Chapter Three

672 Words
Chapter three SIX YEARS AGO NAGHAHANDA kami ni Mama ng aming hapunan. Kararating ko lang galing school. First year high school pa lang ako noon. Wala pang K to 12 program ang DepEd. Hinayaan lang ako ni Mama na tulungan siya sa pagluluto sa kusina. Paraan din daw kasi iyon para maaga akong matuto sa gawaing bahay upang hindi daw ako mahirapan sa pag-aasawa. Habang naghihiwa ng sibuyas at bawang ay narinig ko ang pagtigil ng tricycle sa lugar namin. Sumunod kong narinig ang kasiyahan ng mga kapitbahay namin na batid kong sinalubong ang mga dumating. "Ay! Dumating na ang mga kabinataan ng ating baryo galing Laguna!" "Tapos na siguro ang ginawa nilang bahay doon." Iyon ang mga narinig kong mga turan ng mga kapit bahay namin. Naisip kong baka sina Mark na iyon, pinsan kong construction worker. Siyam na buwan din silang nawala kasama ang mga kapatid niya kasama ang mga kalalakihan sa aming lugar. Halos lahat ng mga kalalakihan doon, sa murang edad ay namulat sa pagbabanat ng buto at hindi na nakapag-aral. Kaya hindi na ako nag-abalang tingnan at salubongin sila. Pulos ingay at kalukuhan lang naman ang ginagawa ng mga iyon sa aming bayan. Nung wala sila, ang tahimik ng aming lugar. At alam kong magmula bukas, iingay na muli ang lugar namin. Siguradong inuman kaagad ang gagawin ng mga iyon mamaya. Nang matapos kaming kumain ay naghugas ako ng mga plato. Maya maya ay sumilip ang pinsan kong si Mark sa screen door ng kusina. "Oy insan, kumusta?" bati ko sa kanya pagkatapos pagbuksan ng screen door. "Heto, pogi parin." Nakangising sagot niya na nginiwihan ko nalang. "Oy, halika ka nga!" biglang tawag nito sa likuran niya. Hindi pala siya mag-isa, may kasama siya at agad napako ang tingin ko dito. Kumunot ang noo ko tanda ng pagtataka ko kung sino ba ang lalaking kasama ni Mark. Parang ngayon ko lang siya nakita. Sa wari ko ay magkaedad lang sila ni Mark. Hindi ko pa masabi kung gwapo ito dahil kakulay niya ang gabi at di ko maaninag masyado ang mukha niya. Nasisiguro ko rin na katulad ko ay nagtataka rin ito at kinikilala kung sino ako. Kung hindi pa nagsalita ang pinsan ko ay magtititigan na lang kami ng estrangherong ito magdamag. "Ah insan, may lighter ka ba dyan?" "Puspuro lang, insan." Kinuha ko ang pusporo. "Ito." Binigay ko ito sa kanya. Agad siyang nagsindi ng kanyang sigarilyo saka inabot sa kasama. Nang matapos magsindi ang lalaki ay lumapit siya para iabot ang pusporo sa akin dahilan upang maliwanagan ang mukha niya at lumantad ang itsura niya. Hindi ko alam kung bakit bumilis ang t***k ng puso ko pagkakita sa buo niyang mukha. Moreno siya pero bumagay iyon sa gwapo niyang mukha. Nawala tuloy sa inabot niyang puspuro ang tingin ko kaya nahulog iyon sa sahig. Sabay pa kaming napayuko para abutin ang pusporo ngunit naunahan niya ako dahilan upang ang kamay niya ang nahawakan ko. Tuloy ay napatingin siya sa akin at nagtama muli ang mga mata namin. Napalunok ako ng di oras at nagmadaling bumitaw sa kanya at tumayo. Nang tumayo siya ay muli niyang inabot ang puspuro nang nakangiti. "Ah insan, si Nilo nga pala. Pinsan ko." Nagulat ako at napatingin muli kay Nilo. "Yung panganay na anak ni ate Ruth?" pangungomperma ko. "Oo. At kung natatandaan mo pa, kalaro natin siya noong mga bata pa tayo. Crush ka pa nga nito noon di ba?" Natigilan ako sa biglang pagtawa ni Mark. Nahiya tuloy akong lumingon kay Nilo na nakatitig lang sa akin. "O Nilo, alam kong kilala mo na siya. Siyempre, di mo malilimutan ang crush mo di ba?" pang-aasar pa ni Mark. Ngumiti lang si Nilo at siniko si Mark. Maya maya lang ay umalis na ang mga ito. Bumalik na pala sila. Matagal na kasing hindi naninirahan ang pamilya nina Nilo dito sa aming lugar at nag-stay nalang sa Laguna. Hindi ko iniexpect na magkikita uli kami. Lingid sa kaalaman ng lahat at ni Nilo, crush ko din siya noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD