanse ang katawan niya kaya nag mamadali akong lumapit sa kanya. Matutumba na sana siya sa sahig pero bago pa iyon ay kumapit ako sa braso niya para alalayan. "Hoy! Bakit hindi ka nag sabi na nahihilo ka?" Kinuha ko sa isang kamay niya ang supot na kinuha niya sa lamesa, pinulupot ko ang isang kamay ko sa bewang niya para maalalayan ko siya ng maayos. Hindi siya nag salita at pinilit niyang umayos ng tayo kaya naman binalik ko supot sa lamesa habang hawak ko pa din siya, dinala ko siya sa labas at pinaupo sa sofa. Natanaw ko na ang labas na marami nang fireworks kaya alam kong alas dose na, tiningnan ko lang siya na hawak ang ulo niya at umayos ng upo. "I'm sorry..." inangat niya ang ulo niya. "Happy New Year!" masayang bati ko sa kanya. "Okay lang. Okay ka na naman 'diba?" "You can get the food, Venice." "Hindi kita iiwan baka ma pa'no ka pa dito, gusto mo ng tubig? O uminom ka na ba ng gamot?" Umiling siya na parang bata sa akin, ang sarap mo namang alagaan kung ganyan ka sa akin. Nabuhay tuloy ang pangarap kong maging doktor dati kung siya palagi 'yung pasyente ko. Umupo ako sa tabi niya pero hindi masyadong malapit dahil baka paalisin ako ng wala sa oras. "Hindi ka ba nag pa check up?" "Kanina lang 'to," umiling siya. "Wala ka bang gamot dito? Bakit hindi ka uminom ng gamot para naman hindi ka na mahilo." pinag krus ko ang braso ko at sumandal sa sofa. Huminga siya ng malalim at akmang tatayo na sana siya pero napansin ko kaya hinila ko ang kamay niya. "Hoy! Baka matumba ka!" Sumunod naman siya sa sinabi ko, tiningnan niya lang ako bago siya umiwas ng tingin. "Bagong taon na ngumiti ka na para hindi ka na magka sakit." "Umuwi ka na, Venice at dalhin mo na 'yung pagkain dun, sige na." sumandal siya sa sofa kaya hinarap ko siya. "Hindi ako uuwi hangga't hindi ka maayos, ikaw ang nagpa punta sa 'kin dito tapos pauuwiin mo na agad ako? Grabe ka naman!" Tumawa siya ng mahina bago ako hinarap pero ang ulo niya ay naka higa pa rin. "You like sea foods, kaya kita binigyan dahil masayang lang naman kung hindi ko ibibigay sa'yo kaya pinapunta kita." "Weeeehhhhh? Bakit naman palagi kang binibigyan ng sea foods kung hindi ka kumakain? Hindi ba nila alam 'yon?" Umiling siya, "No. Tumatanggap ako ng bigay nila dahil binigay nila kaya tinatanggap ko. Binibigay ko 'yun sa mga bata sa daan kapag pauwi ako o kaya naman sa kasama ko." "Ah alam ko na! Tinikman mo 'yung pagkain no?" tinuro ko siya bago siya umiwas ng tingin. "Kunti lang," bumangon siya. "natatakam kasi ako akala ko hindi siya e-epekto dahil kunti lang kaya... ayon!" ngumiti siya. Nang makita kong ngumiti na siya ay ngumiti din ako, lakas talaga ng epekto niya sa akin dahil kaunting ngiti ay nadadala na ako. "Pwede ko bang kainin 'yun dito? Kanina pa ako hindi kumakain dahil nag hihintay ako ng alas dose." Tumango siya at hindi nag salita, pumunta ako sa kusina at kinuha 'yun. May ibang mga pagkain pa bukod sa sea foods kaya tiningnan ko 'yun at kumuha. Bumalik ako dala ang plato sa kamay at umupo sa tabi niya, para namang close na kami dahil comfortable na akong tumabi sa kanya. Kahit na pina uwi na niya ako kanina pero hindi ako sumunod dahil siya naman ang nag papunta dito sa akin. "Tikman mo masarap." sabi ko at inabot sa kanya ang tikoy na kinuha ko sa lamesa niya. Naka pikit siya habang naka higa kaya nang sinabi ko 'yun ay dumilat siya, naka ngiti ako na tinitingnan siya at inabot ang kutsara sa kanya. Tumingin siya doon bago bumangon at kinuha 'yon, akala ko ay tatangi siya pero hindi kaya lumaki ang ngiti ko. Kumuha siya ng kaunti bago iyon dinala sa bibig niya, tiningnan ko lang siya sa pagsubo dahil kahit kumain siya ay gwapo pa rin sa paningin ko. "Ano masarap?" tanong ko sa kanya matapos niyang ilagay ang kutsara sa plato. Tumango siya bago tumayo, hindi ko na siya na pigilan pa dahil sa pagtayo niya ay hindi na siya nawalan ng balanse kaya mukhang okay na naman siya. Pumunta siya sa kusina niya habang nag hihintay lang ako sa sofa na patuloy na kumain. Malaki ang sala niya kompara sa akin, halos mag kaparehas lang kami ng style pero mas maganda sa kanya dahil maraming design. Nang bumalik siya ay may bitbit siya na isang plato sa kamay, tiningnan ko lang siya na umupo sa tabi ko bago ako nagsalita. "Hindi ka na nahihilo?" Umiling siya bago sumubo, "Gusto mo?" inabot niya sa akin ang kutsara na may pasta. Umiling ako sa kanya dahil may pasta din ako sa unit ko, 'tsaka busog na din ako kahit pa subuan niya ako hindi ko pa din kakainin kahit siya pa 'yan. "Busog na ako." sabi ko bago tumayo. "Uuwi na ako, mag pagaling ka, bibigyan kita ng gamot bukas o baka naman may gamot ka uminom ka nalang, neighbor." Tumawa ako bago pumunta sa kusina para isuli ang plato na kinainan ko, nag hugas ako ng kamay pagkatapos kong pag hugasan ang kinainan ko. Baka hindi niya na ako pabalikin dito 'pag hindi ako nag hugas o baka ma turn off sa 'kin mahirap na. Nang makabalik ako ay wala na siya sa sofa kaya hinanap ko kung saan siya, nakita kong bukas ang pinto ng veranda kaya alam ko andun siya. Pumunta ako doon para mag paalam sa kanya na uuwi na ako para naman alam niyang uuwi na ako. Nakita ko siyang naka hawak ng plato na nakatayo sa dulo kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya, I cleared my throat before I speak. "Bakit nasa labas ka? Malamig dito," I said. Liningon niya ako at umayos ng tayo, tiningnan niya lang ako ng deretso kaya humawak ako sa railings nag hihintay ng sagot mula sa kanya. Tumingin ako sa mga ulap na may fireworks pa rin kahit ilang minuto na ang naka lipas matapos ang alas dose. Ang ganda na iba't ibang kulay ang nasa taas kaya kinuha ko ang phone ko na nasa bulsa at kinunan ng litrato. Nang lumingon ako ay naka tingin din siya kung saan ako nakatinginan, nang liningon niya ako ay nag tama ang mata namin bago siya umiwas. "Ganda no?" sabi niya na nakatingin sa malayo. "Pero mas maganda ako?" pag biro ko. Lumingon siya sa akin bago natawa, gusto ko lang naman din humaba pa ang pag-uusap naming dalawa. Napatawa din ako bago kinuha ang phone ko sa bulsa at tinanong siya. "Pwede na ba akong magpa picture?" tinaas ko ang phone ko at ngumiti na parang bata. Hindi ko alam kung papayag siya pero gusto ko lang I try dahil kahit isang picture together ay wala kami. Papayag naman siguro siya dahil New Year at sinamahan ko pa siya dito ayaw niya pa. Ngumiti siya sa akin bago dahan-dahan na lumapit. Omg, 'yung heart ko. Humakbang siya ng ilang hakbang bago nalapit sa pwesto ko. Binuksan ko ang camera bago ako ngumiti at tinapat 'yun sa mukha namin. Nasa gilid ko lang siya pero hindi masyadong malapit, dinamihan ko ang pag pindot dahil hindi ko alam kung makakaulit pa ako nito. "Isa pa," sabi ko bago pinindot, umayos siya ng tayo at bahagyang lumapit ang mukha niya sa akin kaya napatingin ako doon dahil nakita ko siyang malaki ang ngiti. "Thank you!" "You're happy now?" he asked. Nahiya ako nang halos mag kadikit na kaming dalawa dahil hindi siya umalis sa tabi ko at humawak lang sa railings na tumingin sa malayo. Parang awkward dahil hindi kami gaano ka close at nag-uusap na kami na parang kilala na namin ang isa't isa. "Masaya naman ako palagi," sabi ko na tumingin sa kanya. "Anyway, uuwi na ako ah? Happy New Year, crush!" tumawa ako at linakihan ang ngiti. "Crush," he said chuckled. "Crush kita! Sino ba namang hindi 'diba?" Tumawa siya bago ako tiningnan at pumasok ulit siya sa loob kaya sumunod ako sa kanya, sinundan ko siya na papunta sa pinto kaya alam kong pauuwiin na niya ako. Malapit na pala mag ala una at andito pa rin ako sa bahay niya. Binuksan niya ang pinto kaya agad akong pumunta doon, hindi siya nag salita kaya nang makalapit ako ay agad akong lumabas at tumingin sa kanya. Nakita ko ang seryoso niyang mukha na tumingin sa akin kaya ngumiti ako bago nag paalam. "See you!" sabi ko bago tumalikod sa kanya. "Happy New Year, Venice," Napahinto ako at lumingon sa kanya, nakita ko ang pag ngiti niya sa akin kaya ngumiti din ako bago pumunta sa kabilang pinto dahil hindi ko kaya na titigan niya ako ng ganun. Nang makapasok ako ay nag mamadali akong pumunta sa sofa at umupo, tiningnan ko ang mga litrato namin na nakangiti. Hindi ko pa rin ma imagine na may malinaw na kaming pictures together at sa bahay pa niya ha, as a fan grabe para akong linilipad sa mga ulap kasama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD