Chapter Four

492 Words
CHAPTER FOUR SIX YEARS AGO SA WAKAS, sabado na kaya naman makakapaglaro na ulit kami ng mga kapitbahay naming babaeng dalagitang tulad ko. Fourteen years old na ako pero naglalaro parin ako ng piko at chinese garter, dahil sa panahon noon ay wala pang cellphone at iba pang gadgets. Pero nang mapagtanto ko ang presensya ni Nilo ay bigla bigla na lang akong nahiya para sa sarili ko. Yung feeling ko ay naiilang na akong makipaglaro sa mga mas nakakabata sa akin. Feeling ko rin kasi ay pinagtatawanan niya ako habang nakikipaglaro sa mga bata. Lihim na lang akong napairap. Sila nga marunong nang manigarilyo sa edad nilang yan! Lagi na lang silang nakatambay sa tindahan, o di kaya'y nagbabasketball, o di kaya'y nagsisimula nang tumikim ng alkohol. Grabe talaga ang mga yon! Pareho lang talaga sila ng pinsan ko. Habang tumatagal, mas lalo kong nakikilala ng husto si Nilo. Katulad ni Mark, hindi din ito nakagraduate ng elementary at nagfocus nalang sa pagkonkontruksiyon para matulungan ang mga magulang. Dose anyos palang ay batak na sa trabaho, nang magbinatilyo ay sumama na sila ng pinsan ko sa tiyuhin nilang contractor sa Laguna at doon na nagtrabaho. Doon ko mas lalong namemorya ang itsura at pangangatawan niya. Hindi siya sobrang gwapo pero hindi siya panget, iyong wala kang maipipintas sa mukha niya. Makapal kasi ang kilay nito na pwede niyang ipagmalaki sa lahat ng bahagi ng katawan niya. Matangos din ang ilong. Iyon nga lang, nakakadismayang pagmasdan ang labi niya. Nangingitim na kasi ang mga iyon dahil sa paninigarilyo niya. At ang isa pang nakakadismaya, sa ilang taon niyang pagko-konstruksyon, hindi man lang gumanda ang pangangatawan niya. Dahil wala man lang kahit isang abs sa tiyan nito. Kahit nga muscles di ko mahagilap. At ang matindi, ang yabang nitong maghubad, eh bilbilin naman. Buti pa si Mark, atleast may four packs ito na abs. At habang tumatagal ay mas lalo akong napipikon sa kanya. Dahil madalas na niya akong asarin at pagtawanan dahil nga sa isip bata pa raw ako. Eh, no naman ngayon? Porke ba hindi ako katulad nung kapit bahay naming si Elith na kaedad ko rin at kursonada nilang magpinsan. Na ki-bata bata pa eh malandi na, pwe! Lagi nalang maiksi ang shorts nito kaya naman laging pinupormahan nila Mark at Nilo na yun sa tindahan nito. Si Elith kasi ang anak ng may-ari ng nag-iisang tindahan doon. Well, maganda naman si Elith at aminado akong mas maganda siya sa akin. Dahil di tulad niya, hindi naman ako naglalagay ng mga kolorete sa mukha ko para gumanda lalo. At kung magkataong dalagang dalaga na ako, at marunong na akong magmake up ay baka mas maganda pa ako sa babaeng iyon. Hindi naman sa bitter ako sa kanya ha. Naiinis lang kasi ako sa ugali niya. Isa kasi siya sa mga taong pinagtatawanan ako sa pakikipaglaro ko sa mga bata. Lagi rin niya akong iniismiran kapag bumibili ako sa tindahan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD