CHAPTER 13 “ANO? Ikaw na ang bagong secretary ng council?” Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw nina Yanna at Rhea. Ngumisi ako at nagkibit ng balikat. Pinaglaruan ko rin ang buhok gamit ang mga daliri. Ang OA ng dalawang ’to kung makasigaw. It’s been what? One week na siguro simula nang mag-apply ako para maging secretary ng council. I gave all the requirements and ace the interview from the other members of the council. Ladies luck is on me kaya nakapasa ako. Kahapon ko lang nalaman ang result at ngayon ko lang sinabi sa mga kaibigan. “Paano?” hindi makapaniwalang tanong ni Yanna. I spinned my eyes at her. “Malamang, nag-apply ako at nakapasa. Gosh! Overqualified pa nga ako para sa posisyon no! Bagay na bagay kaya sa ’kin maging sexytary.” I flipped my hair. “Sino’ng nagpalakas ng ai

