“Aray!” Nagising ako sa pagkatulala nang bigla niyang higpitan ang pagkakatali ng jacket niya sa bewang ko. Sa sobrang higpit nang pagkakatali niya ay naipit ang balat ko sa bewang, napangiwi ako.
Nakaawang na ang labi ko nang hinarap siya. I gave him a hindi-makapaniwala-look. Gulat na gulat ako sa ginawa niya.
Did he just hug me from my back? Muntik ko na siyang masampal sa ginawa niya!
“What the impiyerno, did you do?!” galit kong sigaw. Umiinit ang pisngi ko sa galit.
Iniwas niya ang tingin sa ’kin bago nag-salita. His move gave me access to his neck, namumula ang sexy niyang leeg. He swallowed and his Adam’s apple moved illegally. Tumikhim ako at iniwas din ang tingin doon.
Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay, pasalamat siya at marupok ako sa guwapo. Magtitimpi ako sa kanya ng mga one minute.
“So what the hell did you d—”
“M-may tagos ka,” he cut me off. Umiwas siya ng tingin at binasa ang pang-ibabang labi.
Pardon? What did he say? Pakiramdam ko ay bigla akong nabingi. Napakurap ako at pilit na inintindi ang sinabi niya.
My eyes automatically got bigger when I fully realized what he said. I felt my cheeks burn again, not because of anger but because of embarrassment! Napaawang ang labi ko at ilang beses pa ulit na napakurap-kurap.
I can’t utter words anymore. Tahimik kong sinuyod ng tingin ang Hallway, medyo nakalma ako nang makitang tatatlo lang ang nanonood sa ’min. Dahil sa kahihiyang tinamo, inirapan ko ang lalaki bago nagmamadaling tumakbo kung nasaan ang locker area namin.
“Shez! Nakakahiya ka, Nicole!” I shouted inside the comfort room. I lost count kung ilang beses ko nang pinaikot ang mga mata kakairap. Sinisisi ko ang repleksyon ng sarili ko ngayon sa salamin. What happened was so cringe, nakakadiri!
Nakakainis pa rin talaga ang lalaking ’yon! He’s arrogant at feeling gentleman! Sa ginawa niya ay mas lalo lang akong napahiya. Sana hindi niya na lang ako pinansin at sana hindi na lang siya gumawa ng scene! Niyakap niya pa ang bewang ko just to tie the jacket around my waist! Napaka-feeling gentleman talaga, snob naman! Kaasar ang lalaking ‘yon
Para akong binagsakan ng langit at lupa! Oh my gosh, mabuti na lang at may spare clothes ako sa locker ko and nakapagpalit agad ako. Ngumuso ako at tinignan ang jacket niya na nakapatong sa sink. I feel better now, unlike kanina.
I rolled my eyes before picking it up, inamoy ko ang jacket niya at in all fairness mabango. Anong perfume ng lalaking ’yon? Hindi masakit sa ilong.
Pinag-iisipan ko pa if ibabalik ko ang jacket niya, or hindi. Sa huli, I decided not to return it. There’s no way na ibabalik ko ang jacket niya after he hugged me without my permission!
Isang jacket para sa isang yakap. Sulit, mukhang mamahalin pa naman ’tong jacket niya, ang bango pa.
I’m not going to return his jacket to save my face! Nakakahiya talaga ang nangyari, buong hormones ko ang nandiri. Itinapon ko na lang iyon sa trash can. Just kidding!
May mercy pa rin naman ang magandang tulad ko. Pasalampak ko lang na inilagay ang jacket niya sa locker ko, no effort sa pagtupi.
After fixing myself, bumalik na ’ko sa room. I know I’m already late, but I don’t care.
“Good morning sa ’yo, Hija!” salubong sa akin ng Lecturer. May bahid ng sarcastic ang pagkakasabi niya. Naging agaw-pansin tuloy masyado ang entrance ko dahil lahat ng Classmates ko ay napatingin sa ’kin. Wala ako sa mood na bumati sa kanya kaya dire-diretso lang akong pumasok sa room namin. hindi ko naman alam na pupunahin niya ako kaya tumigil ako para batiin siya.
“Good morning din, Ma’am,” bored kong sagot. Masyado nila akong pinagtutuunan ng pansin. Wow, I appreciate it.
Nang mapatingin ako kay kay Rhea ay nakapikit ng mariin ang mga mata niya. Para bang stress na stress siya sa ’kin. I glared at her, bigla naman siyang nag-sign of the cross pagkatapos ay pinagdikit niya ang dalawang palad na para bang ipagdarasal niya ako.
“Are you a transfer?” tanong ng gurang na Teacher sa akin. I rolled my eyes, mentally. What kind of question is that? Hindi niya ba ako kilala?
Pinigilan ko na lang ang sarili na mainis sa kanya. I saw her eyes went down to what I’m wearing kaya pati ako ay napatingin din sa suot kong black fitted jumper skirt partnered with a white printed t-shirt inside. Isang black big panda ang naka-print sa t-shirt ko. I wore my white rubber shoes for P.E, hindi naman kasi bagay ang school shoe sa outfit ko. Wala akong ibang damit sa locker except these. Mabuti na lang at mataas ang fashion sense ko kaya kahit hindi expected ang nangyari stunning pa rin ako. Hay, wala talagang kakabog sa beauty ko!
“Naturuan ka ba sa dating School mo na mag-good morning, bago pumasok sa klase?” tanong niya.
“I’m not a transfer Student, Ma’am, I’m from Trivino High, since Grade Seven.” I proudly said. Napaawang naman ang labi niya sa sinabi ko.
“Where’s your uniform? Bakit ’yan ang suot mo?” she asked. Maarti ko namang hinawi ang buhok ko bago siya sinagot.
“Something happened, Ma’am,” wala akong balak na mag-explain. Sayang ang saliva ko.
Marami pa siyang sinabi na inikutan lang ng mga mata ko. Pumasok lang ako uminit na agad ang ulo ng matanda. Insecure ’yan sa beauty ko.
Itinuloy ko na lang ang pagmartsa papuntang upuan ko. Agad na nangunot ang noo ko nang makitang katabi ko siya sa upuan. Inis at pasalampak akong umupo.
“Anong nangyari sa ’yo, Nicole?” I glared at Rhea nang bumulong siya sa ’kin. Wala naman siyang ginawa pero naiirita ako.
“Shut up, Marhea Gracia Esperanza!” I hissed at her.
Pareho niya namang tinaas ang dalawang kamay sa ’kin na tila sumusuko. “Chill lang,” natatawang aniya. “Highblood si Ma’am.”
Palihim akong napatingin sa isa ko pang katabi, kairita! Ba’t katabi ko ’to? Agad kong iniwas ang tingin nang magtama ang mata naming dalawa.
“We have a transfer Student nga pala, Class. He was from Leonel High,” lahat kami ay napatingin sa katabi ko. Obviously, he’s the transferee.
“Napaka-outstanding ng mga grades niya, Class. He was also a Valedictorian during his Elementary at siya rin ang dating S.S.G President ng Leonel High. But now that he transfereed to Trivino High, naiwan niya ang posisyon doon. He’s also a Photographer at marami ng awards na natanggap sa iba’t ibang larangan. Mapa-Quiz Bee man o kahit ano pa.” Umikot ang mata ko sa description ng Lecturer namin sa kanya.
Sobra naman yata ’yon para ipakilala ang transferee na nasa tabi ko, masyadong O.A. ang Lecturer namin.
“Dapat boys, ito ang tinutularan niyo, huh! Hindi ang pagbubulakbol!” dagdag pa niya. Tanga ba siya? Section One kaya ’to. Of course, my classmates are competitive and matatalino! I know that ‘cause we’ve beem classmates, since Grade Seven. Hindi niya kami kailangan i-compare sa lalaking ’to!
“I’m sorry, I’m just too honored to have this kind of Student in our class. Kung gagalingan mo pa, Hijo, p’wede kang makakuha ng scholarship. Sobrang talino mo.”
“Tsaka ang guwapo pa, Ma’am!” sigaw ng kaklase kong si Abbygail Landingan. Bagay sa kanya ang apelyido niya. Landi!
“Mr. Zaydel Cruz, kindly stand up and introduce yourself.” sabi ni gurang.
Napataas ang kilay ko sa narinig na pangalan. I crossed my arms and legs while watching him in front.
So, Zaydel Cruz is the name, huh?