CHAPTER 16

2012 Words
Nagluto ako ng hapunan, kahit na parang busog ako pero nag luto pa rin ako dahil halos hindi ako kumain ng kanin kanina baka magka sakit pa ako. Nang natapos kumain ay nag bihis ako at humiga sa kama bago tiningnan ang phone ko para I check kung online ba siya dahil hindi siya nag reply sa chat ko kahit na wala naman siyang trabaho. Nakatulog nalang ako dahil wala pa din siyang reply kaya hinayaan ko nalang, gusto kong mag assume na totoo nalang 'yung sinabi niya pero alam kong hindi dahil sino ba naman ako 'diba? Sasaluin ko naman siya kapag nahulog siya sa akin kahit na kaunti lang. Pero shempre lahat ng 'yun ay hindi totoo at biro lang para sa kanya, pero para sa akin gusto kong hilingin na totoo nalang 'yun. Ano kayang pakiramdam na maging girlfriend ng isang Khaliel Zravix Cruz? Nang umaga ay parehas lang din ang routine ko, pasok sa paaralan at babalik sa unit pagkatapos. Hinintay ko nalang ang birthday ni Chris para makalabas na kami ulit. Pagkatapos ng klase ay dumiretso kami sa bahay ni Chris, dun kami kakain ng tanghali dahil nag handa daw 'yung mama niya para sa 21st birthday kaya ganun. Ilang linggo nang hindi nag chat si Shane sa gc at nung dumaan ako sa bahay nila ay sabi wala daw siya dahil umalis. Tinanong ko din ang dalawa kong kaibigan kung nag kita sila ni Shane pero wala din silang alam kaya nag taka ako. Nung last ko siyang kausap ay nung bagong taon pa kaya na miss ko na siya. Nag expect ako na pupunta siya dito sa birthday ni Chris pero sabi nila hindi daw muna, bukas ng gabi nalang sa resto bar na pupuntahan namin. "Hello po tita!" bati ko sa mama niya nang makapasok sa bahay nila. "Hi Venice, Mikka. Mabuti naman at nakapunta kayo sa debut ni Chris." "Hello po tita." Mikka said. "Ma, tapos na po 'yung debut ko." Hinampas siya ng mama niya bago ngumiti."O, sige na anak tapos na nga." niyakap siya ni Tita bago niya kami pinapasok sa kusina. Ang sarap tingnan kapag makikita mo ang mama mo naproud sa 'yo. Si Chris kahit na hindi siya nag lalaki ay tinanggap siya ng mga magulang niya at mahal na mahal siya nito. Ako, kahit na andyan 'yung papa ko hindi man lang niya pinaramdam na proud siya na anak niya ako kahit nag iisa lang niya akong anak. "Nako kung andito lang si Shane matutuwa 'yon sa mga dami ng mga pagkain, sayang walang inumin!" Tumingin ako sa kanila habang kumakain. Nakita ko na nag titigan sila Chris at Mikka na parang may gustong sabihin pero may dumating na bisita kaya tumabi siya sa amin. Nag patuloy kami sa pagkain bago kami nag paalam kay Chris na umuwi na, sabay nalang kami ni Mikka dahil dun siya pupunta sa bahay ko dahil para bukas. "Thank you, Chris! Happy birthday ulit!" yinakap ko siya bago nag paalam si Mikka sa kanya at sabay kaming umalis dalawa papunta sa unit ko. Nang nasa elevator ako ay tumingin-tingin ako na baka andito si Khaliel o baka makasalubong namin siya sa taas baka makita siya ni Mikka. Mabuti nalang at wala siya kaya tuloy-tuloy kami hanggang sa pumasok sa unit. Umupo ako sa sofa at sumunod naman si Mikka sa akin, hinubad ko ang suot kong sapatos bago ako tumayo para mag bihis. "Mag bibihis ka ba?" tanong ko. "Mamaya na, may susulatin pa ako eh..." Pumasok ako sa kwarto at nagbihis nang tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko 'yun. Isang post na galing sa page ng Eclipse kaya tiningnan ko habang namimili ako ng damit na susuotin. Isa 'yung post para sa event nila mamayang gabi, gusto ko sana na pumunta dahil andito naman si Mikka kaya may kasama ako kung manonood. Nang maka bihis ay agad akong lumabas para kausapin si Mikka tungkol doon kung papayag ba siya. "May event si Khaliel mamaya." sabi ko. "Pupunta ka?" Lumapit ako sa kanya sa sofa na nag babasa siya ng sinulat niya kaya tumabi ako. "Punta tayo?" Nagulat siya na tinitingnan ako, ngumiti ako sa kanya bago niya binalik ang tingin sa papel. "Nako akala ko ba naka move on ka na dyan, ilang buwan 'yan ha hindi ka naman ganyan." "Sige na please... ngayon lang 'to promise.” Tumayo siya at kinuha ang paper bag na nasa lamesa. Tumingin ako doon at sinundan ko ang pag bunot niya ng damit. "Papayag ka?" “May magagawa ba ako?" ngumisi siya. “Omg, thank you so much!" Nag bihis siya kaya pagkatapos niya ay nag plano kami kung kailan pupunta, mamayang 6:30 pa naman ang start nila kaya may oras pa na mag ayos. Alas kwarto pa naman at kung pupunta kami doon ngayon ay aabot kami ng alas singko pero kung may traffic pa ay siguro mga five thirty. "Ngayon na tayo pupunta?" "Ngayon na nga." sabi ko. Nang sinarado ko ang pinto at tumingin ako sa kabilang pinto, napatingin din si Mikka doon na nagtaka pero hinatak ko siya para pumunta sa elevator. "Hindi mo na ba siya nakita dito?" Seryoso ang mukha niya na nagtanong sa akin, tumaas ang kilay ko na tumingin sa kanya habang hawak ang bag ko sa kamay. "Dito?" tumawa ako. "Sira oo nga pala guni-guni mo lang 'yon!" "Totoo na nakita ko siya dit- kapag lasing lang ako you know," Kailangan ko nga palang itago na hindi totoo ang lahat ng 'yun dahil 'yun ang bilin ni Khaliel na huwag ipagsabi kahit kanino. "Mag pakalasing ka ulit!" "No, titigil na ako dahil ayaw ni Khaliel ng ganun." "Paano mo naman nalaman na ayaw niya ng ganun? Nag uusap ba kayo?" "Let's not talk about that nalang. Nakalimutan ko palang mag dala ng bondpaper," Hihingi sana ako sa kanya ng guitar pick niya gaya ng dating fan na ginawa pero nakalimutan ko, sa susunod nalang siguro tarpaulin pa 'yung dadalhin ko sa kanya. Nakakahiya naman kapag sa personal ko hihingiin e baka hindi ibigay 'diba? Buti nalang sa maraming tao dahil madami din namang mag dadala nun eh, kung sa bahay ay baka hindi pa ako pansinin masungit pa naman 'yun. Nang makarating kami sa mall ay kaagad kong hinanap kung saan sila mag pe-perform. Nasa first floor lang pala sila mag pe-perform at may maraming tao na pala ang nag hihintay kaya mahirapan kaming sumiksik doon. Humanap kami ng pwesto kung saan makikita ko lang sila kaya pumunta kami sa second floor para makita ko sila sa baba. Ilang minuto nalang ay mag sisimula na at meron na din ang mga instrumento nila sa stage kung saan sila kakanta. Madaming tao hanggang sa fourth floor, nasa palibot ang mga tao habang nag hihintay kung kailan sila lalabas para kumanta. Gusto ko sana sa harap pero hindi ako maka siksik sa dami ng tao, nakakahiya naman kung sasabihin kong tumabi muna sila dahil gusto kong makita sila ng malapit. Nang dumating na sila ay nag hiyawan ang mga tao habang pumunta sila sa gitna ng stage. Pinanood ko lang silang kumuha ng instrumento at nakisabay sa hiyawan ng mga tao sa paligid. Nakasuot siya ng denim pants at white polo at pinatungan niya 'to ng denim jacket. Kinalabit niya ang gitara niya at ngumiti sa harapan bago kumaway, nag simula na silang mag pa tugtog bago una siyang kumanta. "O Mapapansin mo kaya ako'y magkukunwari ba sa nararamdaman kahit walang pumapagitan," kanta ng isang myembro. "Ikaw ang tanging gustong pagmasdan Oh sana ako'y pagbigyan kay tagal nang hinihintay, bawat saglit sumasablay isayaw mo ako sinta" Nakisabay ako sa kantahan habang si Mikka ay walang reaksyon at nanood lang. Iba't ibang reaksyon ang mga tao sa bawak pag kanta nila, may sumisigaw, may kumanta, at may tahimik lang din katulad ni Mikka. Maraming tao din na hindi fan nila na nanood ngayon dahil napadaan lang sa mall, pero katulad ko na sinadya talagang pumunta dito para makita sila. "Magdadalawang-isip ba 'ko o Iisa-isahin ang paghakbang pa-entablado para lang na mapansin mo na 'kaw lang ang sadya kong maisayaw."pag kanta niya. "Ganda ng boses, ah." sabi ng katabi ko. Kinuha ko ang phone para kunan siya ng litrato, sumasabay ako sa pag kanta habang nakisabay sa kanta habang hawak ang cellphone sa kamay na naka tuon sa kanya. Patuloy pa rin sila sa pag kanta pero parang pasuko na 'yung paa ko dahil nakatayo lang kami dito ng halos dalawang oras na. Niyaya ko si Mikka na kumain muna kami sa dahil nagugutom na din ako, launch pa 'yung kinain namin at anong oras na ngayon kaya kumain kami. Kumain kami sa fast food bago kami bumalik sa loob, nang makarating ay patapos na sila at nag paalam na kaya nag mamadali akong sumiksik sa gitna pero hindi pa din ako maka siksik dahil sa dami ng tao. Narinig ko ang pag bigay ni Khaliel ng guitar pick sa isang fan kaya umalis nalang ako, maybe next time bibigyan niya din ako ng ganun. Wala din naman akong dalang banner para hingin sa kanya 'yun kaya napag desisyonan naming umuwi nalang dahil gabi na. Nang makarating ay agad akong humiga sa sofa, sumasakit 'yung paa ko dahil hindi sanay na tumayo ng matagal. Si Mikka ang nag volunteer na mag luto kaya pinabayaan ko nalang siya na gawin 'yun dahil pagod ako. "Wow, bango naman 'yan?" Nagluto siya ng sinigang kaya natatakam ako na tikman dahil medyo matagal na din na hindi ako nakakain ng sinigang. Hindi naman talaga ako magaling magluto, nag luluto lang ako kapag nanood ng videos kung paano magluto ng gusto kong lutuin. "Tikman mo." Agad kong tinikman ang sandok, hindi siya maasim masyado sakto lang at sakto din ang timpla niya. "Ikaw na talaga ang best ate, grabe! Pwede mo ba akong turuan paano magluto nito bibigyan ko ang kapitbahay ko-" Hindi ko natuloy nang ma realize ang sinabi, ano kayang isipin niya bakit ako nag bibigay ng sinigang kapitbahay pero 'diba uso naman 'yon at isa pa hindi niya alam na dyan si Khaliel nakatira. "Wow, ha nag bibigay ka pala sa kapitbahay mo ng ulam. Ngayon ko lang malaman." sabi niya habang nilipat ang niluto. "Of course! 'Diba ganun naman kapag kapitbahay, dapat share-share lang para happy!" ngumiti ako at kumuha ng mga plato para kumain na. "Ano namang binibigay mo eh... sabi mo hindi ka marunong magluto." "Hindi! Binigyan kasi ako ng hipon nung nakaraang taon kaya gusto ko din ibalik 'yung bigay niya. Para naman maging close kami 'diba?" Umupo ako at sumunod naman siya pagkatapos niyang malapag ang pagkaing hinain kaya kumuha kaagad ako. Sakto lang ang niluto niya kaya alam kong mauubos namin 'to at hindi na matirahan pa bukas. "Sige, tuturuan kita kapag hindi na tayo busy." sabi niya na parang bata ngumiti. Matapos kumain ay ako ang nag hugas ng pinggan, nanood siya ng tv sa labas habang pinag patuloy ang pag susulat. Natapos ako ay tumabi ako sa kanya, nanood kami ng love story at hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako kaya nang ginising ako ni Mikka ay kaagad akong pumasok ng kwarto para matulog. Sabay kaming pumasok nang umaga, ako pa ang unang lumabas dahil baka palabas din si Khaliel ay makita siya nito. Nag lakad lang kami para maka abot sa first subject at nang makarating ay sinalubong kami ni Chris ng masaya at pinaupo niya kami na excited nag kwento tungkol sa plano mamaya. "Sasama si Shane 'diba?" tanong ko. Nag tinginan silang dalawa ni Mikka kaya alam kong may mali talaga dahil sa tuwing tinatanong ko si Shane sa kanila ay ganito ang reaksyon nila. "Alam niyo nag tataka na ako sa inyo ha! Secret-secret ba 'to?" Mag sasalita na sana si Mikka pero inunahan siya ni Chris na humawak pa sa kamay ko. "Oo, pupunta siya mamaya sinabi ko na sa kanya kung saan." Agad napatingin si Mikka kay Chris pero agad din naman siyang ngumiti. Pinanliitan ko sila ng mata bago ako sumagot. "Okay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD