CHAPTER 07 “Zaydel,” I called him. “Do you know that the octopus has three hearts?” Naabutan ko siya sa hallway na mag-isang naglalakad kaya sinabayan ko at binigyan ng pamatay na pick-up line. He continued walking kaya naman nagmamadali akong sumunod sa kanya. I’m almost half running dahil sa laki ng mga steps niya, matangkad siya masyado at mahaba ang mga benti. Kahit na may takong pa ang school shoes ko, hanggang leeg niya lang ang kapantay ng height ko sa kanya. His brows furrowed like the usual, ganyan naman lagi ang face niya everytime na lumalapit ako at bumabanat sa kanya. At sa tuwing ginagawa niya ’yan, mas lalo siyang nagiging guwapo sa mata ko. He’s so freaking hot with his uniform! He’s like a mad professor in class every time he’ll do that furrowing of brows. Imbes na mata

