CHAPTER 18

2015 Words
Lumingon siya sa akin na naka krus ang braso niya bago siya ngumiti, hindi ko alam kung may hang over pa ako pero bakit bigla nalang siyang nag iba. Bakit parang bigla nalang kaming naging close sa isa't isa na parang gusto din niya akong maka usap. Tumayo siya at nilagay ang kamay sa bulsa, ngumiti siya bago ako lumapit sa kanya. "Bukas ang pinto kaya pumasok ako." lumingon siya sa pinto at tinuro. "Pero hindi naman kita sinabihan na pumasok." Ano ba sa tingin niya ang gagawin ko na nasa pinto siya, matutuwa ba siya kung isasarado ko ang pinto habang nasa labas pa siya? Ang bastos naman nun 'diba? "Hindi mo naman kinuha kaya dinala ko nalang dito." pinulot niya ang tupperware na nasa lamesa bago lumakad papalapit sa akin. "Ako kukunin ko sa unit mo?" tinuro ko ang sarili. Nang malapit na siya sa akin ay umiwas ako ng tingin dahil nahihiya ako sa kanya, ramdam ko pa rin 'yung tama ng alak pero alam kong malinaw pa ang pag iisip ko na andito siya sa loob ng bahay ko. "Ayaw mo ba?" mahina niyang tanong. "Ang alin?" "Ito." tinaas niya ang pares. "Nakita kita sa labas na alam kong uminom ka kaya dinala ko 'to sa 'yo." Concern ba siya sa akin? Bakit parang nag-aalala siya sa tono ng boses niya. Maayos naman ako at kaya ko pang sumagot ng multiplication kung tatanungin niya ako. "Ang weird mo yata ngayon." Inabot ko ang pares dahil mukhang nangangawit na siya doon bago ko binuksan 'yon. Mainit pa siya kaya natatakam ako na tikman 'yun. Nag paalam ako sa kanya na kukuha lang ng kutsara at babalik din kaagad. Nang maka balik ako ay naabutan ko siyang naka sandal sa sofa habang naka tingin sa cellphone. "Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko nang makalapit. Umupo ako sa tabi niya at nilagay ko ang pares sa lamesa, hindi naman kalayuan ang posisyon namin dahil nasa dulo siya ng sofa at ako naman malapit sa dulo. Lumingon siya sa akin at tiningnan ako na kinuha ang pares sa lamesa at tinikman 'yon. "Tapos na kami sa rehearsal kanina." In fairness, sumasagot na siya sa tanong ha! Akala ko tipid din 'yung sagot niya dahil parang 'yung tanong ko pang super close lang! Grabe ka na talaga Venice, ang swerte mo na andito si Khaliel sa bahay mo. Ganda ko talaga. "Hindi ka pa ba uuwi? Friends na ba tayo? Grabe parang crush mo na yata ako ha!" malaki ang ngiti ko na tumingin sa kanya. Nakita ko ang pag tawa niya at kasabay nun ay ang pag suklay sa itim niyang buhok. Grabe naman siya maka tingin sa akin, parang gusto niya yata akong halikan ngayon ha! "Hindi pa ba tayo friends?" tumawa niya. "Ewan ko. Hindi naman tayo pwede maging friends pero pwede tayo maging tayo." ngumiti ako sa kanya at sumubo ulit bago ko ilagay ulit sa lamesa. Umiling siya na naka ngiti, nakita ko ang pag daan ng saya sa kanyang mata na parang intresado siya na pag usapan 'yun. Nawala bigla ang problema ko sa mga kaibigan dahil sa kanya, parang nakalimutan ko na malungkot pala ako kanina pero nung dumating siya ay parang hindi ako nalasing at nasaktan. Bumalik ako sa kusina habang hindi pa rin siya umalis. Ang tv ay may bagong palabas kaya nakita ko siyang naka tingin doon, pinag masdan ko ang mga parte ng mukha niya habang hindi siya nakatingin sa akin. Sobrang perfect naman ng bawat parte ng mukha niya at parang gusto kong hawakan ang ilong niya dahil sa tangos nito. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya nang tumingin siya bigla sa akin kaya nag tama ang mata namin kaya nag mamadali akong umiwas. "Hindi ka pa inaantok? Uuwi na ako, Venice." tumayo siya kaya tumayo din ako. Sinundan ko siya hanggang sa pinto kaya nang buksan ko 'yun ay agad siyang lumabas. "Ano nga palang sadya mo talaga dito?" nakangiti na tanong ko. "'Yung pares. Hindi na pala kita nakita sa mga gig namin, why?" mahina niyang sabi sa akin. "Why? Busy ako at wala akong oras, at tsaka bakit mo ako hinahanap miss mo ako 'no?" Umiling siya at tumawa, "I have to go, neighbor? Goodnight!" tumawa siya at ginulo ang buhok ko bago tumalikod. Nang umalis siya ay natulala ako dahil sa ginawa niya sa buhok ko at sa sinabi niya. Hindi ba niya alam na parang na kuryente ako sa ginawa niya sa akin. At tsaka neighbor talaga ha? Hindi ba pwedeng maging girlfriend niya nalang? Umupo ako sa sofa at hinawakan ang pwesto kung saan siya sumandal. Sinandal ko ang ulo ko doon at tumili nang maalala na parang friends na talaga kami, and soon more than friends na talaga 'yan! Natulog ako pagkatapos kong kinilig sa sala, ilang beses ko pang inulit ang goodnight niya sa akin hanggang sa makatulog na ako sa kilig. Nang magising ay agad akong ang timpla ng kape at dumiretso sa veranda, walang pasok ngayon dahil weekend at naisip ko na mag gy-gym mamayang hapon dahil medyo matagal na din na hindi ako naka punta ng gym. Maya-maya pa ay napansin ko ang taong lumabas galing sa kabilang veranda na naka ngiti. Malaki ang ngiti niya na tumingin sa akin, may dala din siyang kape sa kanang kamay. "Morning!" Nakangiti niyang sabi. Ngumiti ako sa kanya dahil hindi ako nag expect na ganun pa din ang trato niya sa akin, akala ko ay dahil lasing lang ako kaya ganun siya sa akin, pero kahit ngayon ay ganun pa din pala siya. "Good morning, neighbor!" "Hindi masyadong good." sabi niya. "Huh?" "Hindi masyadong good dahil andyan ka, hindi na tuloy good 'yung morning ko." tumawa siya. Corny. Joke ba 'yon? "Ah okay." sabi ko at lumingon sa kabilang pwesto. Natahimik kami at hindi na nag uusap, pinabayaan ko lang siyang pumasok at iniwan ako sa labas na hindi siya kinausap. Nang maubos ang kape ay pumasok na din ako sa loob, kinuha ko ang mga labahan ko at bumaba para ipa laundry 'yon. Nang maka balik ako sa unit ay tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko 'yun, nakita ko ang pangalan ni Shane sa screen kaya mabilis kong pinatay. Gusto kong malaman ang rason niya pero huwag na muna ngayon, ayoko pa silang kausapin sa ngayon. Bukas ay mag kikita kami ni Chris at Mikka sa isang room, hindi ko alam kung paano haharap sa kanila na hindi kausapin. Masakit pa rin ang ginawa nila pero makikinig ako sa rason nila kung bakit. Wala pang tao sa loob ng room, tahimik pa ang bawat pwesto nang pumasok ako kaya naupo ako. Dumating ang crush ni Chris pero hindi ko pinansin nang maupo siya, nakikinig lang ako ng music habang pinikit ko ang mga mata ko nang naramdaman ko ang pag hila ng kabilang upuan. Minulat ko ang mga mata ko at tumingin doon, nakita ko na naka upo si Chris na naka harap sa akin ngumingiti. "Sis, sorry talaga..." Ayoko naman na hindi siya sagutin, sasagutin ko lang siya pero hindi ibig sabihin ay maayos na kami. "It's okay, Chris. Alam kong may mga bagay na kailangan itago at naintindihan ko 'yun." Humawak siya sa braso ko at sumiksik, hinayaan ko lang siya na gawin niya 'yon sa akin. "Gustong-gusto ko na talagang sabihin sa 'yo, pero hindi pwede dahil magagalit si Shane." Kumunot ang noo ko dahil doon, bakit naman magagalit si Shane kung malaman ko na buntis siya. "Bakit magagalit?" "Nabuntis siya at walang tatay kaya nahihiya siya na malaman mo," seryoso niyang sabi. Walang tatay? Kaya ba tinago niya sa akin, pero bakit nahihiya siya sa akin pero kay Chris at Mikka hindi. "Sinong tatay?" He shrugged, "Hindi ko alam, basta ang alam ko wala siyang boyfriend pero nabuntis siya." "Ha? 'Yong ka fling niya siguro may na kwento siya sa akin dati nung madalas tayong lumabas, gago talaga 'yun!" Naiinis ako sa sarili ko na dapat sasamahan ko si Shane dahil kung nasaktan ako ay mas nasaktan siya. Alam kong madami pang pangarap si Shane at nabuntis siya at iniwan pa ng tatay. Kailangan yata naming mag usap para malinawan. Dumating si Mikka at tumabi sa akin, tahimik siya na naupo dahil akala niya galit pa rin ako sa kanya dahil sa hindi pag reply din sa mga chat niya sa akin. "Good morning," bati ko sa kanya na bahagyang ngumiti. Lumaki ang mata niya na hinarap ako, nagulat siya dahil ako ang unang salita sa kanya. Hindi ko naman matiis sila kahit na ganun pa ay alam kong kaibigan ko sila. Hindi talaga ako palakaibigan dahil dati nung high school ay palagi akong walang ka grupo. Nagkaroon ako ng dalawang kaibigan noon pero nung mag grade ten ako ay umalis sila at iniwan ako para sa isa nilang ka grupo. Kaya nang nag college ay natatakot ako na magkaroon dahil baka hindi nila ako magustuhan. Mabilis siyang yumakap sa braso ko at paulit-ulit na nag so-sorry. "Sorry talaga, babe, gustong-gusto ko talagang sabihin sa 'yo pero baka mapa'no si Shane at alam kong maintidihan mo naman 'diba?" "Naintindihan ko, Mik may mga sekreto din naman ako na hindi niyo din alam." tumawa ako. Naisip ko na hindi naman dapat sa lahat ng oras ay alam mo kung anong nangyayari sa taong nasa paligid mo, hindi ko naman din mapilit sila dahil kung ayaw nila ayaw talaga nila kahit na pilitin mong ipasabi sa 'yo. Mabilis kaming nagka-ayos, pupuntahan ko nalang si Shane para kausapin tungkol dito dahil hindi ko sinagot 'yung mga tawag niya. Pumunta kami sa labas at kumain bago ako dumeresto sa bahay ni Shane. Si Mikka at Chris ay umuwi na dahil may trabaho pa si Mikka mamaya. Nang makarating ako doon ay tumingala ako sa dalawang palapag na bahay, walang tao sa labas kaya nag doorbell ako. Maya-maya pa ay may babaeng lumabas at pumunta sa gate at tiningnan ako. "Hello! Andyan po ba si Shane?" "Venice? Ikaw si Venice 'diba?" sabi niya at sabay binuksan ang gate. "Yes po, andyan ba siya?" "Oo! Nasa loob halika pasok ka." Pumasok ako at sumunod sa kanya tumingin ako sa paligid na puno ng mga halaman sa gilid bago ako makarating sa malaking pinto. Walang tao sa paligid at ang babaeng nag bukas lang sa akin ang andito. "Nasa taas. Puntahan mo nalang." Nakapunta na ako dito dati mga dalawang beses kaya alam ko ang kung saan ang kwarto ni Shane. Nag mamadali akong lumakad papunta doon, tahimik ang paligid nang makalapit ako sa pink na pintuan. Dahan-dahan 'kong kinatok 'yon bago dahan-dahan na nag bukas. Tumambad sa akin ang maga na mata ni Shane bago siya nagulat nang makita ako. "Venice," "Shane, I'm sorry." Umiling iling siya at nag simula nang tumulo ang mga luha niya. "No, no, no. Ako dapat ang magsabi niyan, I'm sorry, Venice. I'm so-sorry." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya dahil umiyak na, naawa ako sa kanya dahil alam kong nahihirapan siya lalo na't hindi ganun ka ganda ang relasyon ng magulang niya. "Okay lang, Shane okay lang." mahina kong sabi. Humikbi siya sa balikat ko bago ako kumalas sa kanya, pinunasan ko ang luha niya na para nang bata na kung umiyak. Pinapasok niya ako sa loob at naupo ako sa kama niya bago siya tumabi. Hinawakan niya ang kamay ko na umiiyak pa rin siya kaya niyakap ko siya ulit. "I know, I know, Shane. Andito lang ako ha hindi kita iiwan," hinagod ko ang likod niya. Nang bumitaw na siya ay pinunasan niya ang luha niya at huminga ng malalim. "I'm sorry, Venice hindi ko lang talaga masabi sa 'yo dahil nahihiya ako. Ang tanga-tanga ko kasi binigay ko ang pagmamahal ko ng buo sa lalaking hindi naman ako gusto." humikbi siya. Nakinig lang ako sa kanya na nagsasalita, hindi ko naman alam na nagkaroon siya ng boyfriend dahil wala siyang sinabi. Sinabi niya lang na may ka fling siya pero hindi niya din nasabi kung sino. "Sa tingin mo ba Shane, i-ju-judge kita?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD