CHAPTER 17

2072 Words
"Ayos na ba?" tanong kay Mikka sa suot ko. Nag suot ako ng backless black satin dress at black four inches heels, unang labas namin 'to ngayong taon kaya dapat maganda ako. Tiningnan ko ang itsura ni Mikka na nakasuot ng White fluffy dress na may ribbon pa sa gitna ng dibdib niya. Resto bar ang pupuntahan namin mamaya kaya hindi ako kumain ng hapunan. "Maganda, babe sobrang ganda mo." sabi niya na nag lalagay ng lipstick. "Gusto mo bang kulutin 'yung buhok mo para naman twinning tayo." Pumayag siya sa alok ko kaya kinulot ko ang ibabang bahagi ng buhok niya, nag lagay ako ng make up bago kami lumabas ng kwarto para umalis. "Ako muna lalabas." sabi ko dahil bubuksan na dapat niya 'yung pinto pero baka lumabas si Khaliel. "Alam mo nagtaka ako na may tinatago ka talaga sa akin dito ah." Hinatak ko siya at nag mamadali na sumakay sa elevator pababa dahil baka andito si Khaliel at makita pa niya. Nag hanap kami ng taxi paglabas at pumunta kung saan ang location na sabi ni Chris sa amin. Nang maka baba ay natanaw ko ang malaking Resto bar sa gilid lang ng highway kaya agad kaming pumasok doon. Nakita ko si Chris na nakaupo sa dulo kaya agad kaming pumunta sa pwesto niya at umupo. "Oh, nasa'n na si Shane?" tanong ko sa kanya. Pagkasabi ko palang ay agad na narinig ko ang boses ng babae mula sa likod ko kaya napatingin ako. "I'm here!" sabi niya at yumakap sa akin galing sa likod. Humarap ako sa kanya na lumaki ang ngiti, nag mamadali naman siyang umupo sa tabi ni Chris. Medyo napansin ko ang pag iba ng mukha niya ngayon o siguro dahil lang matagal ko na siyang hindi nakita. "Shane! I miss you so much!" hinawakan ko ang kamay niya na nasa lamesa. "I miss you too, Venice, ano na pasok na tayo sa loob?" "Hoy, wala pa kaming kain kaya mag order kayo!" sabi ni Mikka. Nakita ko ang pag laki ng mata ni Chris kaya tumawa ako, siya ang mag babayad ng lahat ngayon dahil birthday niya at hindi dapat siya pumalag doon. Hindi kumain si Shane dahil hindi niya gusto ang pagkain at tanging juice lang ang ininom niya. "Alam mo parang tumaba ka," lumiit ang mata ko na hinarap si Shane. Seryoso ang mukha niya na lumingon kay Chris bago tumingin kay Mikka at napunta iyon sa akin. "You know madami akong kinain nung nasa bahay lang ako. Ubos mo na ba 'yan? Tara na sa loob." pag iba niya ng topic. Pumasok kami sa loob matapos kumain, madami ang mga tao sa loob na nag sasayawan kaya ngumiti ako bago ko hinigit si Shane na pumunta sa gitna. "Ah, dito nalang muna ako sa gilid, Venice." Kumunot ang noo ko sa kanya dahil kung gusto ko siyang makasayaw ay alam kong papayag naman siya ng deristo. Hinayaan ko nalang siya at pumunta sa gitna kasama ni Mikka, ayokong mapadami ng inom ngayon dahil baka pag uwi ko makita ako ni Khaliel sinabi ko pa naman sa kanya na hindi na ako iinom para sa kanya. Nag sayawan lang kami hanggang sa mapagod. Umalis ako sa gitna at hinanap si Shane na sinamahan ni Chris sa couch kaya naupo ako bago kinuha ang bote sa lamesa. "Sa'yo 'to dahil sa tagal mong hindi nag paramdam." inabot ko kay Shane ang baso. Nagulat ako sa pag iling niya sa akin sabay tumingin kay Chris kaya nagtaka ako dahil hindi naman siya ganyan. "Akin nalang!" Inagaw ni Chris ang baso na dapat kay Shane 'yun papunta, hindi ko nalang pinansin at uminom nalang din ako. "Alam niyo parang may something wrong dito eh." sabi ko at nilagay ang baso sa lamesa. "sabihin niyo nga," Sinandal ko ang likod ko sa couch at tumingin kay Shane, hindi mapinta ang mukha niya na tumingin sa akin na mukhang may sasabihin siya pero hindi niya masabi. "Ang alin ba, Venice?" tanong ni Chris. "Secrets niyo." Kinuha ko ang baso at ininom ulit. Naiinis ako dahil parang mukha na akong tanga nag hihintay ng sasabihin nila sa akin pero hindi nila 'yun ginawa at binalik lang sa akin ang tanong na dapat sila ang sasagot. Dinamihan ko ang pag inom habang tahimik lang sila na tinitingnan ako sa ginagawa ko. Hindi ko napigilan ang sarili na ubusin ang bote at kumuha ulit ng bago, kahit na ayokong malasing pero alam ko ay doon ako papunta kung uubusin ko ang natitirang bote. "Tama na 'yan, Venice!" Naramdaman ko ang pagkahilo ko pero pinilit kong ayusin 'yung sarili ko. "Alam ko may hindi ako alam sa inyo at naiinis ako dahil kahit na alam kong may mali ay hindi ko pinansin eh." inangat ko ang tingin ko sa kanya. "Shane, anong gusto niyong sabihin ha?" "I'm pregnant, Venice." mabilis niyang sagot. Halos hindi ko marinig ang sinabi niya kaya akala ko ay iba ang pagkakadinig ko pero na komperma ko 'yon nang humawak siya sa tiyan niya. "Buntis?" "I'm almost two months pregnant," pag amin niya. "Bakit? Bakit hindi niyo sinabi sa akin, alam niyo ba tungkol dito?" tumingin ako kay Chris at Mikka. Hinintay ko ang sagot nila, seryoso ang kanilang mukha na tumango kaya agad kong nakuha kahit na parang hindi ko na sila masyadong nakilala. "So, alam niyo pero bakit hindi niyo sinabi sa akin? Kaibigan niyo naman ako 'diba? At tsaka bakit kailangan mo pang itago na buntis ka Shane?" "Nahihiya ako, Venice." sinabi niya kasabay ang pag tulo ng luha niya sa mata. Naguguluhan ako kung bakit hindi niya sinabi sa akin e kaibigan naman nila ako 'diba? Dapat lang na sinasabi nila sa akin ang lahat ng dapat kong malaman, hindi 'yung sila lang ang nakakaalam at parang hindi na nila ako kailangan. Naramdaman ko na naman ulit ang mga kaibigan ko dati nung high school na iniwan ako. "Ha? Bakit ka naman nahihiya, kaibigan mo naman ako, Shane." linapit ko ang mukha ko sa kanya. "At kayo sa tagal na nating mag-kasama hindi niyo man lang sinabi sa akin na buntis siya, e napaka simple lang naman 'yun dahil kaibigan niyo ako." "Kasi... Venice-" Tumayo ako at lumakad ang pintuan para lumabas, I felt betrayed dahil sa hindi nila pagsabi sa akin. Mahirap ba na sabihin nila 'yun sa akin na buntis siya e mas matutuwa nga ako dahil magiging ninang na ako pero hindi ko maintidihan na tinago nila 'yon. Okay lang kung hindi 'yun importante pero para sa akin mahalaga 'yun na sabihin pero halos dalawang buwan na pero sila lang pala ang nakakaalam. Lumabas ako ng pinto at humanap ng sasakyan, si Chris na naka sunod sa akin pero hindi ko siya pinansin pa at pumara ng sasakyan, kaya ko pa naman na umuwi. Nang huminto ang sasakyan ay andyan lang sila sa likod ko habang hawak nila si Shane. "Venice! Sabay na tayo." sabi ni Chris. "Chris... kaibigan niyo naman ako 'diba?" tanong ko sa kanya na parang gusto nang lumabas 'yung namumuong luha sa mata ko. "Babe, kaibigan tayo at hindi pwedeng hindi. Hindi mo dapat pa tinatanong 'yan." "Kaibigan nga pero bakit sa tagal nating mag-kasama sa nakaraang linggo pero... bakit kailangan niyong magtago ng sekreto sa akin?" ngumiti ako sa kanila bago nag mamadaling buksan ang pintuan ng sasakyan. "I'm sorry, Chris dapat mag saya tayo ngayon eh pero nasasaktan lang kasi ako. Sinira ko pa 'yung gabing 'to na dapat e-enjoy lang 'diba?" "Venice lasing ka, sabay na tayong umuwi." Pumasok ako sa sasakyan at sinarado 'yon. Hindi ko na sila liningon at tumingin lang sa daan na pinigilan ang mga luha. Pinilit kong ibuka ang mata ko dahil parang nawalan ako ng lakas na gusto nalang matulog. "Manong, sa gilid lang po." sabi ko na tumingin sa building kung saan ako bababa. Kumuha ako ng pera sa bag bago inabot 'yun sa kanya at dahan-dahan na bumaba dahil parang matutumba na ako sa hilo. Nakita ko ang pag dating ng isang sasakyan at nag mamadaling bumaba doon si Chris at pumunta sa pwesto ko. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at tiningnan ko lang siya na lumapit sa akin, wala sila Mikka at Shane umuwi na siguro. "My ghad, sis akala ko saan-saan ka na umabot." pag-alala niya. "Do you think I am too immature, Chris?" "Ha?" "'Wag nalang pasok na ako, ha?" "Venice, I'm sorry aaminin ko na guilty ako pero kasi bilin 'yun ni Shane sa amin na 'wag sabihin sa'yo." "Okay lang." tumango ako bago hinanap ang pinto at pumasok doon. May mga tao pa din na nasa labas dahil maaga pa naman, sa tingin ko ay alas otso pa. Pumasok ako sa elevator na nakayuko habang binalanse ang katawan para hindi matumba. Malinaw pa ang isip ko kung saan ako pupunta, may mga nakasabay pa nga akong mga tao sa loob na tinitingnan ako pero hindi ko nalang pinansin pa. Nang maka baba ay naramdaman ko na gustong sumuka ng tiyan ko kaya kumapit ako sa dingding at hinanap ang tissue sa bag baka sakali. Lumapit ako sa pintuan ko para buksan 'yun pero naramdaman ko na pinipihit na 'yung tiyan ko kaya sumuka ako sa maraming tissue na nasa kamay ko. Inayos ko ang buhok ko bago ko nakita ang basurahan sa tabi ng elevator kaya naisip ko na ibasura pa 'yung tissue. Lumakad ako sa pintuan ko nang tumunog ang elevator kaya napatingin ako doon, lumabas doon ang lalaking nakasuot ng itim na t-shirt, cargo pants at may sombrero pa siya sa ulo. Nakilala ko kaagad siya kaya lumingon ako sa pinto at nilagay ang passcode bago 'yun buksan. Napansin ko ang paglapit niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya na hawak pa din ang pinto. "Akala ko ba hindi ka na iinom?" tumawa siya. Hinarap ko siya at nakita ko siyang nakangiti kaya naiinis ako sa itsura ng mukha niya. "Kaunti lang." "Gusto mong kumain?" tinaas niya ang dala niya sa kamay. "Nasusuka ako hindi ako pwedeng kumain." Ngumiti siya sa akin at tumaas ang noo niya. "Okay, sige pero kung gusto mo," "Ano ba 'yan?" tanong ko. "Pares?" Nang marinig ko 'yun ay agad na nag bago ang isip ko, ngumiti ako sa kanya at nakita ko ang pag lawak pa ng ngiti niya na parang gusto mag pa-pacute. "Talaga?" "Gusto mo?" he asked. "Pahingi." "Okay. Bibigyan kita." sabi niya bago pumunta sa pinto niya at pumasok. Hindi ko alam kung bibigyan niya ako dahil pumasok siya sa loob. Nahiya tuloy ako dahil ang akala ko ay seryoso siya sa sinabi niya pero hindi naman pala at niloloko lang ako. Pumasok ako sa loob at umupo sa sofa, sinandal ko ang ulo ko dahil sumakit 'yung ulo ko sa naiisip. Parang pinaglaruan talaga ako ngayon ah, sinabayan pa ni Khaliel na akala ko ay seryoso siya. Pumasok ako sa kwarto at hinubad ang damit, maliligo sana ako para mawala ang hang over dahil nasusuka pa din ako kaya pumasok ako sa banyo at naligo. Nagsuot ako ng bathrobe bago ko pinatuyo ang buhok ko. Nag timpla ako ng kape bago umupo sa sofa at binuksan ang tv. Malapit na alas nuwebe at nawala bigla ang antok ko dahil sa kape, wala pa akong suot sa ilalim dahil hindi pa ako nag bihis. Pinanood ko ang palabas sa tv nang marinig ko ang pag tunog ng doorbell sa labas, nag dadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi. Wala pa akong suot sa ilalim pero baka pumunta si Mikka dito o kaya si Shane para makipag-usap kaya pumunta nalang ako sa harap ng pinto. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tanging ulo ko lang ang lumabas kaya nang tumingin ako sa kanan ay walang tao, humarap ako sa kaliwa at nakita ko doon si Khaliel na nakangiti. Nagulat ako nang mapansin ko siyang lumapit para pumasok sa loob, hindi ko na balanse ang katawan ko kaya bumukas ang pinto at akmang hahakbang na sana siya pero nang nakita niya ang itsura ko ay tumalikod siya. "I'm sorry... bibigay ko lang 'yung pares." "Bakit kasi 'di ka nagsabi na pupunta ka dito?" Tumalikod ako sa kanya na naiwan na bukas ang pinto at pumasok sa kwarto, nag mamadali akong nag bihis bago lumabas. Nang makalabas ako ay natanaw ko siyang nasa sofa na at naka upo at sarado na din 'yung pintuan. "Bakit ka pumasok?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD