CHAPTER 04

2070 Words
CHAPTER 04 Isang Buwan pa ulit ang lumipas since that chaotic first day of school. The month of June frustrates me so much, mabuti na lang at hindi haggard ang beauty ko sa mga pangit na bagay sa mundo. Mukha ko na lang talaga ang maganda ngayon. I never attempted to talk with Zaydel after the embarrassment na natamo ko sa kanya. Kahit na classmates pa kami at halos everyday na nagkikita, hindi ko talaga siya pinapansin at kinakausap. Isa pa, masyado akong busy na tao para pagkaabalahan siya. Break na kami ni Khaizer and that's my problem. He cheated on me! That dog! Playboy pa lang ang lalaking 'yon! I thought he's serious of me, 'yon pala pareho lang kaming naglalaro! Tatlo pa kaming pinagsabay niya kaya nakakairita talaga! I'm loyal to him at hindi ako nagkaroon ng iba noong kami pa. Kaya paano niya nagawa 'to sa ’kin? I'm so hurt of what he did, not because I love him but I was hurt kasi tinapakan niya ang pride ko! Imagine? The gorgeous Nicole Hernandez, sinali sa collections niya? Huh, the audacity! His face is so kapal! Because of him my image was tainted. Napakalaking scandal nun sa name ko kung nagkataon na kumalat ’yon. Hindi dapat pinaglalaruan ang isang Nicole Hernandez, it should be the other way round! “Ano? ‘Yan ba ‘yung kabit ni Khaizer?” Muntik ko ng masampal si Rhea sa lakas ng boses niya. Halos isigaw ba naman sa hallway! Marami tuloy ang nakarinig at napatingin sa 'min. “Shut up!” galit kong singhal sa kanya. Pinandilatan ko siya ng mata at inirapan. Konti na lang talaga bibili na ako ng tape para sa bibig niya. Para siyang nakalunok ng microphone lagi. “So, totoo ’yung sinabi ni, Maxine Beatinco na girlfriend siya ni, Khaizer? O my gosh!” Her eyes widened, ang OA ng babaeng 'to. Last week kasi ay nag-gatecrush kami sa acquaintance party ng Señior High. Ginawa ko ‘yon para makita ko si Khaizer. Doon ko nalaman na may ibang babae pala ang loko! I thought Maxine Beatingco-- ‘yung isa pang girlfriend ni Khaizer. Is just bluffing and being a b***h noong sinabi niyang siya raw ang girlfriend ni Khaizer. Nagalit ako sa pagka-feeler niya kaya we had a cat fight sa common bathroom. Dumating ang S.S.G president na si, Yvonne Vidalez and it turns out to another round of rambulan ’cause we found out na girlfriend din pala siya ni Khaizer. Great! nakipagsabunotan pa ako kasi ipinaglaban ko ang papel ko na girlfriend niya. Tapos malalaman ko lang na kaming tatlo pala talaga ang babae niya! Ang lalaking ‘yon! Kung hindi lang ako nagtitimpi, malamang ay nailibing ko na ‘yon ng buhay! “Sige pa, Rhea! Lakasan mo pa!” sarkastikong sabi ko sa kanya. She bit her lower lip and offered a peace sign using her fingers. “O baka naman ikaw ang kabit?” Rhea held her chest dramatically. Nakaawang pa ang labi niya na tila ba gulat na gulat sa sarili niyang realization. I immediately glared at her, ang dumi ng bunganga ng babaeng 'to. “You won't stop?” I seriously said while glaring at her. Natatawa naman niyang itinaas ang kamay na tila ba sumusuko. Hinila ko ang konting strands ng buhok niya kaya napa-aray siya. Nagpamauna ako sa paglalakad, agad naman siyang sumunod na parang aso. Hindi lang natapakan na pride ang problema ko kay Khaizer. Lolo-Dad is so fond of him. Tuwang-tuwa pa nga siya nang malaman niyang si Khaizer ang boyfriend ko. But he ruined the trust and expectation of my Lolo-Dad! Ayokong ma-stress ang matanda lalo na't always siyang busy sa work. He don't know the reason why we broke up. Ayokong sabihin sa kanya na nag-break kami dahil Khaizer cheated on me. Lolo-Dad hates kapag may taong sumira sa trust na ibinigay niya. “Paano na ‘yan? Break na talaga kayo ni, Khaizer?” tanong niya. Hindi pa ba obvious? Ang utak talaga ng babaeng 'to. “Don't expect me na pupulot ng trash, Rhea.” I flipped my hair. Napunta sa mukha niya ang buhok ko kaya napangiwi siya. “Wow, naks naman! Bida ka niyan?" She clapped her hands at me. I'm sure she's just mocking. Parang tanga naman 'tong si Rhea, eh. “Ganda ka te? Baka sa pananaw ni, Khaizer mop lang 'yung buhok mo sa gymn.” Tumigil ako sa paglalakad at agad siyang sinamaan ng tingin. Sobra na ang bunganga niya para sa araw na 'to. Pinuno ko ng hangin ang baga at malakas na binuga sa harap ni Rhea. “Of course, I'm maganda!” Saktong pagbaling ko sa kabilang side ng hallway ay nagtama ang mata naming dalawa ni Zaydel. Hindi pa ako nakakairap ay umiwas na siya ng tingin at deritsong naglakad na para bang hindi niya ako nakita. Tuluyan na akong tumigil sa paglalakad. Humalukipkip ako at hinilig ang likod sa pader ng hallway. Kahit na nagtataka ay tumahimik si Rhea. Dahil sa posisyon ko, kitang-kita ko ang pagdaan ni Zaydel sa harap ko. He's just simply walking pero para siyang nasa runway ng fashion week naglalakad. Stoic at bahagyang nakakunot ang noo. I heard the girls gasps nang dumaan siya sa harap nila. His body is matured and toned compare sa mga classmates namin. Mas mukha pa siyang professor kaysa student. “Ang gwapo talaga,” Rhea whispered at me. Maski siya ay natulala na rin kay Zaydel. I shamelessly look at him, wala akong paki kung mahuli niya man akong titig na titig sa kanya. Hindi ko kokontrahin ang sinabi ni Rhea kasi totoo naman, eh. Guwapo nga, arrogante naman at sobrang feeling gentlemen! Simula ng pumasok siya rito ay usap-usapan na siya ng marami. Bago pa lang pero matunog na ang pangalan niya. I also heard that he's a teacher's pet. Well, bagay naman sa kanya, eh. Bukod sa matalino nga siya, para siyang aso! Marahan kong tinampal ang pisngi ni Rhea, kulang na lang kasi ay tumulo na ang laway niya. “Hey, let's go.” “Huwag kang masyadong confident, Girl, tingnan mo nga ’yang katawan ng cheerleader na 'yon. Ang tangkad saka ang laki ng future.” Ngumuso siya at tinuro ang dibdib ni Maxine Beatingco, 'yung sinasabi kong isa pang girlfriend ni Khaizer. “Well, malaki naman ’yang sa ‘yo pero mas malaki sa kanya. May exercise at mas may built din ang katawan niya kumpara sa ’yo na petite. Parang hourglass, super sexy. Balita ko nga ay parehong doctor ang mga magulang niyan. Sa tingin mo may pinagawa siya sa katawan niya?” Kulang na lang ay idutdut ni Rhea ang mukha niya sa ‘kin. Nagkibit ako ng balikat at inirapan siya. “I don’t know, Rhea. Saka lumayo ka nga sa ’kin, ang init ng hininga mo!” Hindi niya ako pinansin dahil hindi pa tapos ang bunganga niya. “Saka ‘yung, Yvonne Vidalez naku! Nicole, talo ka na. S.S.G president, bukod sa maganda brainy pa! Ikaw anong baon mo? Kaartihan sa katawan?” Rhea keeps on talking while we’re eating at the cafeteria. Sa malayong mesa ay naroon si Maxine na kanina pa niya binabanggit. “How many times do I have to tell you na walang akong balak makipag kompetensya sa kanila dahil wala akong plan na balikan si, Khaizer,” naiiritang saad ko sa kanya. Pinalampas ko na lang ang pasmado niyang bibig dahil dagdag stress lang ’yon. Ikumpara ba naman ako sa mga babae ni Khaizer! Naging busy na ako after, hindi sa studies ko kung hindi sa ginagawa naming revenge. Yes, we’re making a revenge for my playboy ex! Saka okay lang naman kahit hindi ako mag-study, pasado pa rin naman ako. ZAYDEL Cruz is really a genius! Bago pa lang siya pero favorite na kaagad siya ng marami naming lecturer because of his intelligence. Walang mentis ang araw na hindi siya pinupuri ng mga guro namin dahil sa galing niya. Some nga are pushing him to run for the next year's campaign as the S.S.G president. Pansin ko ring palagi siyang mag-isa at walang kasama. Looner talaga siya. “So, what's your plan for today?” Rhea asked me on the phone. Today is Saturday kaya wala kaming class, nasa mansion lang ako at naghihintay ng oras. “I'm going to, Audrey's house. We're going to club tonight.” I lazily answered, nasa loob ako ng walk in closet ko at naghahanap ng outfit para mamaya. “Uy! Clubbing sama ako! ” I spinned my eyes kahit na alam ko namang hindi niya makikita. I imagine Rhea pouting like a kid right now. “Huwag na, hindi ka papapasokin dahil mukha kang bata. Isa pa, baka manggulo ka lang there!” “Hay! Disadvantage ng pagkakaroon ng baby face. Pero ikaw, ah! Baka ipagpalit mo na 'ko sa kanilang tatlo!" Pagtatampo kunwari niya. I spinned my eyes again, ang arte talaga ng babaeng 'to. “Rhea, you’re my only bestfriend you know that.” I assured her para hindi na siya magtampo. “Pinky swear? Mamatay ka man?” Ngumiwi ako at tiningnan if tama ba ang caller I.D. Rhea is making me cringe! Humagalpak siya ng tawa kaya napailing na lang ako. I'm now wearing a black fitted jeans paired with a white tube, pinatungan ko lang ito ng black crop top jacket revealing my sexy stomach. A simple black three inches heels and I let my curly long hair na nakalugay. Sinadya kong mag-mature looking for tonight kasi I'm only seventeen. Wala pa ako sa legal age at bawala ako sa club. But with my look today, hindi 'yon mahahalata ng guards. Huh! I've done this many times. Hindi rin naman kasi halata ang features ko. My bear face looks young pero kapag pinatongan na ng make-up ay nagma-mature na akong tingnan. My Lolo-Dad told me na namana ko raw iyon kay mommy. Kasama ko sa club sina Maxine, Yvonne, at Audrey. Kaming apat ang nagkasundo para maghiganti kay Khaizer. Sina Yvonne at Maxine ay parehong may galit sa kanya. Si Audrey naman ay damay lang namin. How ironic, nagsama-sama ang ang ex ni Khaizer para karmahin siya. Well, sila na ang bahala sa plano nila for tonight. Pupunta talaga ako ng bar para ma-enjoy. Plus, maghanap ng guwapo! Sure akong maraming mabibingwit doon! Nagkita-kita kami sa bahay nila Audrey pagkatapos ay dumiretso na kami sa isang high-end club sa malapit. I saw earlier sina Khaizer, Rex, and some of their friends sa kabilang couch. Medyo madilim sa pwesto namin kaya hindi kami masyadong kita ng group nila. Nagbubulungan kami rito on how to execute the plan. Maya-maya lang din ay sinimulan na namin, wala naman akong gagawin kaya nagpaiwan lang ako sa couch at uminom mag-isa. The music boomed so loud, sobrang nakaka-akit ng dance floor. Sasayaw ako later pag medyo may tama na ako. “Cheers!” ani Maxine na siyang nangunguna sa pag-inom ng alak. Nagpatuloy lang kami sa pag-inom hanggang sa naka-ilang shots na ako. Nagpaalam sina Yvonne at Maxine na pupuntang washroom kaya naman naiwan akong mag-isa rito. Si Audrey ay kanina pa naka-alis para gawin ang plano namin. Bahala na sila, sapat na sa 'kin na parte ako ng grupo na sisira kay Khaizer. Hindi na ako nagtaka pa nang lumapit sa 'kin si Rexilde Lopez or Rex, one of Khaizer's closest friend. Varsity Player din siya ng Trivino Busters, the Trivino High's basketball varsity team. And I know that he has a major crush on me! “Hi,” he greeted, pagkatapos ay tumabi siya sa 'kin. Rex has this boyish look, he's cute and charming. “Hello!” I greeted him back politely. “You're alone?” “What?" Lumapit ako sa kanya dahil hindi ko siya marinig, bigla kasing lumakas ang music. I heard him chuckled before whispering to me. “Sayaw tayo?” I smirked, gosh! Magpapaligoy-ligoy pa ba ako? “Sure,” nilapag ko ang hawak na baso sa mesa at kaagad na tumayo. Muntik pa akong mabuwal sa pagtayo dahil bigla akong nahilo. Mabuti na lang at nasalo ako ni Rex. Pareho na lang kaming natawa sa nangyari. Pababa na kaming dalawa sa hagdanan nang may mahagip akong familliar na face. Si Zaydel ba 'yon? Nagpalinga-linga ako pero hindi ko na mahanap. I guess, effect lang ’to ng alcohol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD