CHAPTER FIVE
FOUR YEARS AGO
LUMILIPAS ANG MGA TAON, nagugulat nalang ako sa sarili ko. Dumating ang araw na hindi ko alam kung bakit iba't ibang emosyon na ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Nilo.
Kapag nakakasalubong ko siya sa paglalakad ay naiilang ako. Kapag nagbibiro siya o inaasar ako ay nagagalit ako at nagtatampo. Kapag nakikita ko silang palaging magkasama ni Elith, ang sama ng pakiramdam ko, nagseselos ba ako? Hindi ko alam.
Pero mas nagtataka ako sa sarili ko kapag nami-miss ko siya sa tuwing hindi ko siya nakikita sa loob ng dalawa o tatlong araw lang.
Tuloy ay naiinis ako sa sarili ko dahil paggising ko, nagkakaroon na lang ako ng mga pimples sa mukha ko.
Tinutukso tuloy akong mga kaklase ko na may crush daw ako.
At mas nagulat ako nang si Mark ang nakapansin niyon.
"Ah hahaha, alam ko na kung bakit may ganyan ka insan. May crush ka na ano? Sinong crush mo ha? Baka naman si Nilo?" pang-aasar niya na ikinahiya ko dahil nasa likuran niya lang si Nilo. Tuloy ay hindi ko matingnan ang lalaki.
Isang araw, nagkayayaan kami ng mga kaibigan kong maligo sa dagat na sobrang lapit lang naman sa amin.
Naglakad na ako palapit sa dalampasigan nang maabutan ko sina Nilo at ang bruhang si Elith na nakaupo lang sa tabi at halatang naghaharutan.
Agad akong kumuyom ang kamao ko sa inis at kirot na nararamdaman pero hindi ako nagpahalata.
Saka ko lang napansin ang pinsan kong si Mark na naliligo na sa tubig.
Mula sa mabilis ay naging mabagal ang paglalakad ko nang mapansin kong lumingon sa akin si Nilo at sinundan ako ng tingin.
Hindi ko alam kung bakit parang may magnet ang mga titig nito dahil hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.
Mabuti na lang at umiwas siya ng tingin kaya dumeretso ako sa mga kaibigan kong nakababad na sa tubig.
Nang dumako ang tingin ko kay Elith ay nag-snob lang ito kaya inismiran ko rin. Akala mo ikaw lang ha, hitad ka!
"Insan, halika na dito!" Tawag sakin ni Mark. "Hayaan mo na yang dalawang nagdi-date. Painggit lang eh."
Napasimangot tuloy ako at tinanaw muli sina Nilo at Elith. Nasa buhangin lang ang tingin ni Nilo habang ang hitad ay tila natatawang nagkukwento habang sinasadyang hawiin ang buhok papunta sa mukha ni Nilo. Letse!
Lumusong na ako sa tubig papalapit kay Mark at sa mga kaibigan namin.
Naglakad pa kami hanggang sa makarating sa tubig na hanggang balikat na namin at doon kami pumirme at lumangoy.
Maya maya ay napansin kong lumusong narin si Nilo palapit sa amin at sinundan naman siya ng kanyang buntot.
At nagpaalalay pa talaga ang babae kaya hinawakan ni Nilo ang kamay nito.
Napanguso akong makita silang mukhang masaya habang lumalapit sa amin.
Napabuntong hininga nalang ako saka lumayo kina Mark at tumalikod para hindi ko makita ang dalawa dahil kumikirot ang puso ko. Hindi literal ha, oa lang ako.
Nagseselos na talaga ako, s**t!
Mag-isa akong lumangoy ng lumangoy sa tubig at hindi inabala ang sarili na tanawin sila dahil alam ko naman na ka-sweetan lang naman ng dalawa ang makikita ko. Iniisip ko kung mag-syota na kaya ang dalawa.
Rinig ko ang mga tawanan nila at halatang nagkakasiyahan kaya napa-ismid ako lalo na nang marinig ko na ang tawa ni Elith na animo'y mangkukulam.
Baka naman kasi kinikiliti ng Nilo na iyon kaya ganon tumawa. Sinasamahan narin siguro ng tiyansing, eww!
"Nag-iisa ka yata."
Muntik na akong mapatili nang marinig ko ang boses ni Nilo sa likuran ko.
Mabilis akong humarap sa kanya.
"Ano ba---" natigilan ako nang mapagtanto kong kaylapit namin sa isa't isa. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa!
Bigla ko nalang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko at hindi ko alam kung kita ba niya iyon.
Ilang saglit pa siyang nakatitig sa akin kaya naman nailang ako bigla.
Napaatras ako sa kanya at sinikap na iniwas ang paningin sa kanya.
"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya na ikinagulat ko.
Matapang ko siyang hinarap. "Eh, ano naman ngayon?!" singhal ko.
"Teka, ba't parang galit na galit ka sakin, ha?" napahalukipkip siya at salubong ang mga kilay.
"Kasi ang yabang yabangmo!" singhal ko pa.
Nainis nalang ako dahil kahit kunot ang noo ay nagawa pa niyang ngumiti.
Tuloy ay bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa ngiting iyon.
Natigilan nalang ako nang lumapit pa siya sa akin dahilan para mapaatras ako. Hanggang sa di ko na magawang umatras dahil hanggang leeg ko na pala ang tubig.
Nang tanawin ko ang mga kasamahan namin ay abala ang mga ito sa malayo at naghahabulan.
"P-pwede ba, wag kang lumapit sa akin!" inis singhal ko ngunit mas kinakabahan dahil sa ginagawa niya.
"Bakit parang ilang na ilang ka sa akin, Julia?" nakangiti nitong tanong.
"W-wala ka na dun!" masungit na sagot ko.
"Hindi kaya...gusto mo ko?"
Nanlaki ang mga mata ko. Kasunod ang pagbilis ng t***k ng aking puso.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Feeling ko namumula na ang pisngi ko.
"A-ang kapal kapal ng m-mukha mo!" sinikap kong magmukhang galit pero kaba ang kumontrol sa expression ko kaya kitang kita ni Nilo ang nangyayari sa akin.
"Sige nga, patunayan mong hindi mo ko gusto." Hamon nito na ikinatigil ko. Pano ba yun?
Inis akong nilingon siya. "Pano ko patutunayan, aber. Halika at lulunurin nalang kita!"
Sa halip na matakot ay natawa siya kaya mas lalo akong nainis dahil ang gwapo niya tumawa.
"Ganito na lang," anito saka nag-isip. Maya maya ay lumangoy ito papunta sa malalim na parte ng tubig. Lampas ulo na iyon pero nagawa niyang iangat ang katawan niya.
Kaya naman nagtaka akong tumingin sa kanya.
Humarap siya sa akin. Tatlong dipa ang layo niya sa akin.
"Para malaman natin kung wala ka ngang gusto sa akin. Halika, lumapit ka dito." Hamon niya na ikinatigil ko.
"Sira ulo ka ba?" inis na asik ko. "Gusto mo ba akong malunod? Alam mong hindi ko kayang lumangoy sa malalim!"
"Alam ko." Aniyang natawa kaya mas lalo akong nainis sa kanya.
"Alam mo naman pala eh."
"Kaya nga hinahamon kita."
"Nababaliw ka na! Gusto mo ba akong patayin?"
Bwesit na bwesit ako sa kanya sa mga oras na iyon. Nagsisi akong naligo ako sa araw na iyon.
"So, kung hindi mo kayang lumapit dito, ibig sabihin, may gusto ka sa akin."
"W-wala akong gusto sayo, noh!"
"Di patunayan mo." Nakangisi niyang turan na inilahad pa ang kamay.
Napuno ako bigla.
Nagdesisyon akong lumapit sa kanya at sinikap na lumangoy para lang hindi mapahiya. Nawala ang ngiti niya nang mangalahati ako.
Binilisan ko ang paglangoy at nanggagalaiti sa kanya. "Kapag na nakarating ako diyan, ba-black eye-an kita!"
"Okay..." sagot lang nito na naging seryoso nang makitang papalapit na ako.
Napapikit na ako nang wala na akong maapakan at para na akong asong kumakampay para makalangoy.
Maya maya ay tila hinihigop na ako ng tubig pailalim kaya nataranta ako.
"Tulong!" Isang beses lang akong nakasigaw nang tuluyan akong mapailalim sa tubig na lampas na ng aking ulo. Naghurumentado ang puso ko habang sumisigaw ng tulong sa isip ko. Hanggang sa makainom na ako ng tubig dagat at magdilim ang paningin ko.
Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang isang kamay na humila sa akin paibabaw. Hanggang sa hawakan niya ang katawan ko at iahon.
Pilit kong iminumulat ang paningin ko pero madilim ang aking balintataw.
Tanging boses lang ng kumakarga sakin ang naririnig ko.
"Julia!" si Nilo. "Gumising ka, Julia!"
Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa buhanginan at narinig ko na ang mga pag-aalala ng mga kaibigan ko.
Pinump ng pinump ni Nilo ang dibdib ko hanggang sa lumabas ang tubig dagat na nainom ko.
Napaubo ako at unti unting nagmulat ng mga mata. Habol ang aking hiningang napabangon.
Saka ko lang naramdaman ang paninikip ng dibdib ko dahil muntikan na akong lagutan ng hininga.
"Julia..."
Napalingon ako kay Nilo na nasa tabi ko.
Nakapalibot narin ang mga kaibigan ko sa akin.
"Julia, S-sorry." Ani Nilo.
Napaurong ako nang lumapit siya sa akin. "H-huwag mo kong lapitan. Lumayo ka sakin!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha ko sa aking mga mata.
Pakiramdam ko kasi pinagkaisahan ako sa sandaling iyon. Na pinaglalaruan niya ang damdamin ko.
Galit na galit ako sa kanya.
"Julia, hindi ko sinasadya..."
"Talaga? Hindi mo sinasadya? Eh gusto mo nga akong mamatay eh!"
"Hindi ganoon yun."
"Galit na galit ako sayo! Wag na wag kanang lalapit sa akin. Ayuko nang makita yang pagmumukha mo kahit kailan!" Tumayo na ako.
Nakita kong namutla si Nilo pero hindi ko iyon pinansin. Mabilis kong nilisan ang lugar na iyon at patakbong umuwi sa aming bahay na umiiyak.