CHAPTER 14 “Ikaw ang mas nakakaalam kung ano tayo.” Paulit-ulit sa utak ko ang mga katagang binitiwan ni Zaydel. Ikaw ang mas nakaka-alam kung ano tayo. Ano nga ba tayo Zaydel? ”Argh!” Nasampal ko ang sariling mukha dahil sa frustration. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako! Ayaw mawala si Zaydel sa isip ko, paulit-ulit ang sinabi niya na parang isang sirang plaka. Masama na ’to, hindi pwedeng tambay siya sa utak ko magdamag. “May problema ka?” Napaayos ako nang upo nang biglang dumating si Tita Mabel. She’s wearing a black Dolce and Gabbana dress. Very sophisticated with her hair tie on a bun. Despite the busy schedule of her, she looks gorgeous. Umupo siya sa harap ko, nasa dining table kami para kumain ng dinner. I looked at her and she’s giving me the look to speak. “What’s wrong,

